Phase 27

505 16 1
                                    

"Let's do a yacht party on our last day! Sigurado na papayag si Mommy —" Iris excitedly stated but Graxsen cut it off and opposed her plans.

"Masyadong mahal ang yate. We can just do a party inside the resthouse. Less hassle," aniya kaya napasimangot si Iris at tiningnan kami isa-isa para makakuha ng kakampi. We are in the bar right now, planning where we should celebrate our semestral break.

"Huh? Anong hassle roon? Hindi ba mas maganda sa yacht nalang? Right? Right?" Iris said once more to persuade us to agree with her. Nanatili kaming tahimik dahil siguro pinag-iisipan din ng iba.

And for me, I think Graxsen is... right.

Yacht party cost too much. Kahit sagot naman nina Tita Catriona at Tito Charles iyon, parang masyadong mahal talaga kung isang gabi lang namin gagamitin. In our family, Iris' parents are Prado la Silvestre's representative in maritime industry. So their businesses mostly focused in anything related to the ocean, sea, ships, cruise and navigation.

Kaya malakas ang loob ni Iris dahil alam niyang wala ng problema bukod sa madaming gagastusin para sa amin — at para na rin sa mga ibang makakasama namin sa semestral break. I heard Graxsen and Snezhana invited their friends.

"Pero minsan lang naman kaya! Hindi na nga natuloy nung baby shower. I'm really excited for that. Ngayon na lang nga ako mag-request, laging ayaw niyo," nanlulumong sambit ni Iris at bumagsak ang kanyang balikat.

"Last time I remember, you requested a lot of luxuries, Cairistiona," Graxsen uttered and Iris tried to defend herself again.

"I'm not demanding a lot! Nagtitipid na nga ako para payagan ni Mommy sa yacht party tapos kayo naman —"

"Hush, no yacht party. Sa susunod na lang," pagpapatigil ni Graxsen sa kanyang sinasabi at pinatanggal na sa listahan ng sinusulat ko ang yacht party. Kapag kasi ganito, ako ang naatasan na magsulat ng gagawin, bibilhin at mga dapat dalhin.

"But guys, yacht party is good too. It's been a long time since we had that," saad ni Greshawn kaya agad umismid ang katabi kong si Jabez.

I squinted my eyes at him when I noticed his hand behind Iris' back. Umiling ako nang makita na pasimple siyang bumulong ng "I got you." Hindi talaga pwedeng kampihan lagi si Iris sa tuwing may ganito!

"Sige, kunsintihin mo pa. Kaya lumalaking maluho," umiiling na pahayag ni Jabez na tinawanan lamang ni Greshawn bago uminom ng shot. Wait, may alcohol na naman? Sinong naglabas at hindi ko napansin? May pasok pa kami bukas, ah.

My cousins are really!

"Well, I agree with Greshawn. Gusto ko rin ng yacht party!" Arisa exclaimed. Napatingin kami sa kanyang direksyon at humagikgik lang siya. Pagkatapos, kinumbinsi rin ang katabing si Callisthenes na sumang-ayon sa yacht party.

"Okay, then, Arisa you can come with us but don't bring any of your boys. Iris and I will do a yacht party then the rest, stay at the resthouse. Simple as that," anunsyo ni Greshawn na nagdala ng samu't saring reaksyon mula sa amin.

Nangunguna ang reklamo ni Hadassah at Snezhana dahil gusto nila na walang maghihiwalay. Shade and Jabez also furrowed their eyebrows while looking at Greshawn. What is that? Akala ko ba dapat sama-sama tapos sila nasa yate at kami nasa rest house? Parang ang pangit naman tingnan na may kanya-kanya kaming party.

"Okay, fine. Count me in," napipilitang sabi ni Calli dahil mukhang naburyo sa makulit na Arisa na inaanyayahan siyang sumama kina Greshawn.

"Good. Then let's just use a smaller yacht," anunsyo ni Greshawn at ngumisi sa kanyang kapatid na si Graxsen.

Moonage Daydream (Ciudad de Escalante #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon