vi. soon

2 0 0
                                        

vi. soon

Nagising ako sa isang puting kisame, inilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto dahil hindi ito pamilyar sa akin. Napagtanto ko lang na nasa ospital ako nang mapansing may nakakabit na tubo sa aking kamay.

"Gising ka na pala," lumingon ako kay Zeus, nakaupo ito sa tabi ng kama ko.

I didn't answer and just gave him a faint smile.

He's always there kahit na hindi ko naman siya tinatawag. I wonder if he's real at nag-i-imagine lang ako ng taong sasagip sa akin, kasi kung tutuusin, sanay akong umasa sa sarili, na at the end of the day ay I'll only just count on myself kasi gano'n naman talaga palagi, diba? Walang ibang hihila pabangon sa atin kundi sarili natin.

He held my hand, caressing it.

"Did something happened?" He asked.

I felt too tired to even answer his question, initigan ko lang siya at tumingin muli sa kisame bago pumikit.

I felt numb, I couldn't feel anything. I don't even know why am I still here. How did I survived anyway?

"Sorry," I mumbled, my voice even cracked dahil pinipilit kong h'wag umiyak.

"You scared the hell out of me, Scarlet."

I felt his hand still caressing mine kaya dumilat ako. His eyes were bawling kaya nataranta akong pinunasan ang mga luha niyang nag uunahang umagos sa kanyang pisngi gamit ang hinlalaki ko.

"I'm fine," paninigurado ko rito.

"I... I thought I'd lose you, too, what happened?" malalambing ang boses nito habang nakatitig sa mga mata ko, his eyes were pleading.

"S-sorry," I really couldn't say anything but to say sorry.

"Don't do it again, okay? Sasamahan kita magpa-therapy, Scarlet, please. I don't mind if it might ruin my schedules, just please."

Umiling ako. Nothing is wrong with me, hindi ako baliw. He sighed as he caress my cheek. I should be feeling empty ngunit itong puso ko ay napakabilis ng tibok ngayon. Am I having a heart attack right now? But it doesn't feel like it. What's happening?

Nang matahimik kaming dalawa ay sinubukan kong ikwento kay Zeus iyong buong pangyayari. He knew how my family treated me, yet he was surprised nang sabihin na pinalayas ako.

Good thing is that he is willing to help me hanggang sa gumaling daw ako.

Sa ngayon ay under observation pa rin daw ako dahil sa ginawa ko roon sa tulay. It wasn't him who saw me jumping but some stranger, tinawagan lang daw siya nito gamit ang phone ko dahil siya lang iyong laman ng contacts ko na sumagot sa tawag.

Magdamag niya akong sinamahan sa ospital at paulit ulit akong kinukumbinse na magpa check up sa psychiatrist once na makaalis ako rito dahil iyon daw ang payo sa kanya ng doktor. Pumayag naman ako dahil ang sabi niya ay libre lang naman daw iyon.

Lumipas ang tatlong araw at walang araw ang lumipas na hindi ako binisita ni Zeus. I might have suic*dal thoughts everytime I woke but but he was there to cheer me up. Palagi pa itong may puslit na mga pagkain lalo na iyong ice cream dahil ang sabi niya ay alam niya raw na hindi masarap ang inihahain dito which is right.

"Okay ka na?" Zeus asked me matapos kong magbihis at mag impake, idi-discharge na rin kasi ako ngayon.

I nodded, "Oo," sabi ko.

Lumapit ito at siya na iyong nagbuhat ng bag ko, okay lang naman sa akin iyon dahil masakit din ang katawan ko, mahihirapan akong magbuhat no'n.

"Uh yung bills pala, susubukan kong mag-ipon para bayaran ka," tumango lang ito habang naglalakad kaming dalawa.

Nangako ako sa kanya na babawi ako sa lahat ng ginawa niya sa akin once na magkapera ako. He protests pero nagpumilit ako kahit na alam kong mahihirapan ako, ang mahalaga ay wala akong utang na loob sa kanya.

"Masyado pang maaga, gusto mo na bang magpuntang psych ngayon? Magbibigay lang naman sila ng test sa'yo, but I'm not sure kung ico-confine ka ba nila o hindi, ayos lang ba sa'yo?" Aniya habang hinahanap namin iyong kotse niya sa parking lot.

"Ayos lang sa akin."

I don't really mind at all. Kung macoconfine ako, okay lang din kasi hindi na muna ako mamomroblema sa titirhan ko. Kung hindi naman kasi ako sinagip nung lalaki sa tulay ay malamang wala akong problemang ganito.

Nang makaupo kami ay agad niyang kinabit iyong seatbelt ko, nagulat tuloy ako dahil sobrang lapit niya! Marunong naman ako, anong tingin niya sa akin, tanga?

"Para safe ka," aniya saka ikinabit ang seatbelt niya at nagsimula na magdrive.

Gaya ng usapan ay pumunta muna kami sa hospital, napahawak ako sa balikat ni Zeus nang makapasok kami.

I might not be a manghuhula or what but this building feels so sad. I don't know if it was just me or what pero parang hinihila iyong puso ko pababa kasabay ng paglakad namin papasok.

May kinausap si Zeus at pumasok kami sa isang kwarto.

"Good afternoon po," Zeus greeted Dra. Garcia.

Base na name niya isa siyang psychiatrist dito. She looks nice, she's always smiling at napaka-warm ng pakikipag-usap nito.

"Hi Scarlet," she smiled, "we'll be having some test to evaluate you, is that okay?"

I agreed at nagsimula na nga iyong evaluation. Zeus was beside me buong interview sa akin. He even held my hand nang maramdaman niyang kinakabahan ako.

Matagal na proseso iyong nangyari. Maraming assesment ang naganap at ilang oras kaming nanatili sa loob ng ospital. I'm scared pero I am thankful na Zeus was there for me. He always make me laugh with his simple jokes to distract me and okay na sa akin iyon. Atleast kahit papaano ay naiibsan iyong kaba ko.

Gabi na nang sabihing kailangan kong manatili sa loob ng ward upang ma-monitor daw nila ang mga gagawin ko. Guess it is because of my severe depression na sinasabi sa akin kanina. Sakto rin naman dahil dala ko na iyong mga gamit ko, wala na akong kailangan i-empake pa.

"You'll be alright," Zeus assured me.

Ngumiti ako rito at tumango.

"I will. See you soon."

To be continued...

note: hindi po masyadong accurate and detailed 'tong chapter since masyadong nakakatrigger na po if ever ilalagay ko pa iyong process sa institution. Hope you'll understand.

Adore You (SS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon