"Hindi ka umuwi?" tanong ko kay Fuchsia na nadatnan kong paalis palang ng studio. She's still wearing the same clothes. Magulo ang kanyang buhok at halatang nagpuyat sa pag-e-edit ng film ng isang kliyente.
"Oo, eh. Ang tagal mag-export ng video," aniya habang humihikab.
Nag-inat din siya at sinisikap na idilat ang mga mata para labanan ang antok. Bumuntong-hininga ako at umiling. She's overworking herself again.
"Uwi ka muna at balik nalang mamayang hapon. Darating na rin si Night maya-maya," suhestiyon ko at nilapag ang bag sa aking mesa. Naglakad naman ako palapit sa mga bagong dating na lighting set. I'll set it up first to prepare for the photoshoot later.
"Sure ka? Baka kasi maaga darating sina Ms. Gonzalo," nag-aalala niyang tanong kaya nakangiti akong umiling.
"Mamaya pa naman 'yon. Saka hindi pa naman tayo nagbubukas. Maaga pa kaya uwi ka muna at matulog saglit," ani kong muli para masiguro sa kaya ko naman na ako munang mag-isa.
"Sige, pahinga muna ako. I'll come back after lunch. I'm so tired! Argh. I need sleep," nanlulumong saad niya at nanghihinang binitbit ang bag.
"Ingat ka..." paalala ko bago siya naglakad palabas ng studio.
Nagpatuloy ako sa pagse-set up ng mga lighting nang marinig ko ang pagbukas ng entrance. Sumulyap ako sa orasan at isang oras pa bago mag-alas-otso. Nakalagay din ang closed sign sa tapat. Baka si Night na iyon. Fuchsia called him earlier.
"Night, pwede bang pakuha ng isang box ng track lights sa may counter?" pakiusap ko habang ina-assemble ang lighting set up. Medyo mabigat ang nga equipment pero kayang-kaya naman.
"Thanks, pa-open na rin please?" natatawang pakiusap kong muli nang ilapag niya sa aking likuran ang box. Napangiti ako nang hindi siya tumanggi at tahimik na binuksan ang kahon ng track lights.
"Thank you —" I uttered, but I paused when I recognized the familiar hands. They looked rigid and possessive based on his long sturdy fingers and the visibility of the veins. Even the fine hair in the lower part of his arm gave me a strange feeling.
Nag-angat ako ng ulo at tuluyang nanghina ang hawak sa track bar nang makita si Zachariel sa aking tabi. Hindi ko namalayan na nabitawan ko ang hawak na equipment. Labis ang pasasalamat ko sa mabilis niyang kilos. Nasalo niya agad ang track bar at dahan-dahan iyong ibinaba sa sahig bago tumitig pabalik sa akin.
"Zachariel..." I called softly.
Hindi siya ngumiti at nagtaas lamang ng kilay bago tumayo ng tuwid. Tumayo na rin ako at sinikap na maging kalmado kahit nasa harapan ko siya ngayon. Why is he doing here? He should be in Milano, right?
"How much it will cost if I'll have three sets of passport size ID picture and two sets of 1x1?" tanong niya habang nakatingin sa mga sample namin na naka-display sa bulletin.
"Uh, dito may mga prices," hindi mapakaling pahayag ko at tinuro sa kanya ang kabilang bulletin kung saan naroon ang mga presyo ng mga gusto niya. So he's here to have an ID picture?
Tumagilid siya at bumaling sa mga tinutukoy ko. I compressed my lips and secretly browsed him. He became taller and bulkier, I must say. He's wearing a simple white polo and pants, but he just made me in awe again.
"What if I only want two copies of the 3R photo and two copies of 5R to make it one set. Pwede ba?
Nakatingala siya nang bahagya kaya hindi ko maiwasan na dumapo ang mga mata ko sa kanyang adams apple. Gumalaw iyon dahil lumunok siya. Napalunok din ako ng tumingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.
"Ms. Prado la Silvestre, I'm asking if it's possible," aniya kaya napakunot ang noo ko. I fidgeted when he addressed my surname. But wait. What does he mean? Anong possible?
BINABASA MO ANG
Moonage Daydream (Ciudad de Escalante #4)
Fiksi Remaja𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟒/𝟖 𝗛𝗮𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗮 𝗣𝗿𝗮𝗱𝗼 𝗹𝗮 𝗦𝗶𝗹𝘃𝗲𝘀𝘁𝗿𝗲 𝗶𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘀𝘂𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗽𝗿𝗼𝘃𝗶𝗱𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗺𝗼𝘀𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 -- 𝘄𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵, 𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿, 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗲...