Another weekend came and a rough disturbing sound from the vehicles outside our Estates woke me up. Inaantok at mapupungay pa ang mga mata kong naglakad patungo sa veranda para masilip ang kaganapan sa labas ng malawak naming main lawn. The lawn is the center of our castle-like residence.
May tatlong truck akong nakita. Naglalabasan roon ang mga empleyado ng aming pamilya habang may bitbit na mga upuan, mesa, sound system at iba pa. Pinapalitan rin ang tubig sa water fountain na nasa gitna at pinapalibutan ng dekorasyon ang buong lugar. I tilted my head to see the other workers. On the other side, the gardeners were busy trimming the grass as our landscape Architect was in the middle, instructing something to beautify the PLS Estate's main lawn.
"Mommy, ano pong meron? Is there a party tonight?" I asked the moment I reached our living room.
Nakabukas ang main at back door ng bahay namin kaya kitang-kita ko mula sa loob ang abalang mga tao sa labas. Sa tingin ko, sinadya talaga na nakabukas lahat ng pinto para malayang makapasok ang mga kasama ni Mommy sa pagluluto. Shade is also here in our kitchen, helping his girlfriend to organize all the ingredients. I smiled at the familiar faces. Ang pamilya nila ang palaging kinukuhang nagca-cater sa tuwing may selebrasyon ang pamilya. Mommy is a good cook so she always lend her hand for the food preparations.
"Your Tita Eireen and Tito Seve decided to move the baby shower and gender reveal today, honey. Na-cancel ang cruise party. Your Tita has had a pregnancy sickness lately. Hindi pa ba sinabi ni Eve sa inyo?" Mommy said as she continued checking something in the stove.
Napahawak ako sa aking bibig sa nalaman. Ngayong araw na iyon? Parang kailan lang noong binalita sa amin na buntis si Tita. Kaya pala mukhang may party mamaya. I'm excited! Severine will finally have a sibling and another PLS will be born soon. Ang dami na naming magpipinsan.
We are twenty-three all in all, if ever!
Gladly, I finished all my assignments last night. Wala na akong ibang iisipin kung hindi ang workout na gagawin ko ngayong araw.
"By the way, honey. Wear something red or any shade of red. You know, pauso naman ng Tito Seve mo na color coding per family..." habilin ni Mommy bago ako lumabas para gawin ang exercises ko ngayong araw.
Mostly when weekends, I'll do cycling in the morning. Malawak ang estates kaya nagagawa kong mag-bike ng hindi nabuburyo sa nakikita sa paligid. It was like I was traveling around a village already because of the eight houses, mini bar, the exclusive pool area, the gymnasium, the central kitchen, pantry, different kinds of rooms for our necessities, and many more.
Nasa kalagitnaan ako ng pagba-bike nang makakita ng bagong mukha sa garage area ng bahay nina Jabez. Sa mga nadaanan kong bahay, halos tulog pa ang mga pinsan ko gaya nina Kuya. Of course, it's still five thirty in the morning. I gasped when I saw a girl with blonde hair wearing a super short skirt and a sports bra. Her body is like Sameera, the athletic type because of her visible abs.
Pero ang kapansin-pansin ay ang pahalang na peklat sa kanyang dibdib. It was a scar she got from three heart surgeries before. It may seem that it's the only flaw in her perfect body but for me? That scar is the reason why she's perfect. It was a sign of being courageous for winning a hard battle since she was a kid.
Mukhang kagagaling lang niya sa pagwo-workout. Gaya ng ibang pinsan kong babae, her bitch-like and seductive features can stole a lot of hearts and anyone will never get tired to give her compliments. Mas lalong gumanda si Jadzia kaysa noong huli kong nakita.
"Kararating niyo lang kagabi?" I asked the moment I reached her with my bike. Akala ko mamaya pa sila darating dahil biglaan ang celebration ng baby shower.
BINABASA MO ANG
Moonage Daydream (Ciudad de Escalante #4)
Teen Fiction𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟒/𝟖 𝗛𝗮𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗮 𝗣𝗿𝗮𝗱𝗼 𝗹𝗮 𝗦𝗶𝗹𝘃𝗲𝘀𝘁𝗿𝗲 𝗶𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘀𝘂𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗽𝗿𝗼𝘃𝗶𝗱𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗺𝗼𝘀𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 -- 𝘄𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵, 𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿, 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗲...