v. betrayed

1 0 0
                                        

v. betrayed

She was giggling bago niya ako napansin. She smiled saka ito tumayo nang maayos.

"Omg sorry!" Aniya pa, inilahad nito ang kamay sa akin, "I'm Elrene."

"Scarlet," tinanggap ko iyong kamay niya at ngumiti pabalik sa kanya.

"Bakit ka ba nandito?" Kunot noong tanong ni Zeus rito. Tila ba naiirita.

"Huh grabe ouch! You don't want to see me ba?" Humawak siya sa kanyang dibdib, acting like she was hurt, "I'm looking for you and someone said na you're here daw kaya tada! I'm here!" She extends her arm na parang may sinusurprise. Hindi ko mapigilang matawa sa ginawa niya. Ang cute kasi.

"Para saan?" Nakakunot ang noo ni Zeus habang tinatanong ito. Tila ba naguguluhan.

Napawi ang ngiti sa mga labi ni Elrene bago sumulyap sa akin, "may gig tayo, did you forgot about it ba?" She scoffed.

Nanlamig ang mga kamay ko habang nakatingin sa kanya. She looks warm and cheerful earlier, ngunit ngayon ay nakakatakot na iyong reaksyon niya.

"Ah oo nga pala," lumingon sa akin si Zeus, "sasama ka, diba?"

His eyes were hopeful. Nag aalangan tuloy akong tumanggi. It's already six in the evening, natatakot akong umuwi ng lalampas pa sa oras na iyon isa pa, may sakit ang kapatid ko pero gusto ko rin silang makita tumugtog.

Umiling ako, "saka na, may emergency kasi sa bahay," sagot ko. Halata ang pagkainis sa mga mata ni Elrene kahit na nakangiti ito.

Zeus' eyes were disappointed, naiintindihan ko naman iyon dahil napag usapan na namin iyon nung nakaraan. Pero mas kailangan ako ng kapatid ko ngayon.

"Sige, ihahatid na kita-" hahawakan niya sana iyong braso ko nang pigilan ito ni Elrene.

"Zeus, we still need to practice pa, kulang na sa time," aniya saka sumulyap sa akin at kitang kita na ang pagkainis nito. Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi. Bakit siya naiinis sa akin?

"Kaya ko naman umuwi mag-isa," nginitian ko silang dalawa, "pasensya na ah, good luck!" Tumalikod na ako kaagad matapos no'n at tumakbo palabas ng university.

Nang makauwi ay dumiretso ako sa kwarto ni Blake dala iyong arozkaldo na nasa bowl na.

"Nilalagnat ka pa rin?" I asked him, sinapo ko pa ang noo nito at napakainit no'n.

Tumango siya, hindi na ata makapagsalita sa sobrang sama ng pakiramdam. Sinubuan ko na ito ng dinala kong pagkain, pagkatapos ay pinainom ko ng gamot at pinunasan.

"Salamat ate," aniya bago ako lumabas ng kwarto.

Nginitian ko ito, "magpagaling ka."

Pagkalabas ko ng kwarto ay siyang bungad sa akin ni Mama, mukhang papunta rin ito sa kwarto ni Blake. Yumuko ako at binati ito ng saglit saka dumiretso papunta sa kusina upang ibalik iyong bowl.

Pabalik na sana ako ng kwarto ng marinig ko iyong sigaw ni Mama sa kwarto ni Blake. Saktong madadaanan ko rin ang kwarto ng kapatid kaya sumilip ako sa kwarto upang malaman kung anong nangyari. Humahangos ito palapit sa akin bago ako sinampal ng pagkalakas lakas.

"Scarlet, what have you done to your brother?!" Sigaw nito sa akin.

Iindahin ko sana iyong sakit nang makita ko ang pagsusuka ni Blake doon sa kama. A maid assist him, hindi iyon tumigil sa pagsusuka.

"W-wala po," sagot ko kay Mama saka ako tumingin dito.

She took a heavy sigh, "Allaine! Tumawag ka ng doktor!"

"Opo ma'am!" Lumabas iyong Allaine sa kwarto ni Blake at humahangos na pumunta sa telepono upang tumawag ng doktor.

Papasok sana ako sa kwarto nang itulak ako palabas ni Mama.

"Once na malaman ko lang kung anong ginawa mo sa kapatid mo, I am telling you!" Her eyes were filled with anger, "I'll make your life miserable!"

She slammed the door kaya I have no choice kundi bumalik sa loob ng kwarto ko. I hope Blake is okay.

Make my life miserable? Huh? Hindi pa ba? What a joke.

Sinubukan ko na lang magfocus upang magreview. Malapit na rin kasi iyong aming competition. Isa pa, excited na rin ako sa kaarawan ng kaibigan. May sapat na ipon na nga ako upang ilibre siya sa birthday niya.

Itetext ko pa lang sana si Sera nang isang malalakas na katok ang bumulabog sa aking kwarto. Sumisigaw pa si Mama habang malakas itong kumakatok. Tila ba sisirain na iyong pinto.

"Scarlet, buksan mo ang pinto!" She commanded.

Lumakas ang pintig ng puso ko ang nanlamig ang mga kamay ko. Kinakabahan sa kung anong sasabihin at gagawin niya sa akin oras na buksan ko ang pinto para sa kkanya

Ibinulsa ko ang phone at dahan dahan akong tumayo at naglakad upang buksan ito habang siya ay patuloy pa rin sa pagkalampag nito. Habang palapit nang palapit ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Natatakot ako.

Nang buksan ang pinto ay kitang kita ko sa mga mata nito ang galit. Hindi niya na kailangan pang magsalita. Mukhang hindi maganda ang nangyari sa kapatid ko.

She took a fistful of my hair saka ako kinaladkad. Napadaing ako sa sobrang sakit no'n dahil parang natatanggal na iyong anit ko sa pagkahawak niya.

"Walanghiya ka balak mo pang patayin ang kapatir mo!" She screamed, patuloy pa rin niya akong kinakaladkad hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

Narinig ko ang pagbukas niya ng pinto at doon napagtanto ko kung saan niya ako dinala.

Tinulak niya ako palabas ng bahay. Sa sobrang lakas ng tulak niya ay napadapa ako sa sahig at nagasgas pa nga iyong palad at tuhod ko sa sahig.

"Lumayas ka na sa pamamahay ko! Wala kang kwenta!"

Isinara niya nang malakas ang pinto habang ako ay nakasalampak pa rin sa sahig at umiiyak. Hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil sa kirot ng mga sugat ko o dahil sa sakit ng mga salitang narinig ko.

Mayamaya pa ay bumukas na ulit ang pinto at iniluwa noon si Allaine, iyong katulong. Hawak nito ang backpack ko at ibinato iyon sa akin.

"Sa wakas naman at pinaalis ka na rito," aniya pa saka sinarado ang pinto.

Wala sa sarili akong nakatulala sa bridge buhat iyong bag ko. Hindi ko alam kung bakit narito ako ngayon, dinala lang talaga ako ng sarili kong mga paa rito. Nangangasim nanaman ang lalamunan ko dahil sa sobrang sama ng loob ko, gusto ko nanamang umiyak. I wanna end myself. Siguro naman mas okay na ngayon dahil wala na rin naman tatanggap sa akin ngayon, diba?

Maraming nagdadaanang mga sasakyan ngunit alam ko naman na lahat ng iyon ay walang pakielam sa kung anuman ang mangyari sa akin ngayon kaya umakyat ako sa railings nito. Ilang minuto akong tumitig sa tubig sa ilalim ng tulay, nakarinig na rin ako ng mga sigaw sa likod ko ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyong mga 'yon, pumikit ako nang mariin at dahan dahang naglakad paabante.

Then everything went black

To be continued...

Adore You (SS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon