Like what Mommy said, we consulted Dra. Since I was a kid, Carolina Ferguson, my doctor, for my diet plans and exercises applicable to my condition, it's not that strict, but it's somehow challenging for a beginner like me. Madaming hinabilin sa akin na dapat consistent lagi, huwag rin papagutom dahil mali rin daw iyon at madami pang iba. Binigyan rin ako ng kung anu-anong planners, calendars and everything that I need to track my progress each week.
I sighed after browsing my diet and work out plans. Nakalagay na lahat rito ang mga gagawin ko gaya ng schedule ng kung anong kakainin sa bawat araw na lulutuin ni Mommy para sa akin, anong oras ako mag-eexercise, the do's and dont's and everything.
And for this plan, it will take me eight months to achieve my desired weight. Ayaw akong biglain ni Mommy at Dra. Ferguson dahil malaki-laking timbang ang gusto kong mabawasan. All of my exercises are moderate so I'll just lose a little calories per week.
I sighed and put my planner inside my bag.
Hindi ko alam kung anong gagawin. I want to tell Mommy that I want a five-month plan where I can already lose thirty kilograms. Baka hindi pa ako payat sa graduation ball sa buwan na iyon. I don't want to look like a mascot if I wear a gown again.
"Hey, Piggy la Silvestre. Would you mind transferring to another table? This is my usual place, kasi," a soft feminine voice stated beside me.
Napalunok ako nang makita ang isang babaeng nakatayo na parang naghihintay na umalis ako sa mesa. We are at the library right now and I was assigned to join the class of Mr. De Guzman in ABM strand. Makikisit-in ulit ako gaya ng nakasanayan.
"Pero ito na lang kasi ang bakante, eh. Hmm, lima naman ang mga upuan... kasya naman tayo rito," sambit ko at pinasadahan ng tingin ang buong library. Halos lahat mayroon nang nakaupo.
One table consist five to six chairs. Wala naman akong katabi magmula kanina at hindi ako nahirapan maghanap dahil maaga akong pumasok kaysa sa klase na makakasama ko.
"Duh? You occupied the whole space kaya! May dadating pa akong tatlong friends. So you better move in another table..." saad niya at iginalaw ang kamay na parang pinapaalis ako.
"Pero —" I tried to affirm again that we could share the table, but she cut me off immediately.
"Pwede ba na huwag ka nang mapilit? Hindi nga tayo kasya rito. And we can't focus if you're here. May group activity mamaya. We don't like pa-bi-gat," she firmly said, emphasising the word pabigat as she looked at me from head to toe.
Hindi ko alam kung sa group activity ba ang tinutukoy niyang pabigat dahil wala akong masyadong natutulong dahil hindi pinapakinggan ang opinyon ko o dahil sa mabigat talaga ako dahil mataba ako.
"Hindi ako aalis. Wala ng bakante, pwede naman na dito ako sa gilid..." giit ko at hindi umalis sa pagkakaupo.
She scoffed in disbelief and glared at me using her hostile eyes. Napapikit ako at nanghina dahil ito ang unang beses na hindi ko sinunod ang iba. My hold in my pen contracted. Kinabahan ako sa reaksyon niya at napayuko na lamang. Wala namang mali sa sinabi ko pero bakit ganito sa pakiramdam? My knees are trembling for speaking up.
"Why don't you just move and find another table? Let the beautiful girl sit here," a deep baritone voice mumbled. He sounds irritated.
Mas bumilis ang pintig sa dibdib ko nang makita ang isang mukha na nakita ko lamang sa larawan. He occupied the seat in front of me. Naglapag siya ng mga libro sa mesa. Nakabukas lahat ng butones ng blazer niya but he doesn't looked like a bad boy. He's indeed a younger version of Leonardo DiCaprio.
"Did you hear that? Lumipat ka na!" asik ng babae na kanina pa nagpapaalis sa akin.
I gulped and looked at the guy in front of me. Mukhang magkaklase silang dalawa. Nakataas ang kanyang kilay at prenteng nakasandal sa upuan habang mariin ang tingin na iginagawad sa akin. I blinked in tension when he gave me that look. Mas nanlamig ang kamay ko dahil sa kanyang sinabi kanina.
BINABASA MO ANG
Moonage Daydream (Ciudad de Escalante #4)
Jugendliteratur𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟒/𝟖 𝗛𝗮𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗮 𝗣𝗿𝗮𝗱𝗼 𝗹𝗮 𝗦𝗶𝗹𝘃𝗲𝘀𝘁𝗿𝗲 𝗶𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘀𝘂𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗽𝗿𝗼𝘃𝗶𝗱𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗺𝗼𝘀𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 -- 𝘄𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵, 𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿, 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗲...