"Eve! Eve! Let me explain!" I pleaded as I continued following my cousin's heavy footsteps.
"Explanation? What for?! Will you give a justification why you two were... damn! Last time I checked, this is a hospital, not a fucking motel!"
I tightly shut my eyes. Nanghina ako sa narinig. She saw us. She saw us doing it! Sinundan kong muli ang pinsan ko para makapagpaliwanag ngunit mabilis ang kanyang hakbang palayo sa akin. Hindi ko alam saan ng parte ng ospital ang tinatahak namin dahil mukhang ayaw niya akong makausap o makita man lang. She was disappointed and angry at me.
And I should apologize. I felt like I betrayed her.
"Severine... please," nakikiusap kong pahayag at napahinto para makakuha ako ng hangin.
Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ang paninikip nito. But every seconds passed, I felt myself having a struggle for breathing. Napahawak ako sa pader para kumuha ng suporta. Napansin ni Eve ang hindi ko pagsunod kaya iritable siyang humarap sa akin.
"Don't use your asthma to me, Azariah! It won't work! I will not forget what you did! I can't believe you! Sa lahat pa ng lalaki, huh? How could you do this to me?" singhal niya sa akin at umirap.
My knees weakened. I tried to explain because this was my chance, but I couldn't even find my voice. Tuluyang nanlambot ang mga binti ko. All I knew was, I was sitting on the floor — gasping for air.
"Come on! Nagpapaawa ka ba para mapatawad kita?! Stop giving me drama, I'm sick of it!" Eve hissed again.
Nanlabo ang mata ko sa pagkakaroon ng kahirapan para huminga. Mabilis kong kinalkal ang inhaler ko sa bag para hindi lumala ang paninikip ng dibdib ko. When Eve realized that I'm not doing this act, her angry face fainted into a worrying one. Lalapit na sana siya para daluhan ako nang makarinig kami ng sunud-sunod na hakbang.
"Severine! What the fuck are you doing?! Are you trying to kill my sister?!" Kuya Zelan's voice thundered the whole hallway.
Maging ako ay natakot sa biglaang pagsigaw niya. Severine was dumbfounded when my brother shouted at her. Nabigla siya panigurado. Narinig ko na lamang ang pag-iyak niya habang nakatitig kay Kuya.
"Zed. Your tone, man! She's our cousin. Don't shout at her like that," pagpapagitna ni Graxsen at nilapitan si Eve.
Kuya Zelan ignored him. Lumuhod na lamang siya at dinaluhan ako habang kinakalma ang aking sarili gamit ng inhaler. Nang lumipas ang ilang minuto, naramdaman kong muli ang mga yapak papunta sa aming direksyon.
Mga pinsan namin iyon na nagtatakang palipat-lipat ang tingin sa amin. Anong ginagawa nila rito? Bakit halos silang lahat nandito?
"What happened here? We heard Zelan shouting." Si Sameera ang unang nagsalita.
"Nothing serious, Eera," sagot ni Graxsen habang pinapatahan si Eve sa kanyang tabi.
"Why Eve is crying? How's Sheldon? Is he's still in the emergency room? May nangyari ba? Our parents are on the way now," nag-aaalang tanong ni Arisa at lumapit kay Eve.
Nang kumalma ang paghinga ko, dahan-dahan akong inalalayan ni Kuya patayo at pinaupo sa upuan na malapit. Jabez asked if I'm okay and nodded my head.
"Bakit kayo nandito, Kuya?" nag-aalala kong tanong at tiningnan ang pinsan kong nagsama-sama sa direksyon ni Eve.
Bawal akong palibutan ng tao kapag sinumpong ng hika kaya lumayo kami ng kaunti. They were talking about something. Si Graxsen ang sumasagot sa mga tanong. Maybe they were asking what happened.
"Sheldon was rushed earlier. Our cousin is sick, baby. Bigla na lang siyang hindi nagising kanina. He inherited Lolo's heart disease," bulong ni Kuya sa akin kaya nanlaki ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Moonage Daydream (Ciudad de Escalante #4)
أدب المراهقين𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟒/𝟖 𝗛𝗮𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗮 𝗣𝗿𝗮𝗱𝗼 𝗹𝗮 𝗦𝗶𝗹𝘃𝗲𝘀𝘁𝗿𝗲 𝗶𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘀𝘂𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗽𝗿𝗼𝘃𝗶𝗱𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗺𝗼𝘀𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 -- 𝘄𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵, 𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿, 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗲...