Phase 44

633 14 0
                                    

"Hala, Kuya. Nahuli ka na. Kakakain lang namin sa labas," ani ni Fuchsia nang madatnan namin sa studio ang isang delivery boy na kausap ni Night.

"Sorry po, Ma'am. Nasiraan po ako ng motor sa intersection..." nahihiyang pahayag ng delivery boy.

"Ayos lang po, Kuya. Thank you..."

Ngumiti ako pagkatapos kong sabihin iyon at lumapit sa kanilang kinaroroonan. I bit my lip when Night handed me the food. Siya ang pumirma na na-receive ko na. Sinuri ko naman ang loob ng paper bag at pagkain ulit iyon na nakapangalan sa akin.

The scent of creamy chicken marsala and crispy baked falafel are indeed appetizing. May kasamang lemonade din at asparagus soup. Nakalimutan kong kakakain ko lang at gusto kong kumain ulit kaso ay hindi pwede dahil may mine-maintain akong fitness plan hanggang ngayon. Maybe, I can have it as my dinner later.

"Grabe na talaga. Kanino kaya galing lunch mo araw-araw? Magdadalawang linggo ka nang pinapadalhan, ah?" panunuya ni Fuchsia at humarap na sa kanyang desktop para ituloy ang ginagawa kanina.

I stared at the food again.

Someone is paying for my lunch twelve days in a row now. Akala ko nga titigil na dahil kanina, pasado alas-onse na ay wala pa. I shrugged at Fuchsia's question. Hindi ko rin alam kanino dahil noong nakaraang buwan din ay may nagpapadala sa akin ng bulaklak mula sa iba't-ibang tao na hindi naman nagpapakilala kung sino.

I sighed and opened my desktop to continue my work too. I have a lot of things to finish today. Maaga rin ako bukas para sa isang photoshoot para sa debut. Sa ilang taon na namin sa ganitong trabaho, tumataas naman ang kita kahit papano. We expanded our expertise and accepted different kinds of digital works.

"Good afternoon, Sir!" Dinig kong sambit ni Fuchsia nang tumunog ang chimes sa kalagitnaan ng aming pagtatrabaho. Hudyat iyon na may customer. Hindi ako lumingon at inabala ang sarili sa ginagawa.

"Oh, hmm. Hi! Customer ka ba o suitor?" Fuchsia giggled. Kumunot ang noo ko sa nanunuksong tono niya kaya bumaling ako sa taong kapapasok lang.

I squirmed in my seat when I recognized whom it was—wearing only his usual after practice outfit, Zachariel Consiervo Jr. slew handsomely with his track black pants and oversized white shirt. The most noticeable is his dark blue varsity jacket, which has the Internazionale Football club logo in Milano. Medyo nakatalikod siya sa aking direksyon kaya kitang-kita ko ang kanyang apelyido at jersey number.

He's still using the number 11, huh?

"Where can I settle an appointment?" tanong niya sa mababang boses habang nakapamulsang pinapasadahan ng tingin ang paligid. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili nang magtagpo ang mga mata namin.

"Ah, para saan ba? Here, we offered a lot of options," pahayag ni Fuchsia at inabot sa kanya ang mga portfolio namin kung saan pwedeng pumili ang mga customer ng gusto nilang klase ng larawan.

Pinaupo siya ni Fuchsia sa available na upuan para sa mga customer. He casually opened the portfolio and flipped the page in a silent and manly manner. So he wants a photo again... Anong klase kaya? But anyways, si Fuchsia na ang bahala sa kanya.  Ngumuso ako at dahan-dahan na lamang na tumalikod para ituloy ang ginagawa kanina.

"I have a match this Saturday. I want this kind of picture that looked candid and natural," deklara niya.

Naramdaman ko naman na may tinuturo siya sa mga sample. Fuchsia nodded and asked where the match will happen. Sinagot naman niya agad ng detalyado at malinaw. He was invited to play with his former teammates. It will be held in CDE stadium. May sinuhestiyon din si Fuchsia na iba pang sample para sa gusto niyang klase ng larawan.

Moonage Daydream (Ciudad de Escalante #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon