Phase 31

528 17 0
                                    

I giggled as I read the comments in my last Instagram post. It was only my thirtieth picture in my profile and yet my followers were increasing day by day. Ang nakakuha ng pinakamadaming likes ay ang recent picture ko na kuha ni Kuya Zelan.

Ayaw pa nga nila na i-post ko noong una. But they're proud of my progress so he didn't stop me in the end for posting it in my account. Si Kuya Zelan din ang nag-isip ng caption para sa larawang iyon.

"A real queen reigns her empire without crashing the sandcastles around her."

It was my first ever picture wearing a string black bikini. It was a full-body shot where I exposed everything of my hard work for the past six months of getting fit.

Well, ngayon lang naman ako nagsuot kaya gusto kong makuhanan ng larawan bilang remembrance. Hindi ko nagagawa ang mga bagay na ito noon kaya ayaw kong limitahan na ang sarili ko sa bagay na kaya ko ng gawin ngayon. I want to make the old Azariah proud for what she become instead of forgiving herself for not becoming a person she wished herself to become.

Napagtanto ko kasi na hindi lahat dapat dinadaan sa pagpapatawad para makalaya at makapasimula.  Learning from it and doing something less wrong each day can make consecutive right that will turned us to be a better person.

Ganoon rin dapat sa mga taong nakagawa ng hindi maganda sa'yo. Magpatawad ka na may kasabay na pagkatuto. Even though it pains me as I looked back, sinisikap kong hindi na alalahanin pa dahil napatawad ko na at nasa proseso ako ngayon ng pagkatuto mula sa mga iyon.

Showing them what I've become is already a sweet revenge for all the people who bullied me and invalidate my existence. Those people need my patience so I didn't hold grudges at them. Makakasama lang din sa akin ang bagay na iyon dahil alam kong hindi ako ang klase ng tao na gaganti sa mga nagawa ng iba sa akin.

And Mommy told me I should be patient to see them become better in their way, too, because we are all humans who didn't pass nor fail as humans. Kapag hindi nagbago pagkatapos mapagtanto ang mga nagawa nila sa akin at patuloy pa rin na ginagawa sa iba, at least I did my work — to believe that there is still kindness inside them. It's up to them now if they prove that they're capable of growth or not.

"Azariah, kumain ka na?"

Natigilan ako sa pagbabasa ng mga comments nang marinig ang boses na iyon kay Filipina. Filipina is one of our sports writer. Kasunod niya ang iilang journalists din na kababalik lang sa office dahil kumain ng tanghalian sa labas. Hindi na kailanman ako kinausap ni Rexine kaya kaming dalawa ni Filipina ang naging partner sa mga tinatapos na article para sa aming dyaryo.

Hindi ko namalayan na isang oras na pala ang nakalipas na dapat magche-check lang ako ng direct messages.

"Yep, kumain na. Katatapos lang..." I lied.

I bit my lip and looked away.

Actually, I'm not eating my lunch for I don't know how many weeks or probably months now. Madalang lang talaga kapag gutom na gutom na ako at hindi ko na kinakaya. Eat less and exercise more — that's what I'm doing. That's why I lose so many kilograms.

Hindi ako papayat agad kung susundin ko talaga ang eight-month plan na in-advice sa akin ni Dra. Ferguson. Alam kong mali ang ganito pero desperada na talaga akong pumayat sa araw ng graduation ball.

"Buti naman. Akala ko nagpapalipas ka na naman ng gutom. After ten minutes, diretso na tayo sa soccer field. Hindi ko naabutan kanina si Third Sardiego sa student lounge. Mafi-feature siya ulit for this month," pahayag niya kaya napatayo ako sa aking kinauupuan.

Soccer field? It's been a long time since I went in the soccer field! Sinadya ko talaga na hindi pumunta o itapak man lang ang paa roon. Kahit nga minsan, inaaya ako ni Roscoe na manood ng practice nila, tinatanggihan ko talaga dahil may ayaw akong makita o maalala man lang sa lugar.

Moonage Daydream (Ciudad de Escalante #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon