xii. secret

2 0 0
                                    

xii. secret

Elrene looked offended nang itanong ko iyon. Umirap ito bago itinago ang lipstick sa bag niya at humarap sa akin.

"Wow, are you bingi ba? Or do you have an amnesia? Diba I told you earlier na you almost killed my boyfriend? Do you think I'll still like you after what you did?" Her eyes were filled with anger.

Iritado akong tumingin dito. I know my mom accused me wrongly but I would never ever do it to him. Hindi ako tanga.

"Hindi ko papatayin si Blake, I treasured him the most!" I explained, bakit ko naman papatayin ang kaisa isang kakampi ko sa mansyon na 'yon?

"Really?" Tinaas nito ang kilay niya, "I don't think so, guess you're too greedy. Dikit ka pa nang dikit now kay Zeus knowing na our band were already rising," she scoffed.

Nakunot ang noo ko. Bakit ba ang hilig gumawa ng kwento nito sa isip niya? Manghuhula ba 'to? Ligwak naman lahat ng hula niya.

"Huh? Hindi ko alam ang sinasabi mo, Elrene," maglalakad na sana ako palabas ng banyo upang iwasan ang pakikipag-usap pa sa kanya, sobrang nakaka-drain kasi siya ng energy.

Kaso nang malampasan ko siya ay nagsalita pa itong muli.

"What would be Zeus' reaction when I told him na you're anak pala sa labas ng most hated person niya?" She giggled bago lumingon sa akin.

I was completely terrified by how she looks at me with her playful smirk. Alam kong wala akong ginawang mali at alam kong wala akong kinalaman sa ginawa ng mama ko pero isa ito sa mga ayaw kong malaman ni Zeus. Natatakot akong magbago ang tingin niya sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya bago humugot ng lakas ng loob para sagutin si Elrene.

"He already knows it," I lied.

Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon niya at naglakad na ako palabas.

Nang makalabas ng banyo ay nakahinga agad ako ng maluwag. Grabe. Para akong nakipagsapalaran sa isang dragon sa loob ng banyo.

Ngunit tila ba hinigop lahat ng dugo ko nang makita si Zeus sa labas. Nakasandal ito at nakahalukipkip, tila ba may hinihintay. Nang makita niya ako ay umayos na ito ng tayo at lumapit sa akin.

Suddenly, my heart starts to race, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kaba. Narinig niya kaya? Pero nakangiti siya. Siguro naman hindi?

"K-kanina ka pa?" Tanong ko rito, umiling ito.

"Kararating ko lang, ang tagal mo kasi kaya pinuntahan na kita," he rubs his nape, parang nahihiya pa.

"Okay ka lang? Namumutla ka," hinipo nito ang noo ko at leeg. I was too stunned to even speak! Paano ako magsasalita ang lapit niya sa akin.

Tumango ako bilang sagot sa kanya, we were about to return to our table nang lumabas si Elrene sa banyo. She greeted us like nothing happened earlier. Napakagaling umarte, bakit kaya hindi siya mag artista?

Sabay sabay na kaming tatlo na bumalik sa table. Hindi ko na alam ang susunod na pangyayari, the whole time na nagkukwentuhan ay natatakot ako, iniiisip ko kung paano ko ba uunahan si Elrene sabihin kay Zeus ang totoo, na kung sino ba talaga yung pamilya ko. Pero alam kong hindi pa ako handa para roon.

Hindi naman ako hinahayaang ma out of place ng mga kasama ni Zeus, pati siya, ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang pinag usapan namin ni Elrene kanina.

Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Zeus sa oras na malaman niya pa ang katotohanan kay Elrene mismo. Nababaliw na ako kaiiisip! Bakit ba hindi na lang ako hinayaan ni mama na mamuhay mag-isa sa probinsya! Mas okay pa ata na mangalakal kaysa dito sa siyudad. Napaka-kumplikado ng buhay ko rito. Kung alam ko lang noon pa ay hindi na ko naging ambisyosa tumira rito.

Adore You (SS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon