Another morning came. A lot of things changed. I keep on missing the noise of the animals at Trivino. I keep on missing the things that kept me busy back when I was at that province. Na-mi-miss ko ang bawat pag-aasikaso ko kay Lucas. I missed the simple life I had back at Trivino.
Tuwing umaga, ako ang nagluluto rito sa bahay. I missed Trivino so I decided to do the household chores para mawala ang pagka-miss ko. I had been cleaning the whole house even though Philip and his parents keep on telling me to stop because I might tire myself. Hindi pa rin ako nagpapigil because that's what makes me happy.
For the past days, Mom and I never talked once. She'd been treating me silently and I do not know if it's bad of me to be happy because of it. Mas okay kasi sa akin na hindi niya ako kausapin kaysa sa kausapin niya ako at konrolin na naman. Mas okay ako sa ganitong set-up namin.
Dad, Mimi and Didi had always been considerate. Whenever I asked Philip for something that I wanted, they would immediately give to me. Sobrang swerte ko nga siguro dahil ginagawa at ibinibigay nila ang gusto ko. But I couldn't help but feel wondrous as well. Paano pala kung may kapalit lahat? Paano pala kung kaya nila ito ginagawa ay dahil may gusto silang ipagawa sa akin na hindi ko ninanais na gawin? That would be a damnation.
I was currently combing my hair when I heard a knock on the door. I am at my room and it's about time for lunch kaya bababa ako para magluto na naman.
I stood up and went to the door. I looked at the peep whole to see whoever the person is behind the door. To see Philip standing there patiently.
Kahit inis pa rin ako sa kanya ay binuksan ko kaagad ang pintuan. I raised my brows at him and crossed my arms on my chest.
"Oh?" Maangas kong bungad sa kanya.
He smiled and went near me. He then reached for my stomach and caressed it. Malaki na talaga ang tiyan ko kaya sobrang halata na.
"Ano ang kailangan mo?" tanong ko sa kanya habang nakataas pa rin ang kilay dahil hindi naman siya sumagot at hinahaplos lang ang tiyan ko.
He smiled. "My parents and your parents called us. They want to talk to us about something." He said, still caressing my stomach.
"Bakit daw? Ano ang pag-uusapan natin?" I asked.
"I don't know either. They just told me to call you to come down so we can talk about it right now." He answered.
Napabuntong-hininga ako. As if I have a choice.
"Okay. Tara," ani ko saka nauna nang naglakad palabas ng kwarto.
While walking I felt his masculine arms hugged my waist. Kahit hirap na hirap siya dahil mabilis ang paglalakad ko at malaki ang tiyan ko ay nagtiyaga siya at pinagpilitan talaga ang mga braso niya na makayakap sa akin. Sumisipol pa siya habang naglalakad kami at sabay haplos sa tiyan ko. Paminsan-minsan pa ay nararamdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. Tapos ay naririnig ko siyang sinisinghot ako.
Gaya ngayon, sinisinghot na naman niya ako kaya bumangon ang inis ko sa katawan ko. Agad ko siyang hinampas sa braso niya nakayakap sa tiyan ko.
"Ouch!"
"Bitawan mo 'ko," sabi ko.
Pero syempre, hindi siya bumitaw. Bagkus ay mas lalo pa na humigpit ang yakap niya sa braso ko.
"Why?" tanong niya.
Tiningnan ko siya saka sinamaan ng tingin. Ang gago hindi makaramdam na inis na inis na ako sa kanya.
"Bumitaw ka kung ayaw mong ihulog kita sa hagdan." Banta ko sa kanya.
He smirked and looked at me with mischief. "You can do that? Patingin nga."
YOU ARE READING
Heart in Disguise (Heart Series #2)
General Fiction[COMPLETED] R-18: Read at your own risk. "Why can't you just be my whole galaxy, even if I'm just a mere stone surrounded by fire?" - Clovis Philip Madrigal