Chapter 9
Yasha’s POV
Nanlalaki pa rin ang mga mata ko at pigil ang hiningang tinititigan ang hambog na lalaking kaharap ko. Inipon ko ang lakas ng loob ko at saka siya malakas na itinulak palayo sa akin pero ang mokong, nag-teleport! Hinanap ko siya at nakita kong nasa kabilang sanga na siya’t tinawanan pa ako.
Nakakuyom na mga kamao akong umupo sa sanga at hinihinatay na bumalik siya rito pero hindi! Sasapakin ko lang naman siya eh! Prente siyang nahiga sa kabilang sanga at inunan niya pa ang sariling braso. Malalim na lang akong napabuntong-hininga at sumandal sa puno. Napatingin ako sa baba.
“Ahh!” Wala sa sariling napasigaw ako nang makita kung gaano katas ang puwesto ko ngayon! Ang taas sobra! Sa sobrang kaba’y napayakap ako sa puno, pero napatigil ako nang mapansin na pataas ako nang pataas. Kahit medyo nalulula ay tinignan ko ang hambog na prinsipe. Nakaupo na siya sa sanga ng puno at nang magtama ang paningin namin ay malademyo niya akong nginisihan. Naluluha akong nagbawi ng tingin at iniiwas ang aking mata sa ibaba para hindi ako mas lalong matakot. Mas lalo lang dumagundong ang kabang nararamdaman ko. Kung kanina’y dahil sa gulat ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko, ngayon ay na dahil sa takot.
Nanginginig ang mga kalamnan ko at mas lalo akong natakot nang may naramdaman akong mainit sa balikat ko. Nasa araw na ba ako?
"Napaka-duwag mo naman pala." Napamulat ako nang marinig ang pinakaiinisan kong boses. Bahagya akong nagulat nang mapansin na nasa baba na ako! Kaming dalawa! Napapikit-pikit pa ako at nakaramdam ng matinding hilo. Ang huling nakita ko na lang ay siya at ang pagdilim ng paligid.
"Yashaaaaaaa!!!" Agad akong napatayo sa gulat nang may tumili ng pangalan ko.
"Manahimik ka, Liah!" Dinig ko pang suway sa kaniya ng kung sino.
Nanlalabo pa ang paningin ko kaya ilang beses akong kumurap, unti-unti ay naaninag ko na sila. Lahat sila ay matamis akong nginitian. Inilibot ko ang tingin sa kanila.
Himala, wala yata dito ‘yung hambog na prinsipe? Napabuntong-hininga na lang ako at nginitian sila
Letcheng Lenox ‘yun. Nawalan na ako ng malay sa mga kalokohan niya.
"Yashavellia," tawag sa akin ni Ma'am Rachel. Nilingon ko naman siya at ngumiti. "Ipagpaumanhin mo ang kalokohang ginawa sa iyo ng aking anak," sinserong saad niya. Napakamot na lang ako sa aking batok. Napakawalang hiya talaga ng hambog na ‘yon, magulang pa niya ang humingi sa akin ng pasensya sa kalokohan niya.
"Oo nga, Yasha. Pasensya ka na ha? Nagulat na lang ako kanina na biglang dumating si Lenox na buhat-buhat ka." Ngumiti na lang ako kay Liah dahil wala naman akong masabi. Napatingin na lang ako ng maramdaman kong lumubog ang kabilang side ng kama ko.
Si Deryhm.
Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya kaya ginawa ko naman.
Nang makalapit ako ay inilapit niya ang sarili sa akin. Hindi ko alam ngunit nakaramdam na lang ako ng kakaibang kaba.
"Makakauwi ka na sa mundo mo~" Pa-kanta niyang bulong, Napatango na lang ako.
Makakauwi na raw ako—
T-teka!
Nanlalaki ang mga mata kong tinignan siyang muli ngunit sa paglingon ko ay si Windkhor na ang naroon. Ang bilis naman niyang magteleport! Nilapitan ako ni Windkhor at hinawi pa ang iilang hibla ng buhok ko na tumabing sa aking mukha. Awkward ko siyang nginitian.
"Maaari bang huwag mong hawakan ng ganiyan ang kaibigan ko, Winkhor?" Mataray na suway ni Liah sa kapatid at saka niya ito hinatak palayo sa akin at siya na ang naupo sa puwesto ni Windkhor kanina.

BINABASA MO ANG
NEW YOU (COMPLETED)
FantasyBlurb Nueva mundo Nueva tu, ang mundo na may kakaibang taglay na mga mahika, kapangyarihan at iba pang mga elemento na namumuhay rito. Ang mundong ito ang tutupad sa mga bagay na hindi niya nararanasan sa tunay niyang mundo. Ang Nuava Tu ang makaka...