"Azariah, sa court muna tayo tapos sa soccer field na. Habang ini-interview ko, do your job okay? Pang-front at sports page," Rexine reminded me, she's our sportswriter in our school's newspaper.
And I'm the photojournalist in The Delmorian Pioneers. That's the name of our university's publication.
"Ah, by the way, help me to talk with your brother later. Isa siya sa mafi-feature sa sports page with Sylverius," dugtong niyang muli habang nakasunod ako sa kanya papalabas ng aming office.
Una naming pinuntahan ang court kung saan naroon ang basketball team, including my Kuya Zeren. Tatlong sports lang ang ifi-feature this month. Natapos na kami sa swimming team kahapon at itutuloy nalang namin ngayon ang ibang sports.
Kapasok namin sa court, nakita ako kaagad ni Kuya Zeren kaya tumakbo siya palapit sa akin. He's sweating slightly, akmang yayakapin ako pero ng mapagtanto na pawisan siya ay tumawa na lamang.
"You want to take some pictures?" he asked while eyeing my DSLR. Linipat niya ang tingin kay Rexine na kumaway sa aking Kuya at nginitian naman siya nito pabalik.
"Interview din daw for the sports page. Kung ayos lang, pwede isama si Kuya Sylverius?" nahihiya kong bulong at sumulyap sa team captain na nag-aayos na ng gamit sa bleachers. Buti naabutan pa namin.
Kuya Zeren is okay with the interviews but Kuya Sylverius is not. Minsan lang pumayag talaga dahil madaming ginagawa sa lahat ng oras.
"I'll try, hmm..." hindi sigurado niyang sambit at tumakbo pabalik sa court.
"Sana pumayag..." panalangin ni Rexine sa tabi ko habang nakacross fingers at nakapikit.
Sinulyapan ko si Kuya at kausap na niya si Kuya Sylverius ngayon. The captain glanced at us and nodded a bit. My lips parted when I realized how gorgeous he was. He's indeed God's favorite. His jet-black eyes framed with long and uplift eyelashes looked terrific. His hair is centered apart, and his features are sharp and detailed.
Ngayon alam ko na kung bakit halos mapuno ang court kapag may championship.
Napatuwid naman kami sa pagkakatayo nang makita namin sina Kuya Zeren na kasama na ni Kuya Sylverius papunta sa gawi namin.
"Shocks, pumayag yata?" natutuwang bulong ni Rexine habang pinipigilan ang tili.
"Ayos lang ba ang sampung minuto? May klase pa kasi ako..." The basketball captain of SDU Gladiators said while checking the time in his wristwatch. Tumango kami ni Rexine sa kanya bilang tugon.
Kuya Sylverius looked at me and smiled a bit. Pinigilan ko ang matulala ng ngitian niya ako. He smirked. I blinked when I felt that he noticed that I was mesmerized by his deep voice. It sounds cold yet full of gentleness.
Napayuko na lamang ako sa kahihiyan at nagpaalam na kukuha muna ng mga larawan sa buong court. Pagkatapos, kumuha rin ako ng shots ng mga athletes habang kausap ni Rexine sina Kuya Zeren at Kuya Sylverius.
"Nakakuha ka ba ng pictures? I can ask Sylverius. Baka kailangan niyo ng solo picture ng captain," suhestyon ulit ni Kuya kaya umiling na lamang ako.
"Hindi na siguro, Kuya..."
Besides, nakakahiya na mag-demand pa. It is Sylverius Del Castillo! His time was precious. Kaibigan siya ni Kuya pero parang abuso naman kung gagamit kami ng connections or what. Ayos na rin naman na nakuhanan ko siya ng stolen shot.
For our next location, we are on the soccer field. Medyo mainit kaya ramdam ko ang pamamawis ng noo at leeg ko. This is my struggles everyday. Sweating is something I can't really control in my body. Buti naman ay hindi pa ako gaanong nanlalagkit.
BINABASA MO ANG
Moonage Daydream (Ciudad de Escalante #4)
Ficção Adolescente𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟒/𝟖 𝗛𝗮𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗮 𝗣𝗿𝗮𝗱𝗼 𝗹𝗮 𝗦𝗶𝗹𝘃𝗲𝘀𝘁𝗿𝗲 𝗶𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘀𝘂𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗽𝗿𝗼𝘃𝗶𝗱𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗺𝗼𝘀𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 -- 𝘄𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵, 𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿, 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗲...