vii. lonely

1 0 0
                                    

vii. lonely

Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang ma-confine ako sa isang psych ward. Things are going well, I guess? I do even think na parang same lang pero mas peaceful nga lang dito. Walang naninigaw sa akin, walang mga katulong na nambu-bully. So far, I like it here.

I even do have new friends, too na talaga namang nakakatuwa kasi we understand each other. They are also very polite and understanding kaya hindi sila mahirap kaibiganin.

"Scarlet, bibisita ba ulit si Kuya?" Athena looked so excited habang kumakain kami.

She's Athena, thirteen years old and was diagnosed with bipolar disorder. Too young, I know, kaya I really do feel bad for her kasi masyado pa siyang bata para mahirapan nang ganito.

Pero sa kabila ng kalagayan niya ay napakamasayahin niya. She's always smiling pero madalas din siyang dalhin sa ER na ayaw na ayaw niya.

"Hindi ko alam dear, should I ask your kuya about it?" Tanong ko rito.

Mabilis na tumango si Athena kaya kinuha ko iyong phone ko at nagsimulang magtipa upang ichat si Zeus. Zeus then immediately called me nang mabasa iyong chat ko.

"Kuya!"

It was Athena who greeted him first. Kinuha niya kasi agad sa akin ang cellphone ko nang makitang tumawag ang kapatid.

Zeus is Athena's brother. I guess kaya madalas siyang bumibisita ay dahil din sa kapatid niya. Guess their parents are fan of greek mythology.

Nang unang beses kong makilala si Athena ay wala talaga akong idea na kapatid niya ito. Napag-alaman ko lang iyon nang bumisita si Zeus para sa aming dalawa.

"How's my princess?" Zeus gave her sister an endearing smile. I felt like my heart will drop nang makita iyong mga ngiti niya.

"Better! Are you coming today?"

I left Athena nang marinig na tinawag ako ng isang bodyguard. It was baldy.

"May bisita ka," aniya.

Tumango ako at bumalik sa aking ward upang makita ang aking bisita. Napangiti ako nang makitang si Sera iyon. Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya.

"I missed you!" Agad kong bati.

She hugged my back and pats me from behind.

"Namiss din kita pero ang dami kong chismis sa'yo, gagi ka!" Aniya.

Bukod kay Zeus, madalas din sa aking bumisita si Sera sa tuwing free time niya- mga once a week. It was too chaotic nang unang beses siyang nagpunta rito kasama si Zeus. Umiyak pa nga siya na tinawanan ko naman, iyon kasi ang unang beses ko siyang nakitang umiyak. I do feel bad sa tuwing naaalala ko 'yon.

"Anong chismis mo? Chismosa ka talaga," biro ko in which she laughed.

"Eh kasi, may jowa na ako! Totoo na 'to!" Aniya, kinikilig pa habang nagku-kwento. Pareho kaming naupo sa kama ko.

"Talaga? Ipakilala mo agad sa akin pag nakalabas ako rito ha!"

"Sure naman 'no, anyway super pogi at basketball player!"

Kinwento sa akin ni Sera kung paano niya nakilala at paano sinagot iyong bago niyang jowa. Somehow, it made me feel happy kasi atleast there's someone who's there for her habang nandito ako. Also, nakikita ko rin kung gaano siya kasaya habang nagkukwento. Nakakalungkot lang na I missed the chance para kilatisin iyong jowa niya. Hmp, I am the best friend kaya dapat kilatisin ko muna 'no.

We talked for hours. She even bought me books, mostly fiction. Nakakairita lang dahil bawat abot niya sa akin ng libro ay ikukwento niya sa akin iyong nangyari. Bwisit nagrecommend pa, i-spoil din naman pala.

Adore You (SS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon