x. it's okay
"Pupunta ka sa gig namin mamaya, diba?" Tanong ni Zeus habang nagbibihis ito.
I nodded habang nakadantay sa unan kung saan siya nakapwesto kanina.
"Yes, baby," I said, smiling.
Umiwas ito ng tingin nang mapansin niyang nakatitig ako sa abs niya, namula pa ang tenga niya!
"N-nahihiya ako, Scarlet, 'wag mo kong tignan nang ganyan," saway nito. I chuckled as I playfully closed my eyes.
"As if hindi ko nahawakan 'yan kanina! I even li—"
"Scarlet!" Saway nito. I laughed at his reaction! Omg lang super cute.
Everything that happened was still surreal— I just can't believe na we did it! Omg ang rupok ko! Bakit ba kasi ang galing niya humalik! Mygod!
"Okay baby, I'm sorry," natatawa akong tumalikod dito. He's such a shy baby.
"I'll wait for you later, mkay? I love you?" He leave a peck on my forehead bago umalis sa aking apartment.
I took a shower bago tawagan si Sera upang sabihin sa kanya iyong nangyari ngayon.
"Omg ka girl! Wagi ka talaga today!" Tili nito mula sa kabilang linya, "malaki ba?"
"Hoy!" Sita ko, "oo, I think he's above average? I don't know, pero parang nawasak ata ako."
Sera laughed, "oh, so gano'n pala kalaki? Omg kala ko talaga juts kasi malaki katawan!" Aniya at tumawa pa! Kaloka 'to si Sera! Sabihan ba namang jutay ang boyfriend ko.
"Sera naman!" Saway ko. Ako na ang nahihiya sa pinag uusapan namin kahit ako naman ang nagsimula nito.
"Samahan niyo pala ako ni Shawn mamaya sa gig nila Zeus."
"Ay girl hindi kami makakapunta," aniya, napanguso ako sa narinig.
"Bakit?"
"Duh may dilig din ako later! Kala mo ba ikaw lang?" she chuckled, "osya, magpaganda ka na, bye!"
Bago pa ako makaapela ay pinatay niya na ang tawag. Now, mag-isa na lang akong haharap sa mga kaibigan niya! And the fact na si Elrene ay naroon! Gah!
Then it hits me— Zeus doesn't even know anything about me, yet. Pero he said he loves me. What if he only loves the idea he had of me? What if when he finds out the truth... talikuran niya ako? What if he suddenly realized that he doesn't really love me?
Nang matapos maligo at magpatuyo ng buhok ay humiga na muna ako sa kama upang magbasa. Masyado pang maaga para magbihis kaya nagreview na muna ako. May recitation kasi kami bukas.
Minutes turned into hours, halos hindi ko na namalayan ang oras at naisipan kong lumabas muna upang mamili ng grocery. Baka makalimutan ko nanaman, wala na talaga ako nitong makakain!
Mabuti na lang at kaunti lang ang tao sa supermarket, ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong siksikan. Hindi nakakatuwang gumalaw galaw.
Habang namimili ay isang pamilyar na pigura ang aking naaninag. I knew it was him kaya nagmadali akong maglakad upang maabutan siya. Nang maabutan ay hinila ko iyong laylayan ng hoodie niyang suot upang makuha ang atensyon niya.
"Blake," tawag ko rito.
Kunot noo itong lumingon sa akin. Halata ang pagka irita nito kaya parang gusto ko tuloy tumiklop sa kinatatayuan ko.
"Oh, ano pang kailangan mo?" Tanong nito, "balita ko, pagkatapos mo kaming perahan, yung kaibigan naman ng girlfriend ko 'yung pineperahan mo."
Nagpintig ang tenga ko sa narinig. Anong sinabi niya?
BINABASA MO ANG
Adore You (SS#3)
Romance[ the bassist ] I'll walk through fire for you, just let me adore you.
