Official meet-up
Kinabukasan, pagkatapos kumain ng tanghalian eh naghanda na kami ni Kuya Nick sa pagbyahe papuntang Maynila. The bags I packed last night were already in the sala ready to be transferred into Kuya Nick's Raptor.
"Seb, alalahanin mo na kung may nakalimutan ka." Kuya said. "I think nasa bag ko na lahat Kuya. Pero kung may makalimutan man ako eh di balikan na lang," sabi ko. Nabatukan tuloy ako ng wala sa oras.
I brought LV trolley luggage, LV duffle bag and my Supreme backpack. Medyo madami ang naiuwi ko galing Maynila dahil nga umalis na ako sa apartment ko at kay Kuya Nick na titira. By the way, I didn't bought my bags with my own money. I don't want to spend large amount in luxury items, kung meron man, rare lang. Its either someone gave it to me as a gift or my parents just want to buy me one.
Kuya Nick carried my bags papuntang trunk ng kanyang sasakyan at bumalik upang sabay na kaming magpaalam kina Mom, Dad, Zach and Talia.
"Bye Mom, Dad, Zach and Talia." I hugged and kissed Mom and Dad then my lovies Zach and Talia. Kuya Nick also bid his goodbyes then hugged them too.
"Ingat mga anak. Call us kapag nakadating na kayo sa condo, okay?" si Mommy. "Nick, look after your cousin, ah?"
"Yes po tita at tatawag kami agad pagkadating." Si Kuya Nick. I just nodded.
Sumakay na kami sa sasakyan ni Kuya. Ako ang nagmaneho ng sasakyan dahil inaantok daw siya. Pumunta kasi ito sa may farm at nag-inuman ata sila ng mga trabahador kasama si Matt na dati pala nitong kaklase. Kaya heto at matutulog na daw habang ako ang nagmamaneho.
Mula dito sa aming probinsya patungong Maynila ay nasa mga humigit kumulang anim o pitong oras ang biyahe kaya medyo mahaba-haba din ito. Sa kalagitnaan ng biyahe, Kuya Nick woke up dahil naiihi na daw kaya we had our first stop sa isang gasoline station. Buti na lang may convenience store sila kaya bumili muna ako ng mga chichirya, drinks, chicken pops at mints.
Sakto at napagpasiyahan ni Kuya na siya na daw ang magdrive upang makapagpahinga naman daw ako. Buti naman at naisipan niya. Kaya sakto ang pagbili ko ng mga pagkain kasi makakakain talaga ako ng maayos.
Pagkatapos kumain ay umidlip muna ako dahil nasa dalawa hanggang tatlong oras pa ang biyahe namin bago makarating sa Maynila. Alas dose nang umalis kami sa bahay at 2:30 na ngayon. Medyo mabilis ang patakbo ko kanina dahil kailangan pa naming sumaglit sa grocery kasi ubos ang stocks sa condo.
Nagising ako dahil sa biglaang pagpreno ni Kuya. "Kuya! Dahan-dahan naman!" halos pasigaw kong sabi dahil sa halos sumubsob ako sa dashboard kahit na nakaseatbelt pa.
"Bigla kasing umandar yung sasakyan eh naka red na yung ilaw nila, tayo ang nakagreen kaya tayo ang go!" naiinis din niyang turan sa'kin dahil sa drayber ng sasakyan na iyon. Nandito na kami sa Maynila kaya madami na ang mga sasakyan at yung iba ay mga reckless pa. Nag-drive si kuya patungong SM para mamili saglit ng stocks sa bahay.
Pagkadating namin sa supermarket, nagulat ako sa dami ng nilalagay ni Kuya sa cart namin. Naglagay ito ng napakadaming chichirya, canned goods, frozen foods, pulutan at mga alak. "Kuya bakit andami ata niyang kinukuha mo?" napatawa naman siya konti sa tanong ko. "Para yan sa mga inuman sessions sa condo, Seb." Aniya.
"Mamayang alas nuwebe o alas diyes pala pupunta mga kaibigan ko para mamasyal lang." Mga kaibigan daw niya eh. Well di ko pa naman sila nakikita lahat except kina Kuya Thomas at Damien siguro. "Ilan ba sila Kuya? Mag-aayos pa tayo sa condo di ba?"
"Apat sila at naayos na ang condo. Pinalinisan ko ito ng buo pati na ang magiging kwarto mo. Iayos mo na lang mga gamit mo pagkauwi natin." Tumango na lang ako bilang pag sang-ayon dito. "Papakilala muna kita sa kanila nang hindi ka mahiya. They're actually a good influence Seb, hindi sila basagulero at kung ano-ano pa. Matalino at mayayaman din sila." Lintaya niya.
BINABASA MO ANG
Mistake of a Heartbeat
RomansaWhat happens when your heart beats erratically? Does that mean you already have a heart condition? Or is it the brain who commanded your heart to feel that way? Is it just a mistake of a heartbeat? But what if it isn't your heart nor brain that make...