iii. name
He smiled and was about to talk nang isang malakas na batok ang sumalubong sa akin ng kaibigan kong si Sera. Napalingon tuloy ako sa kanya.
"Sera naman!" Suway ko habang nakakunot noo.
"Are you okay?" Mr. stranger asks, agad akong ngumiti akong tumango.
"I'm fine. It's just that- masyadong magulo itong kaibigan ko," paliwanag ko sa kanya. He nodded at he looked at Sera.
Parang nakakita ng multo ang kaibigan nang kausapin ako ni stranger, hindi ko alam kung bakit pero namutla ito at agad na humingi ng patawad. Stranger already left dahil nga may kasama na raw ako at hinahanap na siya ng mga kaibigan niya.
It was just me and Sera nang hinampas niya ako bigla sa balikat. Napapalingon tuloy iyong mga kasabay naming maglakad dahil napakalikot niya. Para siyang bulate na nilagyan ng asin.
"Ouch naman, kanina ka pa nananakit!" Saway ko sa kanya. I should get used to it pero mas malala kasi siya manakit ngayon!
"Ano bang nangyari sa'yo? Mygod. Why did you blocked my number, huh? After giving me those message, hindi ka magpaparamdam ng one month! Scarlet naman sobrang nag-alala ako sa'yo!"
"Sorry. Na-grounded lang ako," kwento ko. I didn't gave her the exact details pero ayan nanaman siya at galit na galit.
"Alam mo, hindi ko alam 'yung buhay mo pero napakahigpit ng magulang mo! Duh? Anong grounded grounded? It's already 20** at may pa-ganyan ganyan pa sila! My gosh naman, and the fact that you're already an adult and can't even decide for yourself! Sino ba 'yang magulang mo, ipapa-tulfo ko 'yan!" She kept on blabbering na hinahayaan ko na lang. Ganyan na talaga siya.
I didn't want to have friends nang magtransfer ako rito. But nagbago ang lahat ng iyon dahil sa kanya.
Siya lang iyong bukod tangi na nag-approach sa akin para maging kaibigan ko na hindi ko matanggihan. Aminado akong lapitin ako ng lalaki at babaeng kaklase. Hindi ko matukoy kung ano bang pakay nila kaya I avoided them as much as possible, pero itong si Sera, hindi niya ako tinitigilan. She always includes me in everything. Hindi lang sa groupings ng activities kundi pati na rin sa mga clubs ng school! Hindi ko nga alam kung paano ba ako natatanggap eh hindi naman ako iniinterview basta alam ko na lang nasa bulletin board na pangalan ko at pasok na sa club. Siguro magician itong kaibigan ko.
"Anyway, sana all after di magparamdam may kilalang celebrity!" Nakangisi pa ito habang inaasar asar ako.
Naguguluhan ko itong tinignan nang makaupo kami sa loob ng classroom.
"Anong pinagsasabi mo, teh?"
"Sus kunwari ka pa. Siguro kaya minsan ka na lang pumasok kasi non-showbiz girlfriend ka na ni Zeus 'no? Sana all!" Humagikhik pa ito at tila ba kilig na kilig sa sinasabi samantalang ako ay hindi pa rin matukoy kung ano ang ibig sabihin niya.
"Anong non-showbiz girlfriend? Sera, kung gano'n naman pala ako edi sana di na ako nag-aaral! Pangarap ko 'yon, no!" Biro ko, binatukan niya tuloy ako. Grabe talaga yung kamay ang sarap putulin.
"Gaga ka! Pero totoo nga? Anong meron sa inyo ni Zeus?" Humalumbaba pa ito at naghihintay ng kwento. I was about to ask her kung si Zeus ba iyong si Mr. Stranger nang pumasok naman iyong prof sa room namin.

BINABASA MO ANG
Adore You (SS#3)
Fiksi Remaja[ the bassist ] I'll walk through fire for you, just let me adore you.