ii. locked
Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagkauwi ng bahay. It was my mom, she's breathing heavily at namumula iyong mukha sa galit.
"Walang utang na loob!" She exclaimed. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.
"Mom-" bago pa man makapagsalita iyong nakababata kong kapatid ay pinigilan na agad ito ni Mama.
"I'm not talking to you Blake," matalim ang mga titig niyang bumalik sa akin, "I heard that you sneaked out last night then came home wasted."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Huh? Anong lasing? Hindi nga ako marunong mag inom maglalasing pa ako. Hilo ba siya?
"What? Mom I don't drink!" I defended myself ngunit I can sense that mom wasn't convinced.
"Then how can you explain this?" Itinaas ni mom iyong suot ko kagabi and she throws it on my face.
Amoy alcohol iyon kaya naguluhan ako. May ideya na pumapasok sa isip ko pero ayokong mamintang.
Bago pa ako makapagpaliwanag ay hinawakan na ni Mama iyong buhok ko at kinaladkad ako paakyat sa kwarto ko. Napaiyak ako sa sobrang sakit samantalang si Blake naman ay tumatakbo upang habulin kami ni Mama. He's insiting my mom to let go of me pero sinisigawan lang siya nito.
Nang mabuksan ang kwarto ko ay tinulak niya agad ako papasok kaya napasalampak ako sa sahig. Lalong bumuhos iyong luha ko nang maramdaman iyong kirot ng mga sugat sa pisngi ko mula sa sampal niya kanina. Malamang ay galing iyon sa mahahaba niyang mga kuko.
"Alianne, iyong alcohol ko!" isang kasambahay na halos kasing edad ko lang iyong lumapit kay mama at binigyan ito ng alcohol sa kamay.
"Huwag na huwag mong susubukang lumabas ulit, Scarlet! Sinasabi ko sa'yo, dadamputin ka na lang sa lansangan!" Tuluy-tuloy na pahayag nito.
Bahid ang galit sa mga tinig nito habang iyong katulong sa tabi niya ay nakangisi sa akin. Hindi niya manlang ako pinakinggan kahit na ako mismo iyong sarili niyang anak.
"Sana talaga ay ipinalaglag na lang kita nang wala akong iniisip pang pabigat sa buhay ko!" Pabalang niyang sinara iyong pinto matapos sabihin iyon.
Narinig ko pa ang pag-lock niya mula sa labas ng kwarto ko.
I really should've ended my life earlier. Araw-araw namang ganito rito sa bahay. I really want to get mad sa lalaking nagligtas sa buhay ko kanina because if it wasn't for him, malamang ay wala na akong problema pa. Pero kahit ano namang gawin ko ay hindi ko magawang mainis sa kanya. Napakabait niya para kainisan.
Ilang araw ang nagdaan at ilang araw rin akong nakakulong sa loob ng kwarto. Ayaw na rin akong papasukin ni Mama sa eskwelahan dahil kung anu-ano raw ang pinapasok sa kokote ko ng mga kaibigan ko.
"Ate," nilingon ko si Blake nang pumasok ito sa kwarto.
Hawak niya ang isang tray ng pagkain. He's a year younger than me at siya lang siguro iyong tumuturing sa akin bilang tao rito. He's a good man with an evil parents.
"Kumain ka na," he sat on the edge of the bed. Encouraging me to eat. "You look pale baka nagkasakit ka."
"Wala naman akong pake, Blake" hilaw akong ngumiti sa kanya, "mas mabuti pa nga na wala na lang ako, diba?"
BINABASA MO ANG
Adore You (SS#3)
Teen Fiction[ the bassist ] I'll walk through fire for you, just let me adore you.