T H I R T Y - N I N E

7.5K 193 9
                                    

“We should celebrate a pre-wedding celebration, you know? Para naman mag-enjoy si Phaebe bago siya tuluyang ikasal… ulit,” ani Nivia.

She’d been with us for the past few days since I and Philip organized our wedding. Nikki also asked me if it’s alright for me if Nivia would stay.

Of course, I said yes. Not because napipilitan ako. But because Nivia is a great friend kahit hindi naman kami masyadong close.

And I also know that something’s going on… or something’s wrong with her that she’s not able to unravel. O baka hindi lang talaga niya gustong ipaalam sa amin.

I badly want her to be part of our group of friends because she’s a nice woman.

Kasalakuyan kaming nanonood ng movie sa loob ng room ko, here at my parents' house. I, Nikki and Ayen are on the bed while Nivia and Harriet are on the carpetted floor.

Wala sa akin ang mga bata. Naroroon sa mga nannies nila kasama si Philip. Pati ang mga anak nina Harriet at Nikki ay naroroon din, kasama nila.

“You mean… bachelorette party?” tanong ko.

Nikki nodded as she picked a handful of popcorn. “Oo. Para naman makapag-enjoy ka, diba? Tsaka, diba nga, after tomorrow kasal niyo na? So, why not bukas natin gawin ang bachelorette party since wala si Clovis niyan. Kailangan siyang ihiwalay sayo.”

“Kailangan pa ba talaga ‘yan?” tanong ni Nivia.

“Oo! Ikaw, Yet, nagkaroon ka ng bachelorette party, diba?” sabi ni Nikki.

Harriet shook her head. “Wala, ‘no. Hindi ‘yan uso sa mga magulang ko. Tsaka, kapag malaman nila ang tungkol do’n, for sure, magagalit ang mga ‘yon.”

“Tsk. Tapos ako, hindi rin naranasan ang magkaroon ng bachelorette party,” sabi ni Nikki. “Kaya kay Phaebe na lang tayo bumawi!”

“Is that really necessary?” I asked again.

She laughed. “Don’t worry, ako ang magpapaalam sayo sa parents mo. Mukhang hindi naman masyadong mahigpit si Tatay Marc at Nanay Deci, ah.”

Yeah… hindi masyado kaya binugbog nila ni Kuya si Philip.

“Bakit ‘di na lang matulog nang maaga si Phaebe bago siya ikasal kesa sa bachelorette party na ‘yan?” Blankong sabi ni Ayen.

“Kasi minsan lang ‘yan! Last day of being maiden niya ‘yan, eh! Dapat talaga e-celebrate!” Giit niya.

“Anong last day of being maiden, eh, kasal na sina Clovis at Phaebe, eh. ‘Di na kailangan niyan,” ani Harriet.

“Pero kasi mag-e-enjoy lang naman tayo, eh. Kalimutan muna natin na mga may asawa na tayo at may mga anak. Parang dati lang, diba? Enjoy-enjoy lang,” ani Nikki.

“Hindi naman pwede ‘yon, Nik,” ani Nivia. “Kakalimutan saglit na may asawa’t anak? Mahirap ‘yan. Pa’no ‘pag may nangyaring hindi maganda? Pa’no ang mga anak ninyo?”

Nikki went silent. “Okay. My bad. Pero… pwede naman kasi tayong magpaalam sa parents ni Phaebe, eh. Kung papayag sila, edi go tayo. Tapos kapag hindi, edi, hindi.”

“Why are you so eager to do this?” I asked, chuckling.

It’s not like I don’t like her plan, it’s just that… I’m wondering why she’s way too eager. Isa pa, I wanted to try it too. Kasi hindi pa namin nasusubukan ang gano’n simula nang ikasal si Harriet at Nikki.

“Kasi nga, hindi natin nasubukan no’ng kasal ni Harriet at kasal ko. So, why not subukan natin ngayong kasal mo? Diba nga, plano natin ‘yan noon? Na gagawa tayo ng bachelorette party every wedding na mangyayari?” aniya. Nakanguso pa.

Heart in Disguise (Heart Series #2)Where stories live. Discover now