ix. free

3 0 0
                                    

ix. free

"Teh, obvious naman kasi na gusto niyo 'yung isa't-isa! Pareho lang kayong slow kaya hindi niyo ramdam, kaloka kailangan pa ng help," minasahe ni Pixie ang kanyang noo, tila ba masakit ito.

"Hindi ko pa rin kayo mapapatawad!" Singhal ko sa mga ito.

Hindi ko makalimutan iyong nangyari kahapon! Hanggang ngayon ay nag uumapaw pa rin ang tuwa ko nang malamang pareho lang ang nararamdaman naming dalawa. Pero una sa lahat, pinahiya lang naman ako ng mga kaibigan ko! Hmp! Tampo pa rin ako.

"Choosy ka pa, ikaw na nga itong tinulungan namin," humalakhak pa si RJ kaya inirapan ko itong mga 'to.

Pinulupot naman ni Athena iyong braso niya sa akin at ngumuso.

"Sorry na ate," she literally is the sweetest. Nagpa-cute pa ito kaya hindi ko maiwasang matawa.

"Kwento naman! Anong nangyari?" Tanong ni Pixie. Napaayos sa upo iyong tatlo at halatang interesadong marinig iyong nangyari sa amin ni Zeus.

"Wala," sagot ko. Sabay sabay silang nagreklamo dahil ayaw kong ibahagi sa kanila iyong pinag-usapan namin ni Zeus.

Nang malaman ko mula sa kanya na gusto niya ako ay sinabi ko kaagad na hindi pa ako handa sa commitment at mas maganda kung kilalanin muna namin ang isa't isa. Para kasing gusto niya na agad akong jowain kahapon, nakaka-overwhelm para sa akin iyon.

Bago pa lang sa akin ang lahat at halos hindi pa nga nagsi-sink in sa akin na nagustuhan niya ako kahit na wala pa siyang gaanong alam sa akin, sa past ko at sa family ko. His life might be perfect ngunit ibahin niya ako. Baka once na malaman niya ang mga iyon ay bigla niya akong iwan sa ere. Masakit para sa akin 'yon.

Ayos lang din naman kay Zeus iyong sinabi ko, gusto niya rin naman daw akong makilala pa nang lubos at gano'n din naman ako sa kanya. He just told me that he'll wait and will do his best to prove himself that he's worth it. Hindi ba't parang baliktad? Kung tutuusin, ako nga ang may dapat pang patunayan, I do have a lot of flaws while him- napaka-perpekto niya sa paningin ko, he doesn't need to prove himself.

"Sana di masarap ang ulam ng madadamot magkwento," parinig ni Pixie dahil ayaw ko nga magkwento kahit kulit sila nang kulit sa akin.

"Ate iisa lang ulam natin 'wag kang ganyan!" Saway ni Athena rito, natawa tuloy ako.

"Ano ba kasing iku-kwento ko? Eh wala naman talaga."

"Weh? Hindi kayo nagkiss?" Tanong ni Pixie. Pinanlakihan ko ito ng mata. Anong kiss?

"Wala! Hibang ka ba? Ang daming cctv dito!" Sagot ko.

"Uyy, so iki-kiss mo kung walang cctv?" Pang-aasar ni Athena. Tumawa silang tatlo samantalang ako ay nag-iinit na ang mga pisngi.

"Hindi- ano ba, tumigil nga kayo!" Saway ko sa mga ito.

Ang hihilig nila mangulit, jusko lord habaan mo pa pasensya ko.

"Anyway, maiba tayo. Usap usapan na pwede ka na raw umalis rito pero ayaw mo raw lumabas, bakit?" Tanong ni RJ, halata ang kuryosidad sa mga tingin nito.

Kumibit balikat ako, I didn't even know why. Siguro I just felt comfortable here than going outside. Parang mas safe pa ako rito kaysa sa labas.

"I don't think na I'm okay pa, I need more time," sagot ko.

"Do you have a family? Sa tagal mo kasi rito ay never kong nakita na binisita ka ng family mo," Si Pixie.

Umiling agad ako sa tanong niya. Mula kasi nang pinalayas ako sa bahay ay napagdesisyunan kong i-cut off na lang din sila sa buhay ko at kalimutan na lang na may pamilya pa ako.

Adore You (SS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon