viii. feelings

2 0 0
                                        

viii. feelings

"Ate, please braid my hair," inabot sa akin ni Athena iyong panali niya sa buhok at naupo sa unahan ko to braid her hair.

Malambot at itim na itim ang hanggang bewang nitong buhok. It looks really healthy na siyang nakakainggit.

Habang tinitirintas ko ang buhok niya ay hiniram niya muna ang phone ko upang maglaro roon. I don't have that much games kundi iyong mind training games and she enjoys that too much. Minsan nga ay siya ang nakakalowbat ng phone ko.

"Do you like kuya ba?" Tanong nito bigla.

Hindi ko pinahalata ang pagkabigla ko sa tanong niya dahil baka asarin niya ako. Hindi ko alam kung bakit palagi niya akong inaasar sa kuya niya. Mas marami pa namang ibang babae dyan na mas babagay sa kuya niya. Iyong mga mentally stable para naaalagaan siya, hindi yung pabigat sa buhay niya gaya ko.

"Yes," I heave out a sigh nang marinig ang bungisngis niya, "but he deserves better kaya tigilan niyo na ang pang-aasar sa amin."

Marahas na lumingon si Athena, nakasimangot ito at umiiling.

"What are you talking about? Kuya likes you too, duh!"

Umirap ako. Pati ba naman kapatid ni Zeus ay pinapaasa ako.

"Hay nako ka, tatapusin ko na tong tirintas na 'to nang manahimik ka na."

Athena kept insisting that his brother likes me nang makitang hindi ako naniwala sa kanya. I chose not to believe her dahil ayokong umasa. Yes, mabait sa akin si Zeus pero hindi ba gano'n naman talaga siya sa lahat? Tsaka isa pa, paano kung mabait lang siya sa akin kasi naaalala niya si Athena dahil sa akin? Who knows, right?

As much as possible, mas gugustuhin ko pang one sided lang 'to para hindi naman ako mahirapang itulak siya palayo once na mahulog na talaga ako nang tuluyan.

Kinagabihan ay halos hindi ako makatulog kaiiisip. I even vented it out earlier sa therapist ko pero hindi pa rin ako pinapatulog ng mga thoughts ko! Argh! Nakaka-frustrate! Jusko gusto ko tuloy pumasok sa ER sa sobrang inis ko sa sarili ko! Sleeping pills aren't even working on me!

Naisipan ko munang lumabas ng ward dahil hindi ako makatulog at nagpasama na lang sa body guard na lumabas papuntang garden. I need fresh air.

Tanging hampas lamang ng hangin at yapak ng aming mga paa ang maririnig. Sobrang napakatahimik.

"Gaano na po kayo katagal dito?" I asked kuya Baldy. Ang awkward naman kasi kung susundan niya lang ako nang susundan at hindi kakausapin.

"Tatlong taon na rin po," aniya.

"It must be really lonely working here po 'no?" Nilingon ko siya, tumango naman ito bilang pag sang ayon.

"Opo ma'am pero ayos lang din, atleast nababantayan ko iyong asawa ko hehe," nakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Huh? Pasyente rin iyong asawa niya? Pwede ba yun?

As much as I'd like to ask him a lot of questions ay natahimik na lang ako. I don't want to meddle with his business dahil ang insensitive ko naman kung itatanong ko pa.

"Kilala mo siya, lagi mo rin siyang nakikitang pinapasok sa emergency room," aniya pa.

Nakagat ko iyong ibabang bahagi ng labi ko. I really do feel bad. Siguro ay napakasakit sa parte niya no'n- na makita iyong pinakamamahal niyang nahihirapan.

May mga namumuong luha na sa mga mata ko kaya tumingala ako upang pigilan ang mga ito. Bakit ba kasi napaka iyakin ko?

"Kuya di mo need magkwento if you don't want to ha," hilaw akong tumawa upang pagaanin iyong loob niya.

Adore You (SS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon