Thank you so much for following me on my Facebook Account. I will be updating there about more stories soon!
-Weeks passed after we told the world everything about us.
For the past days, we showed the world that we’re back again, not just as friends but as couples… married couples to be exact.
Philip kept on posting pictures of us together. Hindi naman siya ganyan dati, hindi siya mahilig sa social media. But now, seeing him used social media just to post everything about us, it’s overwhelming.
Sa nagdaang Linggo, Philip told me that he hired a wedding organizer. Nagulat pa ako dahil wala akong alam sa pag-hire niya. Sinabi niya sa akin na saka na raw niya sasabihin kina Nanay at Tatay kapag nakahanda na lahat para wala nang bawian.
I laughed at him, of course. He was just making sure na maikasal kami ulit sa pangalawang pagkakataon. At ngayon, kasama na ang mga taong malalapit sa amin.
Hindi na rin ako tumalima. I agreed with his decision. I want to give him all the right para sa kasal na ‘to.
From the past, we got married with force. This time, we will get married with nothing but love towards each other.
“Ito, mukhang bagay kay Phaebe ‘to.” Nikki is holding a gown.
We were inside a boutique. Namimili ng gown na pwede kong isuot. This boutique is owned by Nivia. Ngayon ko lang nalaman na may sarili na pala siyang boutique.
The gowns are all beautiful. The brides would really feel special when wearing one of Nivia’s masterpiece.
“Hindi, mas bagay ‘to. Tingnan mo may pearls na color pink. Babagay kay Phaebe ‘to kasi favorite niya ang pink,” ani Harriet. She’s holding another gown na maganda rin naman.
Ako naman ay nakasunod lang sa kanila at naghahanap rin nang pwede kong isuot. Everything are nice that it’s hard for me to choose.
“Ano ka ba? ‘Wag na natin munang isali ‘yang paboritong kulay ni Phaebe. Kasal niya ‘to kaya kalimutan na muna natin ang favorite color niya. Mas bagay pa rin ang white!” Laban ni Nikki.
Si Ayen naman ay nakasunod lang sa amin with her blank face. Nakahalukipkip at pinapanood lang kami.
“Eh, bakit ikaw? Purple ang color ng gown no’ng kasal mo?” I asked.
Inirapan ako ni Nikki. “Eh, malamang kayo ang pumili, eh. Hindi pa rin ako nakaka-move-on do’n, ah! Kasal na kasal ko tapos purple ang gown ko?! My God! Nakaka-stress!”
“Pasalamat ka nga may gown ka, eh. Kesa nag-pajama ka?” Sabad ni Ayen.
“Isa ka pa! Nag-black ka talaga sa kasal ko, ah?! Kasal ‘yon, Ayen! Hindi libing!” Sinamaan niya ng tingin si Ayen.
“Ito, Phaeb. Maganda ‘to. Bagay ‘to sayo.” Harriet showed me an off-shoulder white gown.
I checked it. “Yeah. Maganda siya.” Kinuha ko ito.
“Pangit ‘yan. ‘Wag ‘yan,” ani Nikki. Kumuha siya ng ibang gown. “Ito. Ito ang maganda.”
“Hindi, Nik. Mas maganda ‘to. Mas bagay ‘to kay Phaebe. Mahilig siya sa off-shoulder dress, diba?” ani Harriet.
“Hindi. Sabi ko naman kasi sa inyo ipagsawalang-bahala na muna natin ang mga hilig ni Phaebe,” ani Nikki.
Napakamot ako sa pisngi ko. Si Ayen naman ay napakamot sa kilay.
“Pero mas bagay kasi sa kanya ‘to, eh. Tingnan mo, oh!” ani Harriet saka inilapat sa katawan ko ang gown.
“Ay, hindi! Mas bagay ‘to.” Laban ni Nikki.
YOU ARE READING
Heart in Disguise (Heart Series #2)
Художественная проза[COMPLETED] R-18: Read at your own risk. "Why can't you just be my whole galaxy, even if I'm just a mere stone surrounded by fire?" - Clovis Philip Madrigal