xi. anger
"Teh, bilisan mo talaga at kanina ka pa dyan, kaloka!" Naiinip na saad ni Sera.
Nakasandal ito sa pinto at tingin nang tingin ito sa relo habang ako naman ay kanina pa nakatitig sa salamin.Hindi ko mawari kung ano bang gagawin ko sa buhok ko!
Inimbita rin ni Zeus si Sera upang may kasama raw ako. Kaso itong babae na 'to ay inimbita ang jowa niya! Edi naging third wheel pa tuloy nila ako! His boyfriend is currently outside, on his car, hinihintay kami. Kaya pinapagalitan ako ng babaeng ito, napakatagal ko raw kasi.
She already did my make up, pinahiram niya na rin ako ng damit at sapatos dahil halos puro pambahay lang ang mayroon ako, ang tanging problema ko na lamang ay itong buhok ko.
I just wore an off shoulder long sleeve na kulay pastel pink, pairing it with a white jeans at white flat sandals. Binagay ni Sera iyon sa light make up na nilagay niya sa akin. Di raw kasi bagay sa akin iyong makakapal na make up dahil mukha raw akong sweet girl? Di ko gets kung ano yung sweet girl.
Ito na lang buhok ko iyong problema, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakailang ayos na ako rito ngunit tinatanggal ko rin agad dahil feeling ko hindi babagay.
"Hindi ko kasi alam iyong gagawin ko sa buhok ko!"
I am totally freaking out kaya napasigaw ako.
"Shuta ka, hindi ka naman namomroblema sa buhok mo dati, ngayong in love ka, frustrated as f ka dyan,"
Napairap si Sera bago nagmartsa papunta sa akin, kinuha nito iyong panali na kulay pink sa harap ko nang makalapit at inabot sa akin.
"Itirintas mo buhok mo gaya ng dati, lagyan natin ng mga hair claw clip pagkatapos," aniya saka inilabas iyong maliliit na clip na mayroong pearl design.
"Ano yan? Kanina ka pa pala may ganyan ngayon mo lang ilalabas!" Reklamo ko. Kaloka siya hinintay pa ako maloka rito, nagdala rin pala ng babagay sa suot ko.
Tumawa ito saka umiling.
Nang makapag-ayos ay lumabas na kami ni Sera saka sumakay sa kotse ng boyfriend niya, si Sera sa tabi ng boyfriend niya at ako naman sa likod nila. My eyes widened nang makilala ko kung sino iyong boyfriend niya.
"Babe sorry natagalan kami, natae kasi ako," palusot ni Sera sa boyfriend niya, he chuckled.
"Okay lang babe, next time sama ako," napangiwi ako sa sinabi niya. Ang dugyot naman.
"Omg ka, naririnig ka ni Scarlet!" Hinampas ni Sera iyong boyfriend niya saka sila lumingon sa akin.
"Nakalimutan ko para i-introduce sa'yo kaibigan ko, she's Scarlet, you know her already, right?" Tumingin sa akin si Scarlet, "Scarlet, si Shawn nga pala."
Ngumiti ako at tumango sa kanila. I already knew who her boyfriend is, kapatid ito ni Circe, yung nag drop na architecture student. Sorry, I just really do admire her back then kaya I knew some things about her. Hindi ko naman aakalain na jojowain ng kaibigan ko ang kapatid niya!
Hindi naman naging awkward sa buong byahe dahil maingay iyong dalawa and they always include me sa kwentuhan nila. I can even see how happy Sera is, I am glad that she is.
Nang makarating sa place ay agad din kaming pumasok na tatlo. Nasa gitna namin si Sera at nakapulupot ang braso niya sa aming dalawa ni Shawn.
My eyes widened nang makapasok sa venue. Malawak ito at mayroong malaking stage sa unahan kung saan sila magpe-perform at napakalaking crowd. Medyo nakakahilo lang iyong neon lights na pikot ikot. Ganoon pala siya ka-famous? I didn't know. I literally have no idea!

BINABASA MO ANG
Adore You (SS#3)
Novela Juvenil[ the bassist ] I'll walk through fire for you, just let me adore you.