It's the New Year's eve and we are already preparing the foods and other stuff needed for the celebration later. Also, we will be going back to Manila tomorrow after lunch because we need to go back to school.
Ate Chloe will be going back to France after vacation, Addi will be staying in Davao, Kinsley will be in Cebu, Gideon and Everett will stay in Pampanga, kami ni Kuya Nick ay babalik ng Manila at si Kuya Achi ay maiiwan dito sa probinsya dahil tapos na siya sa pag- aaral at may nasimulan ng negosyo at sisimulan pa lang dito mismo sa La Vistancia.
"Sebastian, kunin mo nga yung ibang pagkain na idedeliver sa may gate. " Ani mommy.
"Sige po."
Naglakad na ako patungong gate upang kunin ang mga orders na pagkain nila mama Pagdating ko sa may gate ay napakadami pala nitong nakabilao. Tsk, napakadami naman nito. Anong akala sakin ni Mom, Octopus?
"Sir, kaya niyo po bang buhatin lahat?" Tanong nung delivery boy.
"A-ah baka hindi po. Pwede po pasuyo na lang yung iba?"
"Sure po." Aniya. Kailangan pang sabihin bago tumulong.
Yung mga pinsan ko kasi naatasan na mag grocery kasi may nakalimutang bilhin sina Manang na ngayo'y naka day off na. Konti lang naman ang bibilhin nila pero antagal nilang dumating.
"Salamat po," Sabi ko sa rider bago umalis.
Napakadami na naman nitong handa namin. Feeling ko hindi namin mauubos. Siguro kung hindi man maubos eh ishare na lang din namin sa mga naka check in na guests dito sa resort. Hindi na kasi namin ni limit ang guests kaya madami sila ngayon dito.
"Anak, punta ka sa control room at ibroadcast mo na we will have a party dito and all the guests are invited. Okay?"
"Okay po, Dad."
Kaya pala sa gitna ng resort sila naghahanda kasi lahat pala ng guest kasali din. Pagkatapos kong mag-announce sa control room ay bumalik na ako sa venue para tumulong sa pag-aayos dahil nga konti lang ang empleyado namin ngayon dahil nga nakabakasyon ang iba. Yung nakatira lang sa malapit ang nakaduty ngayon.
Biglang nag-ring ang phone at tinignan ko kung sino, si Everett lang pala.
"Hello?"
"Pakitanong nga si Tita kung okay lang bumili kami ng mga paputok," Sabi niya sa kabilang linya na natatawa.
"Mom, bibili daw sila ng paputok. Okay lang daw ba?" Kausap ko kay Mommy.
"Okay lang pero huwag yung malalakas masyado baka maputukan kayo." Tumango na lang ako.
"Okay daw pero yung hindi daw malakas masyado!" Sigaw ko para sure na marinig niya dahil medyo maingay background niya.
"Sige! Pauwi na din kami!" Sigaw niya sa excitement.
Nagsimula nang magdatingan ang mga guests sa venue kaya mas lalong umingay at naging busy ang lugar. Nagpacater kami ng foods at yung mga dineliver kanina ay nakabilao na chicken, pasta at iba ipa.
Tumayo si Dad sa may harap upang tipunin ang mga tao at mag announce ng kung ano.
"Good evening, everyone! Thank you for joining us here in our resort and as a celebration for the coming New Year we invite you to enjoy the night with us and may we all have a great things to come this year! Happy New Year!" Si Dad at nagpalakpakan ang lahat.
Nang dumating ang lahat pati na ang mga pinsan ko ay nagdinner na kami sa grounds at iba pa yung ihahanda mamaya pagsapit mismo ng bagong taon kaya pala madami ang handa kanina kung saan nagtaka pa ako.
BINABASA MO ANG
Mistake of a Heartbeat
Storie d'amoreWhat happens when your heart beats erratically? Does that mean you already have a heart condition? Or is it the brain who commanded your heart to feel that way? Is it just a mistake of a heartbeat? But what if it isn't your heart nor brain that make...