Heartbeat 29

47 8 14
                                    

Dahil kailangang may kasama si Chrystian dito ay pinakiusapan ko na lang si Clark na kunwari sa kanya ako tutuloy ng ilang araw, buti na lang at kinagat naman niya ang rason ko.

"Sebastian, kailangan ko talagang umalis kahit ngayon lang oh," Pagmamakaawa niya.

"Hindi pwede, magstay ka muna ng dalawang araw bago ka makalabas ng bahay."

"Okay na ako. Mas malala pa nangyayari sakin noon eh kaya ko naman," Aniya.

"Saan ka ba pupunta? I can go for you." Kita ko naman ang pagdilim ng mukha niya sa sinabi ko.

"For real? Sa tingin mo ipapahamak kita, Sebastian? Hindi nga natin alam kung may nakasunod na sa'tin diyan." May point nga naman siya.

"Kaya ko ang sarili ko. Natrain ako nung bata ng self-defense," Sagot ko dito.

Biglang naring yung telepono niya kaya sinagot niya ito.

"Hindi ang sindikato ang humahabol satin ngayon, Chrys," Sabi nung lalaki sa kabilang linya. Nakaloud speaker kasi ito.

"Anong ibig mong sabihin? Belinda Salvador?"

"Oo siya nga. Kasama din niya ang pamilya niya at ang kamay at paa nila ngayon ay ang pamangkin nila," Anito.

"Sino?"

"Damien Salvador Juarez ata ang pangalan. It's not yet confirmed though," Sabi niya at tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Damien? As in Damien? Oh, God.

"Did you check his background?"

"He is a businessman, a young tycoon and an engineer."

"How about his men? Meron ba?" Ani Chrystian. "He is a friend of Isaiah Montemayor which is his right hand. A PMA graduate and a graduating law student. He has the best troops when it comes to security."

"Where can we get backups?"

"I asked a group and they are willing too. Kilala sila ng isang member natin."

"Okay, that's good. Do you think it's safe for Sebastian to go into the event for me?"

"As of the moment, Yes. Nasa iba ang focus nila ngayon dahil nagalusan ka na nila."

"He'll go to the meeting tomorrow, then."

"Sure," Ani sa kabilang linya at pinatay ang tawag.

"You can substitute for me tomorrow, Seb. Pinagbigyan na kita. Ngayon lang," Ani Chrystian.

"Okay."

"By the way, Damien Juarez is my partner." Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

"You mean?..." Aniya at tumango ako. "What will you do now?" Dagdag niya.

"It means that no one can touch me if he's the boss," Maangas kong sabi. "You can't be so sure, Sebastian!"

"This is final. Since it is not yet confirmed, I will act as you and if someone kidnaps me but let me go after, then its confirmed."

"Too dangerous with that experiment, Seb. I can't let you do that," Matigas nitong sabi.

"Let's see. Ako ang bahala," Sabi ko. Kita ang pagtutol nito sa mukha pero wala siyang magagawa.

Kinaumagahan ay naghanda na ako sa binabalak ko at sa pupuntahan kong meeting na dapat siya ang humarap.

Ginaya ko ang porma niya at inayos konti ang galaw.

"Tutol ako sa ginagawa mo, Seb. It's too risky!" Aniya bago ako umalis.

"Trust me on this. Please?" Ayaw man niya ay pinilit na lang nitong tumango.

Mistake of a HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon