xiii. dazed

1 0 0
                                    

xiii. dazed

A week has passed and everything is so awkward for me since that night. I couldn't even look at him in the eye like I used to. Super nakakahiya kasi! Di ko nga rin alam kung bakit ko ginawa 'yon!

Malandi ata talaga ako. Imbis na problemahin ko iyong sikreto kong alam na ngayon ni Elrene, inuna ko pa ang pag-halik kay Zeus!

He was even so hopeful since that day! I mean, walang nagbago sa pakikitungo niya sa akin, he said he'll wait pero masyado akong nag-guilty sa nagawa ko. Hindi pa ako handa lalo na't hindi pa nga namin kilala masyado ang isa't-isa.

"One large coffee latte for Adreana!" Sinabi ko nang malakas, habang hinihintay sa counter iyong customer.

A girl with a long black silky hair stood up. She elegantly walked towards me bago kinuha iyong kape na inorder niya.

"Thank you," ngumiti ito. She's so pretty.

I already got my new job at yep, isa akong barista sa isang cafe malapit sa university. Malas nga lang dahil madalas din pumarito sina Elrene. Kasama niya si Chyra at tatlo pang mga babae na di ko kilala— isa sa kanila 'yung Adreana.

Mabuti na nga lang at kahit na narito siya ay hindi niya nagagawang gumawa ng eskandalo. Baka talagang professional lang siya.

"Girl sure ka walang lason 'to ha?" Iyon ang palagi niyang binubulong sa akin tuwing iseserve ko sa kanya ang coffee jelly niya. Hindi ko na lang iyon masyadong dinadamdam.

I smiled, "enjoy your coffee, ma'am."

So far, I enjoy this job. Also, my co-workers were nice, even the manager itself. Kaya ko na rin kahit papaano bayaran bills at rent sa salary ko rito kaya wala akong karapatan magreklamo.

Nang makauwi ay nahiga na agad ako sa kama at pumikit. Sobrang nakakapagod. Pero pag di ako kumilos, titira ako sa kalsada. Ayaw ko namang mangyari iyon.

Nagmulat lang ang mga mata ko nang marinig na may pumasok sa loob ng apartment ko. It was Zeus, holding a meal and a rose na nilapag niya sa mesa ko.

"Kumain ka na, I bet you're tired," aniya.

I gave him a weak smile bago tumayo sa pagkahiga at lumapit sa mesa at naupo upang kumain.

"Sorry hindi nanaman kita nasundo ha, alam mo naman na anong oras na rin last class ko," paliwanag nito.

"Okay lang Zeus, di mo naman ako responsibilidad."

Natahimik siya matapos kong sabihin 'yon. What I said probably hurt him pero totoo naman. Kung tutuusin nga, para na kaming magkasintahan sa ginagawa namin— he runs some of my errands and madalas pa siyang magpunta rito. Sometimes naiiisip ko na sobrang laki na ng utang na loob ko sa kanya.

Di ko nga alam kung bakit niya ginagawa lahat ng 'to? I mean yes, gets kong gusto niya ako pero sobra naman na ata itong ginagawa niya? Pero ni minsan wala akong narinig na kahit katiting na panunumbat mula sa kanya. Does he really like me this much?

"Sorry," I said. Ngumiti lang si Zeus at umiling.

"Wag ka magsorry, totoo naman sinabi mo," tumawa ito saka bumaling sa pagkain sa harap nnamin

Nang matapos ay siya na rin ang naghugas ng pinagkainan dahil deserve ko raw ang magpahinga. Ganito palagi ang routine namin, ito na nga ata iyong bonding namin dahil di na rin kami gaanong nagkikita sa university.

"Uuwi na ako ha, hinahanap na rin kasi ako ni mama," aniya nang matapos maghugas. Tumango ako.

"Can I meet your mom?" I asked. Sandali siyang napatigil sa pag eempake ng gamit at tumingin sa akin. Agad akong yumuko nang magtagpo ang mga mata namin.

Adore You (SS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon