Phase 05

610 26 1
                                    

"Kuya, may nakaaway bang soccer player sina Greshawn lately?" I asked as I dabbed a minimum amount of concealer on his face.

Kuya Zeren shifted his eyes at me. Ibinaba niya ang foundation powder na ginagamit bilang salamin at nag-isip saglit sa aking tanong. Nasa aking kwarto kami ngayon at nakiusap siya na ayusan ko bago kami tumulak paalis.

It's weekend but I'm going to school to attend some meeting with my fellow journalist. May group activity din kaming gagawin mamayang hapon kaya magkikita-kita kami ng mga kaklase ko sa university.

"That ass fought last week but not in the soccer team, baby. It is just a simple bet, as always. Why did you ask?" tanong pabalik sa akin ni Kuya kaya umiling ako.

I just remember Zachariel's reaction when I said that I'm not angry with him. Baka nakaaway niya ang mga pinsan ko pero siguro matagal na. It's been a week since he helped me for my camera's repair. But my camera isn't here with me. When they checked further on that day, there's also more damage inside. Sinabihan kami na mas maganda kung palitan na rin para mas magmukhang bago ulit kaso lang ay darating palang makalipas ng ilang araw ang mga piyesa.

"Wala naman... baka kasi balak nilang kumpletuhin lahat ng sports sa school na mayroong nakakaalitan," natatawa kong sabi dahil sa kalokohan ng mga pinsan ko.

"Hmm, I thought some jerks are making fun of you again. Make it natural, please? Here, lagyan mo rin dito..." malambing na pakiusap ni Kuya at tinuro ang bandang sentido para takpan ko ang mga freckles niya.

Sa amin kasing magpipinsan, ang freckles ni Kuya Zeren ang pinakamarami dahil maging sa kanyang panga ay mayroon. He's still handsome though but he hates it. I can't understand him. Freckles are Prado la Silvestre's assets and most attractive points. Bagay na bagay ng mga kapatid at pinsan ko. Malakas kasi ang dugo ng Prado la Silvestre na nananalaytay sa amin kaya nakuha naming lahat ang ganitong katangian. Thanks to our Spanish ancestors.

"Mabubura rin kaya ito mamaya kapag nag shower ka," sambit ko at nilagyan ng kaunting concealer ang kanyang sentido.

Sabay kaming aalis ni Kuya ngayon dahil may practice siya. He's in basketball team while Kuya Zelan, who's a member in swimming team left early. Ihahatid niya ako para hindi na maabala ang driver namin. I can use my car because I'm eighteen already but I simply don't want to.

Kinuha ko na ang beauty blender para mas magmukhang natural. I smiled when I saw how I perfectly nailed it is on his face. Kapag kasi sa mukha ko parang hindi bagay ang make up kaya hindi na ako masyadong naglalagay bukod sa baby powder.

"Yeah, right. Next time, teach me how to do make up so I can do it myself," ani ni Kuya kaya mahina akong tumawa.

"Baka mapagkamalan ka, ah..." I teased.

"Don't wanna give a damn in their thoughts about me," pahayag ni Kuya at napatango ako.

Dati niya pa kasi sinasabi sa akin na turuan ko na para kahit sa school daw ay siya na lamang ang mag-aayos ng sarili niya. Well, there's nothing wrong if a guy wants to use make up. Naiinis lang talaga siya sa pekas sa kanyang mukha kahit mas gwapo naman siya kapag mayroon.

I hope I am like him who doesn't care to anyone's opinion. Hindi na kami nagkwentuhan pa dahil baka mahuli kami sa pag-alis. I did a final retouch to his face before we went outside in my room together.

"Saan ang bahay ng kaklase mo mamaya para masundo kita?" tanong ni Kuya habang patuloy ang pagche-check ng mukha sa rearview mirror ng kanyang kotse.

"Sa may Del Pilar daw. May rotunda na color white na makikita raw kaagad pagkatapos madaanan yung Nuevo... Nuevo..."

I bit my lip when I can't remember the name of the town. Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan ang instructions ng kaklase ko papunta sa kanila. I've never been to that place.

Moonage Daydream (Ciudad de Escalante #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon