i. stranger

14 2 0
                                        

i. stranger

Nangingilid ang aking mga luha at nangangasim ang aking lalamunan habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Kasabay noon ay ang pagdama ko sa mga hampas ng malakas na hangin sa aking balat.

Nakatayo ako ngayon sa rooftop ng ospital. It was already evening and city lights around the city is already there. I used to admire those sceneres before ngunit ngayon ay tinitignan ko ito ng may bahid na poot at lungkot.

Bakit kailangan pang mangyari sa akin ito? Bakit hinayaan kong dumating ako sa puntong 'to? Bakit napakalupit ng mundo sa akin? Gusto kong magalit. Hindi ko naman ginusto 'to. Wala naman akong ginagawang mali. All my life all I ever think about is my family, hindi ako naging makasarili kahit kailan kaya bakit?

Mariin akong pumikit habang sunud-sunod ang pagraragasa ng luha sa aking mga mata. Kasabay noon ay ang malalakas kong paghikbi.

Akala ko wala ng mas sasakit pa sa pagkamatay ni Papa, akala ko hindi na ko magdurusa nang sunduin ako ni Mom at sinabing kukupkupin niya ako upang maging maganda ang buhay ko.

Tumaas nga ang estado ko sa buhay, ngunit sa loob ng tatlong taon na pakikisama ko sa kanila... gusto ko na lang maglaho.

Mula nang tumira ako kila mama ay nakakulong lamang ako sa kwarto. Gusto nga nila ay ipag-home school na lang ako dahil ayaw nilang malaman na may anak sa labas iyong ina ko. Lahat ng tao sa mansyon ay hindi equal ang tingin sa akin. Binabastos nila ako miski ng mga katulong. Kung hindi panis na pagkain ang ibibigay ay bibigyan naman ako ng tira tira at pagkain ng aso. Walang kaalam alam sila mama sa nangyayari at ayaw ko rin na ipaalam sa kanila dahil hindi rin naman sila maniniwala. Pakiramdam ko nga ay burden lang naman ako sa kanya dahil miski siya at ang asawa niya ay napakababa ng tingin sa akin.

Natigil ang malalakas na paghikbi ko nang mag-ring ang phone ko. Agad kong sinagot iyong nang mabasa na pangalan iyon ng kaibigan ko.

"Scarlet! Ano ba 'tong message mo? Okay ka lang ba?" Bahid ang pag-aalala sa boses niya nang sagutin ko ang tawag.

Tumikhim ako at pilit na tumawa upang maitago ang paghikbi kani-kanina lamang bago siya tumawag.

I sent her a letter, telling her how glad and thankful I am na nandyan siya sa tabi ko. Sa kabila ng lahat, hindi niya ako iniwan at nanatiling kaibigan ko. Hindi man niya alam ang pinagdadaanan ko, alam kong hindi siya nagkulang at palaging nandyan para sa akin.

"I love you," iyon lang ang tangi kong nasabi bago patayin ang tawag. Hindi ko na sinagot iyong tanong niya dahil hindi ko na kayang magsinungaling.

Hindi ako ayos. Hinding hindi na rin maaayos ang buhay ko. Buo na rin ang desisyon ko at walang makakapigil sa akin.

Hinubad ko na iyong rubber shoes na suot ko at tumayo sa dulo ng rooftop. Napalunok ako ng sunud-sunod dahil sobrang taas noong babagsakan ko. Sigurado akong ito na ang huling gabi ko sa lalim nito.

I closed my fist as I held my breath. Pumikit din ako nang mariin dahil baka hindi ko pa ito matuloy dahil sa takot. Buo na pa naman ang loob ko, sayang naman kung pangungunahan pa ako ng takot.

Muli ay bumuntong hininga ako. Nang hahakbang na sana ay naramdaman kong may humawak sa kanang kamay ko at hinila ako pabalik.

Masyadong malakas iyong hila niya kaya natumba ako at muntikan ko nang halikan ang semento! Sinamaan ko ng tingin iyong lalaking umepal sa buhay ko.

His eyes were bloodshot at mabibigat ang paghinga nito habang nakatingin sa akin. Nakaupo siya sa sahig, malamang ay natumba rin nang hilahin niya ako.

Tan iyong mga balat niya at broad ang katawan, his eyes were intimidating to look at and his nose were thin and pointed as knife. His lips were thin and red. A handsome man, indeed.

Adore You (SS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon