Heartbeat 22

49 7 0
                                    

Pagkagising kinabukasan ay kami na lang ni Kuya Achi ang naiwan sa kwarto, tulog pa siya sa kama niya na nasa dulo. Maaga naman sigurong nagising yung iba dahil empty na yung beds nila kaya bumangon na din ako at dumiretso sa banyo.

Naliligo ako nang biglang may kumatok ng pagkalakas-lakas kaya napatigil ako sa paliligo.

"Sino yan?" Tanong ko.

"I need to pee, Sebastian! Open the damn door!" Si Kuya Achi. Nagising na pala.

"Wait, I'll just put on my towel" Pasigaw kong sabi. Nagbanlaw na lang ako ng mabilis at lumabas na.

"Where are they, by the way," Tanong niya bago pumasok.

"I don't know, Kuya. Wala na sila diyan pagkagising ko, eh," Sabi ko at tumango lang siya at pumasok na.

Nagpalit ako ng damit pambahay dahil wala naman ng gagawin ngayong araw. Naalala ko nga pala yung message ni Dame kagabi about sa gift kaya dali-dali kong kinuha yung cellphone ko upang tignan kung may mensahe ulit siya nang biglang bumulaga ang mga pinsan ko papasok ng kwarto namin.

"Ano ba na—" 'Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang bumali sila ng sabay-sabay.

"Merry Christmas!" Chorus nilang sabi.

"Anong pakulo niyo?" Naguguluhan kong tanong.

"Secret! We need to blindfold you muna," Si Ate Chlo na naexcite pa.

Lumabas ata kami ng kwarto pero hindi ko alam kung saan kami pupunta. "Were here!" Bigla nilang sabi. Pagkatanggal sa piring ng mata ko ay kita ko si Damien sa malaking monitor. Alam na nila?! Damn you Damien!

"Hi, how are you, my friend?" Diniin niya pa yung huling sabi niya kaya namumula ako ngayon.

"Friend?" Tanong ni Addison.

"Hindi mo sure," Si Kinsley naman. Habang yung iba ay nakangiti ngunit alam mong may iniisip.

"Okay, labas muna tayo guys. Mag-uusap muna sila, magkaibigan din sila," Si Kuya Nick at nagsialisan na sila. Ang awkward.

Nang makalabas ay nagsalita na siya.

"Is this your gift?"

"Not really. I have a gift pagkauwi ko and I want to explain myself first,"

"First of all, Nadia is a friend of mine here in the US who is a businesswoman and wants to invest in my company. At first ayoko pero it's a 20% worth of stocks and that's a lot," Mahaba niyang lintaya.

Malaki ngang halaga iyon kung sakali and I will support him doon. Na misunderstood ko lang talaga siya.

"Okay. Are you sure?"

"Yes, a 100% sure, baby," Sabi niya. "Wait for my gift when I go home," Dagdag pa niya at tumango na lang ako.

"What is it?" Tanong niya nang mahalata niyang natahimik ako.

"Pano kung hindi ako tanggapin ng pamilya ko, Damien?"

"Pano mo naman nasabi?"

"Look at my cousins, they were stunned when they saw you and the atmosphere was so awkward a while ago." Ramdam ko yung mga galaw nila kanina.

"Maybe they were just shock? But no matter what happens, remember that you have me," Pampalubag loob niyang sabi.

"I know, I know," Sabi ko na lang.

"Damn Sebastian kung ganyan ka ngayon baka mapalipad ako ng wala sa oras diyan sa Pilipinas," Sabi niya.

"No! Ilang araw na lang naman uuwi ka na diba?" Tanong ko.

Mistake of a HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon