T W E N T Y - S E V E N

6K 254 19
                                    

Happy 2k reads, Phaebe and Philip!

-

I was crying inside the bus. It’s raining and I could barely see the place outside. All I could see are the raindrops wetting the window of the bus.

Nakaupo ako sa gilid ng bus. Nakasandal ang ulo ko sa bintana na nakasara. Pinapakinggan ko ang bawat pagpatak ng ulan sa bubong ng bus na sinasakyan ko. And together with the rain was the pain in my heart that stuck me within and I could not be able to get out.

Pinunasan ko ang luha ko. Ngunit agad din namang tumutulo ang mga luha ko. Hinaplos ko ang tiyan ko. Kahit naman nasasaktan ako ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutang alalahanin ang mga anak ko.

Nararamdaman kaya nila ang sakit na nararamdaman ko ngayon?

I wish they don’t. Ayokong nasasaktan sila nang dahil sa akin. If only I could take them off from my stomach immediately, I will. Para hindi na nila maramdaman ang nararamdaman ko. Nahihirapan ako at ayokong pati rin sila ay mahirapan.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad akong napatingin doon. Ang luha ko ay agad kong pinunasan para makita ko ng maayos ang letra sa cellphone.

It’s Nikki. She’s calling.

I bit my lower lip and breathed in. Bago ko ito sinagot.

“Uh… hello, Nik? You called. Why?” I am the first one who talked.

“Phaeb?! Phaeb, jusko nasaan ka?! Bakit paos ka?! Ha? Umiiyak ka ba? Where are you? Naririnig ko ang tunog ng sasakyan? Nagmamaneho ka ba? Please, don’t, Phaeb. Come back here. Delikado kung magmamaneho o bibiyahe ka ng ganitong oras. Umuulan pa naman.” Nag-aalala ang boses niya.

How did she know that I am on the road? Why did she call me in the middle of the night? Dapat ay nagpapahinga na siya sa ganitong oras.

“I… uhm…” I tried to let out a chuckle. “How did you know that I am on the road?

“So, nasa biyahe ka nga? Just tell me kung nasaan? Pupuntahan ka namin diyan. Masyadong malakas ang ulan, Phaeb. Delikado sa daan. Buntis ka pa naman, baka mapa’no ka!” aniya sa kabilang linya.

I sighed. I looked outside the window. I draw faces on there as I answered her.

“Don’t worry about me. I am fine. Just get some rest already, Nik. Ayos lang ako. I swear,” sagot ko.

I do not want to tell her where I am. Matigas ang ulo ni Nikki. Mas lalo iyong titigas kung kasama niya sina Harriet at Ayen. And if ever I tell her kung nasaan ako, they will surely come after me. At ayoko na magsayang pa sila ng pagod dahil sa akin.

What friends are for? Tsk. That doesn’t make sense.

Yes, friends do help each other. But not all the time. They have their own problems too. And leaning on someone who is choked in conflicts will just make things worst.

You can help everyone whenever you wanted. But only if you can help yourself too.

You can’t just lean on to your friends just because they’re your friends. They’re your friends, but their problems are not.

“Phaeb? Please sabihin mo na. Nag-aalala kami sayo. Baka mapa’no ka. Ang babies mo. Baka mapa’no sila. Kaya sige na, sabihin mo na,” aniya.

I sighed. “Sabihin mo na… kung anong gusto mo… kahit ano’y gagawin para lamang sayo… sabihin—”

“Shut up, Phaeb! Bakit ka kumakanta?! Alam mo ikaw? Jusko! Grabe! Habang-buhay yata akong mamomroblema sayong babae ka! Nasaan ka ha?!” aniya. Sumisigaw man siya pero ramdam ko ang pag-aalala niya.

Heart in Disguise (Heart Series #2)Where stories live. Discover now