Chapter 10

188 4 0
                                    

Chapter 10

Naknampucha! Akala ko naman ay may war akong mapapanood between them.

Ano kaya ang naramdaman ni Lenox?

Ang sad siguro noh?

Siya ba ang sad o ikaw ang sad?

Loh? Napailing-iling ako.

"Binibining Yasha, kamusta na ang iyong pakiramdam?" Sinserong saad ni Winkhor habang palakad-lakad sa pasilyo ng kwarto ko.

"Maayos-"

"Hindi ka maayos!" Histerikal na putol ni Liah. Ito na naman ang maingay niyang bibig.

Si Lenox naman ay halatang hanggang ngayon ay kinakausap pa rin ang mga magulang niya.

"Masuwerte ka, binibini, at si Lenox ang kasama mo nang mangyari ang insidenteng iyon." Bakas ang yabang sa tono ni Augustine.

"Aba naman, Gustine! Marapat lamang ang ginawa ni Lenox pagkat siya ang nagdala kay Yasha sa kagubatan ng Mariposa," sabat muli ni Liah.

Napahawak naman sa baba niya si Windkhor.

"Hmm... kataka-taka, hindi ba't mabubuting nilalang lamang ang nakakapasok sa gubat ng Mariposa?" Aniya niya.

Sarkastikoo akong natawa.

"Peke 'yan, edi sana hindi nakapasok do'n ang magaling mong kapatid." Natawa naman ang dalawa sa sinabi ko.

'

Biglang bumukas ang pinto kasabay nang pagpasok ng hari't reyna, kasama sina Lenox at Deryhm.

"Yashavellia, ikinagagalak namin na makita kang nasa mabuting kalagayan," sambit ng ina nila. Tumango't ngumiti na lamang ako pagkat hindi ako makakibo dahil ramdam ko tensyon na dala ni Lenox.

'Wag ka po muna magtanong, Ma'am Rachel, baka mamaya eh bugahan ako ng apoy ng napagaling niyong anak.

Akalain mo 'yun, wala man lang akong naitulong, perwisyo pa.

Nakaupo silang dalawang magkapatid at halata rin ang pagkainis sa mukha ni Lenox.

Teka? Nadaplisan siya 'di ba?

"Ano ba't panay ang tingin mo sa akin?" Naiinis na sambit niya. Nakita niya 'yon? Napalobo ako ng pisngi.

"Ah, 'yung mga sugat mo-"

"Nako!" Nabigla ako sa pagputol ni Augustine sa akin, na naging dahilan rin upang makuha niya ang atensyon ng mga tao sa kuwarto. Well, kami-kami lang naman ang naandito.

"Delikado ka na, binibini. Kung ako sa iyo, hindi ko na lamang siya papansinin o mag-aalala sa kaniya pagkat maaring iba ang paroroonan niyan. Baka mas lalo pang magiging delikado pagkat hindi pa siya nakakawala sa nakaraan niya kasama si Winona," may diing sambit niya sa panghuling pangungusap. Natawa naman ang lahat, maliban sa amin ni Lenox.

Ang assuming naman nitong kapatid ni Lenox.

Ay hindi ba true?

Damn!

Wala sa sariling sinapok ko ang aking ulo.

Kunwaring hindi makapaniwala akong makatingin kay Augustine at umiling-iling.

"Ay, pinandidirihan mo ba ang aming kapatid?" Sa tanong na iyon ni Liah ay muli silang nagsitawa, ngunit mas nangingibabaw ang magandang boses ni Deryhm na animo'y tuwang-tuwa sa sinabi ng kapatid.

Nang lingunin ko si Lenox ay nakasimangot lang siya. Loh? Magbubuga na ba siya ng apoy?

"Oh, siya-siya, tama na ang asaran at baka isa-isa kayong bugahan ng napakakisig kong anak, at ikaw, Yasha, maiwan ka muna namin dito at nang makapag pahinga ka na," saad ng ama nila.

NEW YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon