iv. girlfriend

3 1 0
                                    

iv. girlfriend

"Ate sorry, hindi kita masusundo," tila ba para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig.

"H-huh? Bakit?"

"Kagigising ko lang at inaapoy pa rin ako ng lagnat. Sorry talaga ate, hindi ko nasabi kanina," mapait akong ngumiti at tumingin sa labas. Napakalakas pa rin ng ulan.

"Okay lang, pauwi na rin ako, magpagaling ka, ha?" Sagot ko, saka binaba ang tawag.

Tumayo ako at napagpasyahang lumabas na. May malapit na convenience store naman at sigurado akong may payong doon.

Nang makalabas ay lalong lumakas iyong ulan. Kinakabahan tuloy ako. Paano kung pagalitan nanaman ako dahil ginabi ako umuwi? Natatakot ako. H'wag na lang kaya muna akong umuwi?

Nilusong ko na lang ang malakas na ulan at tumakbo papunta sa malapit na convenience store upang bumilo ng payong. Mabuti na nga lang at medyo malapit lang iyon.

Gabi na nang makauwi akong basang basa sa ulan. Maids were laughing nang makita akong umuwing basang basa at wala manlang ni isa sa kanila ang tumulong sa akin.

Sanay naman na ako sa gano'ng eksena kaya pumanhik na ako sa aking kwarto upang maligo bago pa ako magkasakit.

Matapos maligo ay hindi na ako lumabas pang kwarto para kumain ng hapunan. Pumasok pa nga si mama upang pakainin ako ngunit nagtulug-tulugan na lang ako upang hindi na nila ako guluhin. Mabuti nga at hindi niya ako nasampal, tanggal talaga pagd-drama ko kung nagkataon.

Gustuhin ko man matulog ay hindi ko rin naman magawa kaya napagdesisyunan ko na lang magreview. May parating kasing academic competition at isa kami ni Britney sa isasali.

It was one of the reason kung bakit close kaming dalawa. Sinali niya ako noon sa math and science club. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na mahilig ako sa mga gano'ng subjects. After that, every year, professors always recommend us to join university competition to represent our school.

I was in the middle of studying nang tumawag sa akin si Zeus. Agad ko naman sinagot iyon.

"Umuwi ka raw mag-isa," he sound a bit concern. I guess the staffs told him about it.

"Yes, okay lang naman ako, nakauwi ako nang ligtas."

"Babalikan sana kita kanina kaso nagkita kami ng kabanda ko at lasing na lasing kaya hinatid ko pa siya pauwi, pasensya na," he sounded really sorry kaya medyo naguluhan ako.

"Hala ano ka ba, ayos lang 'yon," I assured him na ayos lang. Hindi niya naman kasi ako responsibility at isa pa, pinaalis ko rin naman siya agad in the first place kaya hindi naman dapat siya magsorry para doon.

"Babawi ako, I promise!" I can sense na he's eager na bumawi kaya natawa ako.

"Bahala ka."

Mabuti na lang at nandyan si Zeus sa tuwing hindi ako makatulog sa gabi. He's always there to hear my random thoughts and rants.

Hindi ko rin talaga alam kung bakit minsan I overshare my personal life with him. Eh kakikilala ko nga lang sa kanya. I think something's wrong with me. Mabuti na nga lang at hindi ko pa nasasabi sa kanya na anak ako ng congresswoman kung hindi ay baka malagot ako.

Nakita ko kasi sa facebook account niya na galit siya kay mama dahil marami raw itong ninakaw na pera. Gumawa pa naman ako ng facebook para sana makita iyong mga gigs nila ng mga ka-banda niya ngunit iyon pa ang una kong makikita sa timeline niya! Natakot tuloy ako at dinelete na lang iyong account ko.

Adore You (SS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon