Heartbeat 47

22 3 0
                                    


"Hey, where are you going?!" Sigaw niya nang makitang papalapit na ako sa sasakyan ko. Saglit lang ay hinila niya ang kamay ko upang matigil sa paglalakad takbo.

"Tanga ka ba, Damien? Kung ano-anong sinasabi mo. I'm not that desperate to have that lot, so, no thanks. Isaksak mo sa sarili mo yan!"

"Seriously, Sebastian. I want to pursue you by hook or by crook, babe," His eyes were directed to me now. "I bought this lot for you. This is yours, nakapangalan ito sayo," Sabi niya na ikinagulat ko.

"What?! Seriously, Damien?! Talaga bang nahihibang ka na? I will not accept this lot kung ibibigay mo ito, I'd rather buy it with your price!" Kaya ko namang bilhin itong lote na ito pero hindi talaga ito practical na investment. I mean its price goes up as time passes by pero mauubos ang pera ko dito kaya huwag na.

"This lot is not for you. It has its owner the first time we step in here," Sabi niya. Hindi ko ito pinansin at humakbang na papasok ng kotse pero pinigilan na naman ako nito.

"Let me meet your Mom and Dad with your Lola," Sabi niya na ikinatigil ko.

"Why would you meet them?"

"I want to explain myself fully in front of your family. I know they know what is going on between us but chose to be silent. Please, let me explain my side to you and your family," He looks so weak begging.

Maybe my parents knew what was going on but they didn't talk about it. They would let me open up first before letting themselves talk about it.

I just went into my car and drive towards our house. I don't know if he is following me or he went somewhere. Pagtingin ko rear view mirror ng sasakyan ay wala namang nakasunod kaya malay ko kung tototohanin niya ang sinabi niya kanina, well alam naman niya ang bahay namin kung sakaling susunod siya.

Wait there, Damien! At umaasa ka talagang pupunta siya sa bahay niyo?! Kausap ko sa sarili kong parang tanga. Bumalik ako sa wisyo nang may bumusinang bigla. Naka green na pala yung ilaw ng traffic light at nakatunganga pa ako rito.

Hindi ko alam kung saan dumiretso si Lola kung sa bahay ba, sa resort or sa kung kaninong bahay ng mga tito at tita ko. Nagtungo na lang ako sa bahay namin kaysa magpunta sa resort kung saan paniguradong maraming tao at mga turista, baka makilala pa nila ako.

Nang madaanan ko ang farm namin ay may mga tao pa kahit gabi na. Siguro nag-aayos pa ng mga ginamit nila kaninang umaga sa pagsasaka. Nadagdagan na rin ang mga produkto namin dahil nagexpand ang farm at nagkaroon na rin ng factory at warehouse kung saan ginagawa at tinatambak ang mga ito.

Pagdating ko pa lang sa bungad ng bahay ay bukas ata lahat ng ilaw at pati yung fountain sa gitna ay nakabukas rin. Pinagbuksan naman ako ng aming guard ng gate at sumaludo pa nga si kuya. Nang makarating ako sa harap ng bahay ay nakaparada ang isang magarang kotse. Rolce Royce ata ito! At sino naman ang bisita nina Mom at Dad sa oras na ito at talagang big time ata.

Lumabas si Manang at nagulat nang makita ako. Kung sabagay ay wala naman akong pasabi na uuwi ako, hay nako, Sebastian! "Naimbag nga rabii, Manang! Addaak pay!"(Magandang gabi, Manang! Dumating po ako!)

"Naimbag nga rabii, nakkong! Bakit hindi ka ata nagsabi na uuwi? Hindi rin alam nina Mommy at Daddy mo." Sabi ni Manang.

"Hindi ko na po nasabi at napauwi ako ng biglaan. Pero sa tingin ko ay alam na po nila at sinabi na nina Kuya Achi." Tumango naman si manang at tinanong kung may dala raw ba akong bagahe pero wala akong dala kasi nga tumakas lang ako. May mga gamit naman ako doon sa kwarto.

Pumasok na kami ni Manang at saktong kumakain ang aking pamilya ng hapunan at medyo nagulat pa ako nang nandito si Lola sa bahay!

"Oh! Hi there my apo, Sebastian! Come here. I missed you so much," Ang maarteng sabi ng lola ko. Mabait ang lola ko pero maarte siyang gumalaw at magastos in short high maintenance siya. "I missed you too, lola," Sagot ko pabalik at nagmano't humalik dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mistake of a HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon