Heartbeat 02

173 9 0
                                    

Caller named Damien


Nagising ako sa sinag ng araw galing sa singaw ng kurtina. It's just 7 in the morning kaya hindi pa mainit. I went to the bathroom to take a bathe and do other morning routines. Binilisan ko lang maligo ngayon para paglabas eh hindi pa tirik masyado ang araw. Pagkatapos maligo, nagpalit kaagad ako tapos bumaba na.

Sa sala nadatnan ko si Mommy na umiinon ng kape while watching morning news. Nang nakita ako nito, agad naman akong binati at hinalikan sa pisngi.

"Good morning, Seb! Sabayan mo na mga kapatid mong kumain," Mom said. "Nauna na palang kumain ang daddy mo kasi maagang pumunta sa opisina."

"Yeah. Good morning, Mom," Sabi ko. "Mom I'm visiting the farm this morning kaya maaga akong gumayak. I'll just get some bread then I'll go."

"Sure! Sigurado akong matutuwa sila dahil matagal-tagal ka ding hindi pumunta. Naroon sina Mang Oscar at Aling Baby para samahan ka din sa paglilibot kung walang Gawain masyado."

I went to the kitchen and saw the twins Zach and Talia. "Hi! How are you doing, my lovies?" I said as I walk towards them.

"Hi, Kuya Seb!" they both exclaimed. They hugged me and kiss me on both of my cheeks. "Oh, continue eating na. I'll just grab some bread kasi bibisita ako sa farm, okay?"

They both nodded. Kumuha na ako ng tinapay at lumabas na upang maglakad patungong farm. I want to walk instead of riding a bike kasi gusto kong damhin ang bawat madadaanan kong lugar.

Pagkalabas ng bahay, kita ko na ang magandang daanan kung saan napapalibutan ito ng mga bulaklak at puno. It gives me a bit of Nami Island vibe. Habang naglalakad, naaninag ko si Aling Elsa, isa sa head na nagtatrabaho sa farm.

"Magandang umaga po, Aling Elsa," bati ko sa kanya.

"Naimbag a bgat mo met Seb,"(Magandang umaga din, Seb.) Si Aling Elsa na binati ako sa lenggwaheng Iloco.

"Saan ka ba papunta? At bakit naglalakad ka?"

"Pupunta po ako sa farm ngayon para sana bumisita. Madami po ba kayong ginagawa roon?"

"Oh sumabay ka na sakin kung ganon at papunta na din ako doon. Medyo marami ngang gawain ngayon sa farm anak kasi palapit na ang pasukan. Madami na namang kakailanganing suplay ng mga gulay, karne, itlog at iba pang galing sa farm," Ani Aling Elsa habang naglalakad na kami patungong farm.

Pagkaraan ng ilang saglit eh nakarating na kami sa farm. Ilan sa mga nakita ko ang mga dati nang nagtatrabaho dito, may mga bago din at mas bata naman. Binati ko silang lahat at nagpatuloy na sila sa Gawain.

"Magandang umaga po Mang Oscar at Aling Baby."

"Magandang umaga din sayo iho," Bati nila.

"Nasabi nga sa akin ng Mama mo na gusto mo raw maglibot dito sa farm, halika at maglibot libot tayo saglit bago ako magpatuloy sa gawain." Si Mang Oscar. "May gagawin po kayo?" tanong ko at baka maging abala pa ako sa kanila.

"Konti lang naman ang gagawin iho." Si Aling Baby. "Magpapakain lang ng mga alaga ang aming gagawin at pag-aani ng mga gulay."

"Ganito na lang po ang gawin natin upang hindi kayo maabala. Habang nagpapakain po at nag-aani eh nakakapaglibot na din naman po kaya pwede itong pagsabayin."

"Maganda nga iyan, Seb. Pero sigurado kang ayos ka lang dito?" Si Mang Oscar. "Ayos lang naman po at gusto ko ding tumulong bago tumungong Maynila para sa pasukan." sagot ko naman.

Napagpasyahan nga naming tumulong na lang ako habang naglilibot upang hindi masayang ang oras. Habang naglalakad, may isang lalaki na dumating. Matangkad, moreno, makapal ang kilay at pilik mata, maayos ang pangangatawan at maamo ang mukha nito.

Mistake of a HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon