Chapter 6

181 7 1
                                    

Chapter 6

Yasha's POV

Habang palakad-lakad ako sa kalagitnaan na gubat ay napagpasyahan ko na ring kumuha ng mga kahoy para may maitulong naman ako kay Liah. Nakakahiya naman din kasi.

Si Lenox naman nakalimutan na akong balikan. Tirik na ang araw ay wala pa rin, pero in fairness, kahit nakapaa ako ay hindi napapaso o naiinitan ang mga paa ko. Siguro ganito talaga sa mundo nila. Napakibit-balikat na lang ako.

"Ito, maaari mo itong gamitin." Agad akong napatigil sa paglalakad. Boses ba ‘yung narinig ko?

Dahan-dahan akong lumapit sa pinanggalingan ng boses pero agad akong napatago sa likuran ng isang puno nang makita ko ang hitsura nila. Mayroon silang color purple na tattoo sa pagitan ng mga mata nila. They look odd, pero siguro ay normal lang ang mga kagaya nila rito.

“Sige, kamahalan." Dinig ko pang sambit ng isa sa kanila kaya napagpasyahan kong dungawin iyon. Nanlalaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig sa aking nakita.

Napapaligiran ng iba’t-ibang klaseng dahon ang tatlong lalake, pero hindi naman ako bobo dahil mahilig akong magbasa ay alam kong hindi karaniwang dahon ang mga iyon. Ang unang nakaagaw ng atensyon ko ay ang castor bean, at ang fox glove. Magpapakamatay ba sila?! Hindi ba nila alam ang tawag sa gano’ng uri ng mga halaman? Those plants are poisonous!

Maya-maya pa ay may lumapit na babae sa kanila at ganoon din ang itsura, meron din siyang color purple na tattoo. May inabot siyang kung ano sa isang lalake.

"Ito, ilagay mo ito sa inumin nila sa palasyo," sambit pa ng babae. Agad na nanlaki ang mga mata ko’t pilit na dinungaw kung ano iyong inabot niya sa lalake.

Delphinium flowers… Oh no, ano kayang gagawin nila riyan? Marami na ang hindi nakaligtas sa lason na iyan.

"Sige na, humayo na kayo. Siguraduhin ninyong mawawala na sa landas natin ang mga Luna," may bahid ng pagkaistrikto ang boses na ‘yon, dahilan para kilabutan ako.  Bigla ngumisi ang lalaki’t biglang lumingon sa direksyon ko.

Agad akong napayuko at napa-sign of the cross. Ano ito, Lord? Hindi ko alam na totoo pala ang mga kontrabida sa totoong buhay. "Please, sana hindi niya ako nakita," mahinang bulong ko.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago napagpasyahang tumayo’t tignan ang paligid. Hay salamat, wala ng tao—

"Ayyyy!" Napatalon at napasigaw ako nang may nakita akong tao sa likuran ko. Handa na sana akong umiyak nang bigla siyang yumuko sa akin.

"P-paumanhin, binibini, kung natakot kita. Ipinahahanap kasi sa akin ni Prinsesa Merliah," aniya at saka muling yumuko bago niya ako bigyan ako maliit na ngiti.

Dalawang beses pa akong napalunok bago ko siya tinanguan at sinundan.

Oh my gosh! Nakalimutan kong bitbitin iyong mga kahoy!

"Yashaaaaaa!" Halos mabasag na ata ang ear drums ko nang marinig ang matinis na sigaw ng prinsesa nila. Binungaran ko naman siya ng ngiti. Kumapit siya sa akin at inalalayan ako patungo sa isang upuan. “Yasha, hapon na't hindi ka pa rin nakakabalik kaya't napagpasyahan ng aking kapatid na ipahanap ka sa mga kawal," masayang sambit pa niya. Napataas naman ang kilay ko. Si Lenox? Ha? ‘Yung hambog na ‘yun—

"Si Deryhm. Dumayo siya rito upang kamustahin tayo kanina pa, pero kakaalis lang din niya." Bumagsak naman ang balikatko’t malalim na bumuntong-hininga.

"Ah…" Napapikit ako’t muling bumuntong-hininga.

"Bakit? May inaasahan ka bang maghahanap sa’yo, Yasha?" Agad akong napamulat at napa tingin sa kaniya. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano naman ang aasahan ko sa animal na ‘yun?!

NEW YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon