Chapter 7
Halos hilingin ko na nakatataas na sana bumuka ang lupa at lamunin na lang ako. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko ngayon dahil sa kahihiyan na dulot ng marami ang nasisitawanan. Mas lalo lang akong kinain ng hiya ng unti-unting lumapit sa akin ang hari't reyna, na pinapangunahan pa ni Lenox.
Nang tuluyan na silang makalapit sa akin ay napalunok ako nang napalunok. Nakayuko ako napanguso na lang.
"Yashavellia, anak, ayos ka lang ba?" Si Reynang Rachel ang nagtanong.
"Ha? Ina, malamang ay hindi. Ipinahiya niya lamang ang kaniyang sarili!" Malakas na sigaw ni Lenox. Napapikit na lang ako. Bakit dito pa niya ako sesermonan sa harap ng maraming tao? Inilapat niya ang kaniyang dalira sa aking baba at itinaas iyon upang magharap kami. Hindi ko maiwasan ang pamamasa ng aking mga mata. This is the worst day I ever had!
"Binbini, ano’ng kahihiyan ang idinulot mo sa iyong sarili?" Sarkastikong saad niya pa. Ouch naman, alam kong sinasadya niya ang pagdiin ng mga daliri niya sa aking baba.
"Tigilan mo ‘yan, Lenox," maawtoridad na sambit ni Deryhm. "Baka nakakalimutan mong babae ‘yang kaharap mo?" Marahas namang binitawan ni Lenox ang aking baba.
"Alam mo ba na sinira mo ang hapong ito?!" Sigaw niya pang muli, dahilan para mapapikit ako. "At paano ka ba naka punta rito ha?! Isang kahihiyan ang ginawa mo—!"
"Tulong!" Lahat kami ay agad na napalingon sa sumigaw.
"Mga kamahalan!" Bakas ang hingal at pagod sa kawal na lumapit sa amin. "Labing dalawang bata ang nakakaramdam ng sobrang pananakit ng tiyan ngayon buhat ng pag-inom nila ng inuming gawa sa ubas," nagmamandaling saad niya pa at nagmamandaling tumakbo kung nasaan ang mga bata. Agad naman kaming sumunod sa kawal at tunay nga ang sinabi niya.
Kinakabahan ako, hindi para sa sarili ko, kung hindi para sa mga magulang ng mga bata na ito. Halata pa na sobrang babata pa ng mga bata, siguro’y nasa anim na taong gulang ang karamihan sa kanila.
"Ay, shet!" Napatakip ako ng bibig sa malakas kong sigaw. Nagulat naman kasi ako doon sa bata biglang sumaka at biglang nangisay sa lupa.
Teka? Bakit ganoon? Sa pagkakaalam ko ay hindi ganoon ang epekto ng halaman na iyon ah? Hindi kaya pinalitan nila?
Ano ba yan! Sa Earth ang gulo-gulo na, pati rin pala rito!
"Ano pa ang mga hinihintay ninyo?! Tumawag na kayo ng mga babaylan," nagagalit na sigaw ng hambog na prinsipe. Ibinaling niya sa akin ang kaniyang tingin. Sarkastiko ko naman siyang nginitian ngunit inirapan niya lang ako.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng hagulgol.
Nang nilingon ko ang pinanggalingan no’n ay nakita ko ang isang ale na nakaluhod sa kaniyang anak, kaya naman ay bahagya akong lumapit at tinignan iyon.
Namumutla na ang bata at punong-puno na ng luha ang mukha ng kaniyang ina.
"Ang anak ko… siya na lamang ang natitira sa akin," umiiyak at mahinang sambit ng ale. Sa totoo lang ay naaawa at nadudurog ako sa aking mga nakikita. Ang bata ay mahigpit na nakahawak sa kaniyang tiyan at halata na sobrang sakit ang nararamdaman niya. Huminga ako ng malalim at nilibot ang tingin sa paligid.
BINABASA MO ANG
NEW YOU (COMPLETED)
FantasyBlurb Nueva mundo Nueva tu, ang mundo na may kakaibang taglay na mga mahika, kapangyarihan at iba pang mga elemento na namumuhay rito. Ang mundong ito ang tutupad sa mga bagay na hindi niya nararanasan sa tunay niyang mundo. Ang Nuava Tu ang makaka...