x. heed
I woke up the next morning nang makaamoy ng pagkain. My stomach starts to grumble, marahil sa sobrang gutom. Nalimutan ko na palang kumain kagabi sa sobrang pagod!
Bumangon ako sa kama at itinupi muna iyong kumot ko saka naglakad papuntang kitchen. It was Zeus who was cooking for breakfast. Nakangiti pa ito sa akin habang imilalagay niya iyong egg at hotdog sa plato.
He insist to spend his night here with me para raw mabantayan niya ako. It's fine with me since I am comfortable with him already and I trust him, kaso sa lapag nga lang siya natulog dahil maliit ang sofa at hindi naman kami pupwedeng magtabi. Hindi pa kami magjowa para gawin iyon 'no!
"Kumusta tulog mo?" Tanong niya sa akin.
Sinundan ko siya dahil dala niya iyong almusal namin. Nang mailapag niya ang plato sa mesa at inusog niya iyong upuan para sa akin bago siya naupo.
"Okay naman, ikaw? Uncomfortable ba? Sorry kung sa sahig ka natulog," I bet hindi siya sanay pero ngumiti lang siya.
"Ayos lang, uuwi na rin ako mamaya basta itext mo lang ako kung may kailangan ka," aniya.
We talked a bit habang kumakain bago siya nagpaalam para umalis. He's already late na raw kasi.
Nang mapag-isa sa loob ng apartment ay naisipan ko munang maglinis. Napakaraming kalat kasi iyong inuwi ko. Sayang ang effort ni Zeus na ayusin itong apartment ko. Eme.
Tuyot na rin iyong rosas na binigay niya sa akin kagabi ngunit itinago ko lamang iyong petals niya sa isang jar. I'd like to keep it to remind what I felt the first time I recieved those flowers from him.
Nang matapos maglinis ay tinawagan ko rin si Sera upang ibalitang nakalabas na ako, ilang beses ko na itong tinawagan ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Siguro ay may klase pa sila.
Sobrang boring kaya naisipan ko na lang na lumabas. Baka makahanap pa ako ng mapapasukang part time.
Nasa loob ako ng isang fast food restaurant, asking a staff kung hiring ba sila ngayon kaso ang sabi nila ay hindi kaya lumabas na lamang ako. Nakakapagod. Ilang establishment na rin ang napasukan ko upang magtanong ngunit kahit isa rito ay wala akong napala.
Naupo muna ako sa gutter saka pinaypayan ang sarili. Stress na ako!
"Ate?" Nakunot iyong noo ko nang marealize na si Blake pala iyon.
Napatayo agad ako nang makita siya, it really was him! I gave him a faint smile. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang magtama ang mga mata namin. Para bang bumabalik lahat ng sakit na binigay sa akin ng mama niya.
"Kumusta?" tipid kong bati rito.
"Buhay pa," sarkastiko itong tumawa, "your plan didn't worked out."
Nakunot ang noo ko at napasinghap sa narinig. What? Sinasabi niya bang intended yung ginawa ko?
"Blake, I think there's a misunderstanding here," that was the last thing I'll ever do! I treasure him so why would I hurt him?
Sarcastiko itong tumawa, "ate sa'yo galing yung kinain ko, muntik na akong mamatay!" His eyes were filled with anger.
I gasped, "But I didn't poisoned you-"
Naputol ang pagsasalita ko at napanganga nang makita kung sino iyong lumapit sa kanya. Humalik pa ito sa pisngi niya at pinulupot ang braso sa aking kapatid bago lumingon sa akin;
"Elrene."
She looked at me from head to toe with her judging eyes bago umirap. I was shocked. Lumabas lang akong psych ward, suddenly naging bastos na ang mga tao sa akin? What the hell.

BINABASA MO ANG
Adore You (SS#3)
Teen Fiction[ the bassist ] I'll walk through fire for you, just let me adore you.