Chapter 34; The Moton

86 5 4
                                    

Moton's P.O.V


Lumabas ako na nasa energy form papalabas ng opisina ng presidente ng mga bampira. Kasalukuyan ay nasa form ako ng isang bolang apoy.


Natutuwa ako dahil mapapasakamay 'ko na ngayon ang malakas na bampira na tinatago sa akin dati ng presidente nila. Augusta Walker.


Noong narinig 'ko ang istorya niya ay naengganyo kaagad ako at ninais 'ko siyang hanapin. Nung nabalitaan 'ko na nasa pamamahay siya ni Theodore ay napatigil ako sa paghahanap at napagpasya na mag-isip muna ng magandang plano.

Nakaisip ako ng isa, ngunit iyon ay para lamang may mata ako sa kaniya. Ngunit kahit 'yon ay pumalpak pa dahil lagi siyang naglalaho na lamang.


Ang akala siguro ni Villancini ay paglalaruan 'ko lamang ang kaniyang tao. Nakakatawa dahil kahit 'yon ay hindi 'ko kayang gawin. Dahil na-restraint ako ng aming reyna.


Kakaunti lamang kaming mga Motonogy sa mundo ngunit kailangan namin ng leader, ang reyna. At ipinatapon niya ako dito sa lungga ng mga bampira at oso na parang preso na para sa'kin. Hindi ako pwedeng makabalik ayon sa kaniya, kung babalik man ako ay dapat 'ko siyang patayin.


Pero mahirap patayin ang isang Motonogy. Much more sa aming reyna. Ang oras lamang na pwede siyang patayin ay kung naka-human form na. Ngunit minsan lamang 'yon nangyayari; tuwing may ineexecute siya ng kanya, nags-speech siya, at kung may pinapatapon siya sa presinto na tulad ng gubat. Kagaya 'ko.


Pero minsan lang siya pumatay ng kanya, maaaring maka-isang speech lang siya sa loob ng dalawang taon, at dahil kakaunti lamang kami ay halos nabibilang ng tatlong daliri 'ko ang napatapon niya sa presinto sa loob ng isang milyong taon. At kasama na ako sa tatlong 'yon. Isang milyon.



Nakaka-frustrate. Gusto 'ko na bumalik sa mundo namin, at pinapahirapan ako ng pesteng reyna namin. Mabait lang siya sa mga inosente pero 'yung mga inosente na napagbintangan lang, napakalupit niya.




"Gusto mo pumunta, alam 'ko."


Tumigil ako sa paglilibot at naghuman form. Sumilip ako at nakita ang isang red-haired girl na nakatalikod, kinakausap niya ang isang lalaki na walang t-shirt. Mukhang naiirita na 'yung lalaki.


"Ano ba? 'Wag ako ang inisin mo," sabi nung lalaki. "Ayoko pumunta dun."


"Last night na niya kaya bakit hindi?" Asar pa nung babaeng nakatalikod.


Napangisi ako. Ito na siya. Ito si Augusta. Tumayo lamang ako at nakinig.


"Ewan 'ko sa'yo - "


"Ah," she cut him off. "Because you already went. Didn't you, Wren?"



Nagseryoso 'yung mukha nung lalaki at tumigil sa kanyang pagtratrabaho. Tumawa 'yung babae. "I read your mind, Wren. Hindi naman siguro plastik 'yang utak mo, diba?"




"Sinong may sabing hindi plastik ang utak 'ko? Mali ang nabasa mo," sabi nung lalaki. Parang nanginginig na siya at gusto na niyang magshape-shift. Oso siya, halata na sa get up niya.



"Mali nga ba, Wren? Bakit pati ngayon, guilt 'yang iniisip mo?"


"Tss. Oo na!" Sigaw na bulong ng lalaki kay Augusta. "Nagpunta ako kahapon, masaya ka na? Pinunta 'ko lang dun si Raven."


"Raven. Who is he?"



"Bakit 'ko sasabihin sa'yo?" Singhal ng lalaki.


Augusta WalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon