Happy 1k reads ^^
—
“Ano ang lulutuin natin ngayon, mahal ko?” tanong sa akin ni Lucas.
Kasalukuyan siyang naghahanap ng pwedeng lutuin sa loob ng ref. Kanina pa siya tingin nang tingin doon pero wala pa rin siyang napipili. Kahit naman ako, hindi ko alam kung ano ang lulutuin.
“Hmm? Hindi ko rin alam. I do not know what to cook either,” sagot ko habang nakapangalumbaba sa counter at tinitingnan siya.
Bumuntong-hininga siya saka isinara ang ref. Humarap siya sa akin. He walked towards me then sat beside me.
Nangalumbaba rin siya gaya ko. He even pouted.
I laughed at him. Hinampas ko ang braso niya.
“Aray ko! Bakit?” Kunot-noong tanong niya.
“Huwag ka kasing pa-cute. Hindi bagay!” Bulalas ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. “Ikaw, ah. Ang sakit mo magsalita, ah. Pero totoo naman. Hindi naman kasi bagay sa akin ang cute. Kasi gwapo ako.”
Hinampas ko muli ang braso niya ng dalawang beses. Humagalpak ako ng tawa. I even throw my head back in laughter.
“Owemji! So tornado!” Bulalas ko.
“Tingnan mo ‘to. Imbes na tulungan akong mag-isip ng pwedeng lutuin, tutunganga lang tapos tatawa-tawa. Wala namang nakakatawa.” Iiling-iling niyang sabi.
Mas lalo akong natawa. I just feel like laughing today. At trip kong pagtawanan ang mukha ni Lucas.
I pointed at his face. Bigla kong napansin ang tigyawat niyang sing-laki ng bigas na nasa tip ng ilong niya. I didn’t noticed it lately. Ngayon lang.
“Owemji, Luc! Hindi ka na magugutom!” Tumatawang sabi ko.
Kinunutan niya ako ng noo. “Ha?”
“May bigas ka sa ilong. I swear, hindi ka na magugutom niyan,” sabi ko.
Kinapa niya ang ilong niya. Tapos ay napa-igik siya ng mahawakan ang tigyawat na nasa ilong niya. Nakita ko pa na bahagya siyang naluha.
“Aray ko naman!”
I laughed. “Bakit ka nagkatigyawat?”
Sinamaan niya ako ng tingin. “Hindi ko alam. Ba’t ako ang tinatanong mo?”
“Oh? Sino ang gusto mong tanungin ko? Ang tigyawat?” I asked and laughed.
He looked at me in boredom. “Happy? Happy ka?”
I laughed more. I nodded. Obviously, I’m happy for an unknown reason. I should’ve sulked right now dahil magkasama sa loob ng kwarto sina Philip at Lucy. But I feel the opposite.
“Ba’t ka ba tawa ng tawa? Kanina ka pa, ah,” aniya.
“I don’t know either. I just feel like laughing,” sagot ko.
Bumuntong-hininga siya. Bigla niyang hinampas nang malakas ang counter. Napaigtad ako sa gulat at nanlalaki ang mga mata na napatingin sa kanya.
“What’s wrong?” Gulat kong tanong.
He smiled innocently. “Wala lang. Trip ko lang.”
I laughed hard. I even clutched my huge stomach. I threw my head back. My laughter echoed the whole kitchen.
“Ba’t ka tumatawa?” Kunot-noo niyang tanong.
I laughed. “Wala lang. Trip ko lang.” I laughed again.
YOU ARE READING
Heart in Disguise (Heart Series #2)
Ficción General[COMPLETED] R-18: Read at your own risk. "Why can't you just be my whole galaxy, even if I'm just a mere stone surrounded by fire?" - Clovis Philip Madrigal