Prologue; The Experiment

715 16 1
                                    


--1487--

Third Person's P.O.V

Tinaas ni Dr.Renfield and babasagin na parihaba gamit ang kamay niya, hinalo-halo niya ito at tila tuwang-tuwa sa nakikita niya.

"Nakikita mo ba 'to, Julio?" Nakangiti siyang tumingin sa assistant niyang si Julio at bumalik ulit ang tingin niya sa hinahawakang babasagin na may lamang venom.

Itong venom ay ang experiment niyang tumagal ng halos limang taon bago pa niya ito magawa at kung iisipin ay sa loob ng isang taon na iyon ay nakabuo lamang siya ng 5 patak na kasiya lamang sa isang mortal na tao. Venom na magbibigay ng kapangyarihan sa ordinaryong tao, venom na magbibigay ng pambihirang lakas sa isang mortal. Isang venom na kapag nakapasok sa loob ng katawan ng tao ay wala ng atrasan at wala rin namang antedote.

Tumango naman si Julio na nakatayo lamang sa madilim na parte ng labaratory ni Dr.Renfield, "Opo, master."

Tiningnan ni Dr.Renfield ang bilog na buwan na kulay pula sa labas ng bintana. Tamang panahon na para ilagay ang venom sa realidad ng mundo. Panahon nang magising ang tao na siya ang karapatdapat na maging sunod na tagapaghawak ng mundo dahil sa experimento niyang sa tingin niya ay halos wala ng kapantay.

Pagsikat ng buwan sa kaitaasan nito, sabay na ituturok ang venom sa katawan ng isang walang malay na babae na nakahiga sa experimental bed ni Dr.Renfield. Siya ang magiging maswerteng nilalang na unang makakatikim ng venom sa mga ugat niya.

Alas dose ng gabi, eksakto, tinurok na ni Renfield ang pulang likido mula sa babasaging hawak niya kanina. Tumawa ulit ito ng tila pamisteryoso.

Halos nakakapangtaas balahibo ang tawa niya, "Julio! Dito ka sa tabi ko, iho, at tingnan mo ang experimento ng pinakamagaling na scientist dito sa mundo!" Aniya kay Julio. Nanginginig si Julio sa takot sa doktor, hindi naman ganito si Dr.Renfield noon at hindi niya pinangarap kailanman na magiging ganito si Dr.Renfield sa experimento niya.

Ngunit ganoon pa man ay dumako siya sa tabi nito at tiningnan ang kaawa-awang babae na nakahiga habang nakaturok pa rin sa kaniya ang panturok na may lamang venom.

Kaawa-awang nilalang. Isip ni Julio.

Tinanggal na ni Dr.Renfield ang panturok mula sa katawan ng babae. Una ay unti-unting pumuputla ang balat ng dalaga. Nakangisi si Dr.Renfield habang pinapanood niya ito. Maganda ang kanyang nakikita, kasama ito sa mga syntomas ng venom. Sa hindi inaasahan ay lumutang ang babae sa ere. Nanlaki ang mga mata ni Julio sa nakikita habang ang kanyang master naman ay humahagalpak na may halong yabang.

Sa isang segundo ay bumukas ang mga mata ng babae at nangibabaw ang nagpupulahang mata nito at humarap sa direksiyon ni Dr.Renfield.

Ngumisi si Dr.Renfield sa kanya, "Ako ang iyong creator, ako ang iyong tagapamuno! Ako ang nagdala sa iyo sa mundong ito." Pakilala naman ni Dr.Renfield sa dalaga.

Sa unang pagkakataon ay ngumisi ang dalaga sa doktor na nasa harap niya at pinakita ang matutulis niyang pangil.

"Wala akong pinuno. Wala akong tagapagdikta. At mas lalong wala akong tagapagsalaysay," Ani ng dalaga. Nakakapagtaas-balahibo ang mga salita nito sabay pa ng seryosong wika nito.

Tumingin ang dalaga sa pulang buwan at ngumiti atsaka naman tumingin ulit sa doktor, "Feed me!" halos nagwawalang sabi ng babae habang tumitirik ang mata nito.

Nanlaki ang mga mata nina Julio at Dr.Renfield at bakas sa mukha ng doktor na hindi ito ang ninais niyang mangyari. Ngunit gayon pa man ay tumayo siya sa harap ng dalaga at tumingin ng diretso sa kaniya.

"Hindi maaari! Hindi kita papakainin hangga't mayroon akong utos! Ako ang iyong pinuno at ako ang pakikinggan mo! Ako ang gumawa sa'yo! Ako ang nagbigay sa'yo ng kapangyarihan!"

Tumawa lamang ang babae sa sagot ng doktor. Tumingin siya dito ng nakakatakot. Tumaas ang mga balahibo nina Dr.Renfield at ni Julio. Humangin bigla ng malakas at sa isang iglap lamang ay nasa harapan na nila ang dalaga, hawak hawak ang kweliyo ni Dr.Renfield. Ngumisi ito sa kanya at inilapit ang mukha sa leeg ni Dr.Renfield.

"Katapusan mo na," kakilakilabot na bulong ng dalaga. Sumigaw si Dr.Renfield sa sakit ng baon ng pangil ng dalaga sa leeg niya, pakiramdam niya'y tila siya'y nanghihina, namumutla. Sinipsip ng dalaga ang dugo ni Dr.Renfield hangga't sa tingin niya ay naubos na ito at ibinagsak na lamang niya ang walang buhay na bangkay ng doktor sa malamig na lupa.

Sa nakita ni Julio ay agad siyang tumakbo papalayo ngunit sa bilis ng dalaga ay hindi na niya namalayang nasa harapan na niya ito. Sumigaw siya ng tulong ngunit nahagip na ng halimaw ang kanyang kweliyo at gaya ng ginawa nito kay Dr.Renfield ay ibinaon rin niya ang pangil niya sa leeg ng binata at sinipsip ang dugo nito.

"Tulong..." sabi pa ng binata, ito na ang huling salita na lumabas sa bibig nito bago pa siya mawalan ng malay.

Tumayo ang dalaga sa kamang hinihigaan niya kanina at tumawa ng malamig habang sinasalimpad ng malakas na hangin ang buhok niyang nagkaroon ng pulang tinta dahil sa proseso kanina.

"Ako si Augusta Walker, ang nilalang na sisira sa sangkatauhan!" Sigaw niya sa kawalan habang lumipad siya papalayo sa pinagmulan niya,ang labaratory ni Dr.Renfield....

Augusta WalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon