Bumalik kami sa wisyo nang may kumatok na male staff ng hotel dahil hinahanap daw ako at nautusan siyang tumungo sa suite ko and I said na susunod kami.
"I'll wait for you," Damien said.
"Mauna ka na, I'll just take a shower and change, you should change too." Sabi ko and he just nodded and walked out of the room.
Nanatili akong nakatunganga sa kama dahil sa nangyari kanina. I didn't see that coming at all! We kissed, does that mean were now together? Ugh this is stressing. After that thought, I took a bathe then went out of the suite para pumunta sa shore kung saan sila nag-bo-bonfire at nag-iinuman.
Nakaupo sila sa buhangin at kita ko na ang mata ni Damien na lumipad tungo sa akin. Nakapalit na siya ng damit at hindi ito masyadong umiinom dahil kumpara sa iba ay halos hilo na, its 30 minutes past 10 na din kasi eh.
"Seb, upo ka dito sa tabi ko. Medyo lasing na ang Kuya mo eh," Matt said. Nagdalawang-isip pa ako dahil ramdam na ramdam ko ang titig nung isa pero naupo na lang ako dahil baka magtaka pa si Matt.
"Andami niyo nang nainom ah? Hindi pa ba kayo nahihilo o inaantok?" Usap ko sa mga kaibigan ko.
"Hindi pa masyado, ang aga pa lang naman kasi eh. Oh ito inumin mo na," Clark said at inabot sa akin ang isang bote ng alak at linagok ko naman ang kalahati nito.
We were so focused sa pinag-uusapan namin ng narinig ko ang hagikhik mula sa lamesa nina Kuya kaya napatingin ako rito. Damn, anlalandi nung mga babaeng yon ah. Damien looked so distant sa kanila kaya okay lang sa'kin. Nahuli niya ang tingin ko rito then his lips rose to put up a small smile. Proud ka?
Nagyabang pa. Akala mo naman talaga hindi babaero tsk. Inirapan ko na lang ito bago kumuha ulit ng inumin at sumabay sa kwentuhan. Lumalalim na ang gabi at halos inaantok na ang lahat at nagsisipunta na sa kani-kanilang mga suite. Anim na lang kami dito nina Clark, Jeff, Matt, River at Zoren.
Nang tingnan ko ang table nina Kuya ay halos hilo na sila at si Damien na lang ang nasa normal na wisyo. Nagpaalam na si Zoren na matutulog na kaya umalis na ito at hindi nagtagal ay nagpaalam na din si River at sunod si Matt.
Kaming tatlo na lang nina Clark at Jeff nang biglang iopen up ulit ni Jeff ang tungkol kay Damien. "Spill now on what's the real score between you and that arrogant Damien," Wika nito.
Napabaling naman ng tingin si Clark sa akin na tila walang kaalam-alam dito. "What? Bakit wala akong alam dito, Sebastian?" Sabi na eh ganto reaction niya, daldal kasi nitong si Jeff.
"Honestly, I don't know too. It's just that I think our feelings are mutual?"
"Of course mutual talaga! The way he looks at you, iba. Parang kapag nawala ka lang bigla sa mata niya eh magwawala na," Jeff said.
"Yeah, I saw how fast he swam nang hindi ka na halos namin maaninag sa dagat. I can say it's really something and not friendly at all," Clark said.
Pagkatapos magsalita ni Clark ay bumaling ang tingin niya sa likod ko. And before I could even ask who is he looking at eh nagsalita ito. "Can I excuse Sebastian for a moment?" He asked. Then the two just nodded.
"B-Bakit? Are you drunk?" Sabi ko pampawala ng kaba. "Can we talk, saglit lang and I'm not drunk," He said.
Bago pa kami maglakad eh nagsalita ulit si Clark. "Punta na din kami sa aming mga suite, Seb. Inaantok na din kami. See you tomorrow, Good night," Sabi nito.
"Nighty, Sevii," Sabi naman ni Jeff with matching giggle pa.
Nang makaalis sila ay tumungo muna kami sa table nina Kuya para ihatid at alalayan namin sila papunta sa kani-kanilang kuwarto. Dominic can still manage to walk pero itong tatlo ay gumigewang na. Inalalayan ni Dominic si Grey, kay Dame si Thomas at ako kay Kuya.
BINABASA MO ANG
Mistake of a Heartbeat
RomanceWhat happens when your heart beats erratically? Does that mean you already have a heart condition? Or is it the brain who commanded your heart to feel that way? Is it just a mistake of a heartbeat? But what if it isn't your heart nor brain that make...