Chapter 5

258 11 0
                                    

Chapter 5

Kaya lang ay parang mahihirapan ako rito. Hindi ko talaga matukoy kung ano’ng sakit ang mayroon siya. May diwata pa lang nababaliw—este, nagkakagano’n.

PTSD o DID ang puwedeng sakit niya, ang kaso ay hindi rin ako sigurado kung may pinagkaiba ba ang DID o PTSD. Jusko, baka hindi ko pa nalalaman ang sagot doon ay bungo na ako.

Narinig ko ang pagtikhim ng isa sa mga hukom kaya nilingon ko siya.

The hambog prince!

"Ano’ng itinitikhim-tikhim mo riyan?" Tanong ko at saka siya inirapan. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya.

"Maaari bang sabihin mo na lang kung ano’ng klaseng gamot ang maaari naming ibigay sa kaniya upang siya ay gumaling?" Nakita ko pa ang pagkinang ng mga mata nilang lahat, tsk!

Napabuga na lang ako ng hangin.

"Sandali lang ah? Ipapaalala ko lang ho na nag-aaral pa lang ako. Ang hinuha ko sa kalagayan niya ay baka meron siyang PTSD o DID," pagsasabi ko pa. Jusko, tama ba ‘yung pagtatagalog ko?

Tinignan ko ang mga ekspresyon nila, mukhang hindi nila naintidihan ang sinabi ko.

Ako nga feeling ko alog na ang utak ko!

"Ibig sabihin po no’n ay sa isang katawan ay maraming personalidad ang naninirahan doon." Tama ba ako? "Lumalabas po ang iba niyang katauhan kapag masyadong napapagod o maraming iniisip ang tao." Jusko po, hindi ko alam tagalog ng stress. "O ‘di naman kaya ay naaalala niya ang mga masasamang nangyari sa kaniya," sambit ko pang muli. Tumango-tango naman sila.

"Ang ibig mong sabihin ay para siyang sinasapian?" Hindi ko alam pero para akong matatawa. Ang manyak na prinsipe ang nagtanong. "Maaari bang ‘wag kang tumawa!" Asar niya pang sabi.

Sorry naman! ‘Di ko mapigilan eh!

Hayyy… paano ko ba ipapaliwag ito?

"A-ah eh, ano kasi, ganito ‘yan, maraming personalidad sa loob ng katawan niya tapos parang maglalaban-laban sila kung sino ang gustong lamabas. Kung sino ang mananalo, siyempre, iyon ang lalabas," paliwanag ko pa.

Tumikhim si Ma'am Rachel.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, gagaling pa ba siya, o ano ang maaari nating gawin upang gumaling siya?" Paktay. Bumagsak ang mga balikat ko, base kasi sa nabasa ko ay…

There's no cure for this illness.

"Ikinalulungkot ko pong sabihin, pero kung ang sakit niya ay PTSD o DID ay wala pong gamot para roon at hindi po iyon mawawala."

Narinig ko ang biglang pagdabog ni hambog Lenox.

"Eh ano pang silbi mo—"

"Pero maaari niyong makontrol ang mga katauhan niya." Putol ko sa kaniya. Napakahambog talaga ng prinsipeng ‘yan!

Ano bang ambag mo?!

Binubuwisit mo lang ako rito eh.

Baka ipapatay pa ako nito dahil lang sa wala akong naisagot sa kaniya.

Pero ano pa nga ba ang dapat gawin? How can I handle this situation? I’m dead!

"Oh, halina kayo. Yasha, kumapit ka sa akin para makapagpahinga ka na rin," biglang ani ni Ma’am Rachel kaya agad akong kumapit sa balikat niya at segundo lang ang binilang ay narito na kami muli sa pala-palasyohan ni Liah.

"Yasha!" Impit na tili niya kaya napangiwi na lang ako dahil sa nakakarinding boses niya. "Mabuti at nakauwi ka ng buhay," aniya pa at saka umangkla sa akin. Narinig ko ang mahinang tawa ng mga tarantadong prinsipe.

NEW YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon