Chapter 4

209 9 0
                                    

Chapter 4

Narito na kami ngayon sa may malaking pintuan. Maraming mga kawal ang nakahilera roon kaya hindi ko maiwasang mapaisip kung ano’ng nasa likod ng malaking pintuan na ‘to. Nagbow ang mga kawal nang makita si Ma'am Rachel. Kung bibilangin, nasa mahigit treynta ang mga kawal na nakabantay dito.

Biglang bumukas ang pinto, or should I call giant gate, at pumasok si Ma'am Rachel. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya. Saka ko napansin si Lenox na nakatayo sa gilid at sumunod sa amin.

Maya-maya pa ay huminto na kami sa isang pintuan ulit. May nakaukit pa roong parang logo—half-moon na may nakaukit pang ewan ko kung ano ang tawag.

"Diwata Luna Aramis ang ibig sabihin niyan," biglang nagsalita si Ma'am Rachel. Mukhang nabasa niya ang expression ko.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng biglang tumatawa at malamang ay galing iyon sa loob ng kwartong kaharap namin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan.

"’Wag mong sabihing natatakot ka, binibini?" Mahinang bulong sa akin ng kumag—este, prinsipe.

"Maaari ka pang umatras kung hindi mo kaya, hija," kalmadong sabi ni Ma'am Rachel. Tinignan ko siya, walang kahit na ano’ng ekspresyon ang mukha niya. Umiling ako.

"Kaya ko po," tipid akong ngumiti. Kinumpas ni ma'am Rachel ang kamay niya at dahan-dahang binuksan ng dalawang kawal ang pintuan.

"Hihintayin ka namin, hija. ‘Wag ka mag-alala, hindi ka niya masasaktan basta’t ‘wag mo lang aalisin ang kuwintas mo." Tumango ako.

Tinignan ko pa ang medyo nakaawang na pintuan. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ang kamay ko pero malamig naman.

Gaga! Hambog ka lang kasi para tanggapin ito bobo!

Dahan-dahan akong pumasok sa kuwarto. Nakailang hakbang pa lang ako nang biglang sumara ang pinto.

Nice one!

"Sinong nariyan?!" Biglang may sumigaw.

Kaya mo ‘to, Yasha!

Bumuntong-hininga muna ako bago naglakad muli kung saan ko narinig ang boses.

"Bago ka lang? Ngayon lang kita nakita." Hinarap ko ang pinanggalingan ng boses mula sa likod ko’t halos malaglag ang panga ko.

Nakasuot siya ng maganda at maputing bestida na lagpas hanggang paa niya, may design pa iyong mga buwan—half-moon, crescent moon, whole moon, at lahat na ata ng klase ng buwan. Bahagya pa iyong kumikinang. Nakayapak lang siya’t halatang din ang kinis at puti niya.

Ano sabon mo bhe?

Nakasuot pa siya ng flower crown na may paru—teka, iyan yung itsura ng farfalla ah? Kulay ginto rin ang mga iyon habang ang mga bulaklak naman ay kulay silver.

"Hija, maupo ka muna," bigla niyang sabi na sinunod ko naman.

Hmm... kanina galit ang tono niya, pero ngayon ay malambing na.

"Nasaan ang pagkain ko?" Pagkatapos ay matamis siyang ngumiti, ngumiti rin ako sa kaniya.

Maya-maya pa’y may sumilay na kung ano sa labi niya.

Okay…? Iba na ata ito ah?

"Kung gusto mo pang mabuhay, ‘wag kang makikipag-usap kay Luna," may halong pagbabanta ang boses niya pero wala akong pakialam.

"Sino ba si Luna?" Kunwaring tanong ko. Ngumiti naman siya.

"Iyong naghahanap ng pagkain sa iyo." Tumango-tango na lang ako kahit na hindi ko masyadong na-gets ang sinabi niya.

NEW YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon