Warning
This is the third story in Starlight Series. You don't have to read the previous series to read this one. But if you're planning to read the previous series after this, this story may contain spoilers.
The story also contains the following: depression, suicide, alcohol and mature content. So if this may trigger you, maybe this is not for you.
Remember, you have been warned.
––––––––––––––––––––––––
Prologue"You're Elrene, right?" I asked the girl infront of me. It's been a week mula nang magising ako sa ospital at simula noon ay siya lang ang bumibisita sa akin.
Mula kasi nang magising ako ay wala akong maalala na kahit ano. Hindi ko nga alam kung paano ako napunta rito sa ospital na hinihigaan ko. Hindi ko rin alam kung may pamilya pa ba ako.
Elrene is a tall woman. Mukhang may ibang lahi rin siya dahil pang foreigner ang features ng mukha niya. Napakaganda niya at malayong malayo sa mukha ko na pilipinang pilipina.
Kaya ayaw ko ring maniwala sa kanya na magkapatid kami kahit na gano'n iyong sinabi niya sa akin noong araw na nagising ako.
"Scarlet, ayos ka lang ba?" Tanong ni Elrene nang mapansing niyang I was spacing out. I unconsciously nodded kahit na hindi naman talaga ako okay.
"Nasaan yung pamilya ko, Elrene?" Tanong ko sa kanya. Napawi ang ngiti sa mukha niya nang saglit ngunit agad din naman siyang bumawi.
"Huh, ayaw mo ba sa akin? Grabe ka!" Tumawa pa ito nang hampasin ako nang mahina sa balikat. Tipid akong ngumiti.
Inilabas niya iyong phone niya at may ipinakita sa aking litrato. Halos puro kasing edad lang namin iyong nandoon at nandoon din kaming dalawa sa litrato.
"This is your family, Scarlet," ngumiti siya sa akin. It was a sincere smile kaya ngilid ang mga luha sa aking mata.
Inilipat niya nang inilipat iyong mga litrato habang pinapakilala sa akin kung sinu-sino iyong mga 'yon. Sa sobrang dami ay hindi ko matandaang kung sinu-sino sila. Siguro ay I'm not that good with names talaga. I even called her Esha even though I don't even know who the hell Esha is.
Nahinto si Elrene sa isang litrato kung saan naroon ako at isa pang lalaki. A pang of pain on my chest is what I felt after seeing those photo. Hindi ko kilala iyong lalaki ngunit mukhang ang saya saya namin sa litratong iyon habang magkayakap.
"Sino siya?" Tanong ko, pointing at the man hugging me sa picture. Nangangasim ang lalamunan ko, hindi makalunok dahil nakikita ko pa lang ang litrato ay parang nasasaktan na ako.
"H-his name is Zeus," ngumiti sa akin si Elrene, "He loved you so much," kwento niya pa.
Sa hindi ko malamang dahilan ay pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Sunud-sunod iyon at punung-puno ng pangungulila.
Mahal niya ako? Ibig bang sabihin ni Elrene ay may nakaraan kami ng lalaking nasa litrato?
"Asan na siya?" Tanong ko, hindi pa rin humuhupa ang aking mga luha, hindi rin ata iyon napansin ni Elrene dahil nakatitig lang siya sa litrato namin sa phone niya.
"H-huh?" Nang matauhan ay nilingon niya ako, nanlalaki ang kanyang mga mata nang makitang umiiyak ako, "are you okay? Oh my god, Scarlet!"
"I-I'm fine," sagot ko. Binigyan niya ako ng tissue.
"Where is he... Zeus, right?" Tanong ko, napaiwas ng tingin si Elrene at tila ba nababalisa sa tanong ko. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin kaya itinutok niya na lang ang atensyon sa kanyang telepono.
"Nasa malayo. But I can assure you, h-he's doing fine," she smiled.
Binalewala ko na lamang iyon. Sa loob ng dalawang buwan akong nakahimlay rito at walang malay, siguro naman ay dapat pupunta siya rito kung totoong may pakielam pa siya sa akin 'no? Baka pinagtatakpan lang siya ni Elrene para hindi ako ma-stress.
"Anyway, by next week ay pwede ka na raw makalabas ng ospital! Great news, diba?!" Agad ding iniba ni Elrene ang topic namin para siguro makalimutan ko iyong Zeus.
I wonder where he is. Lalo na't malakas ang pakiramdam ko na siya ang ama nitong dinadala ko.
BINABASA MO ANG
Adore You (SS#3)
Teen Fiction[ the bassist ] I'll walk through fire for you, just let me adore you.