Isa-isa na kaming nagbiyahe tungo sa resort namin. Nahuli naman kaming magpipinsan dahil may mga sari-sarili pang ginagawa.
"Mauna na kami. Sunod na lang kayo, make sure the door is lock," Sabi ni Dad at nagsitanguan naman kami.
Sina manang ay naka day-off kaya walang maiiwan dito sa bahay. Malapit lang naman ang kanilang mga bahay mula dito, halos nasa paligid lang ng farm ang mga bahay nila kaya convenient lang ang trabaho nila dahil hindi malayo sa kanilang pamilya.
"Sebastian?" Katok ni Kuya nang pumasok ako kanina sa kwarto para kuhanin ang mga gamit ko.
"Let's go," Kuya said at lumabas din agad. I'm still waiting for Dame's message or any updates from him. It's almost 24 hours since his last chat.
Palabas na ako ng kwarto nang tumunog ang phone ko, meaning there's a notification. Binuksan ko ito at nakita ang mensahe ni Damien.
From: Damien Harrison Juarez
I'm sorry for the late notif. My phone got drained at kakacharge ko lang. Halos kararating lang namin dito sa bahay. How are you doing?
Na-drain lang pala ang phone niya. For sure pagod ito dahil sa biyahe.
To: Damien Harrison Juarez
I'm fine. We're going to the resort, doon kami magno-noche Buena. I know you're tired, get some rest and we'll talk later.
From: Damien Harrison Juarez
Sure, baby. I'll call you later. I love you.
'Yan ang huli niyang chat at hindi ni-heart ko nalang. Nangangalaiti na sina Kuya sa baba kakahintay sa'kin eh.
"Napaka-tagal mo, Sebastian. Parang babae gumalaw amp," Pambungad na sabi ni Kuya pagkababa ko.
"Bakit ba kasi nagmamadali, Kuya?" Tanong ko.
"Aba, akala siguro may maispot na maganda sa resort. Remember, tayo lang ang tao doon ngayon," Pambabara ni Ate Chlo.
"Sinasabi mo, Chlo?" Si Kuya na naiiling at natatawa.
"Boys are so transparent talaga, tsk," Dagdag pa ni Ate.
Bumiyahe na kami tungo sa resort. Dala ko ang Mazda ko at yung iba naman ay sumakay sa Raptor ni Kuya.
"Buksan mo nga stereo, Kuya Seb," Si Addi.
"Huwag na nga, Madison," Si Giddy at kinumpleto pa nga ang pangalan niya kaya binatukan ni Addi.
"Akala mo maganda pangalan mo, Jake Gideon? Tapos Giddy nickname parang nahihilo," Sumbat naman ni Addi.
"Pagbigyan mo na, Giddy," Sabi ko at binuksan ang radio ng sasakyan.
"Isa sa mataas na lider ng sindikato ang kumpirmadong nahuli sa may bandang Quezon City kahapon," Sabi nung balita sa radyo. Bakit may balita sa oras na ito? Napakapangit naman.
"Mag Bluetooth na lang kayo. Addi, connect your iPhone," Sabi ko at niconnect nga niya.
Maganda naman ang mga pinatugtog niya at vibe naming lahat. Medyo boyish itong si Addi at nakapixie cut and buhok kaya ang astig niya at napakaganda.
"Oh, my heart hurts so good I love you, babe, so bad, so bad, oh"
Pagsabay namin sa kanta ng LANY
Nang makarating kami sa resort ay sina Tito pa ang nagbukas ng gate para sa'min. Nakakahiya dahil nakalimutan naming kami lang ang nasa resort at nakaday-off lahat ng nagtatrabaho dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/285032641-288-k57300.jpg)
BINABASA MO ANG
Mistake of a Heartbeat
RomanceWhat happens when your heart beats erratically? Does that mean you already have a heart condition? Or is it the brain who commanded your heart to feel that way? Is it just a mistake of a heartbeat? But what if it isn't your heart nor brain that make...