Chapter 9;Start Of Something New

173 9 2
                                    

Augusta's P.O.V

May katok sa pinto sa kwarto 'ko habang nakatingin ako sa balcony,nagpapahangin.Hindi 'ko na lang pinansin.Baka naman napadaan lang at napagtripan yung pinto.

Pero,halata naman na si Theo 'yan sa katok pa lang.Kami lang naman ang bampira sa mansiyon.Psh.

Bumukas ang pinto sa likuran 'ko at lumapit siya sa'kin sa balcony.Tumingin siya sa magandang tanawin.Green.This place has a green world. "Ang ganda 'no?Ang sarap ng simoy ng hangin dito." Carefree naman niyang sabi.For the moment,parang wala siya sa sarili niya.

Base on his thoughts,gusto lang niya'ng magpahinga sa mga gawain at problema.At dahil wala siya sa sarili niya,fair lang na wala rin ako dapat sa sarili 'ko.

I know he wants to see the soft side of me.I smiled at the view. "Tama ka,ang sarap nga pala ng simoy ng hangin dito.Sa kinatagal-tagal 'ko na'ng nawalay sa bansa'ng 'to,nakalimutan 'ko na halos lahat."

Bakas ang gulat sa mukha niya na'ng nakita niya ako'ng ngumiti.Binigyan 'ko siya ng blanko'ng ekspresiyon."Ano ba,Theo?Akala 'ko ba gusto mo lang mahiwalay muna sa mga problema?" Tumawa ako na mas lalo'ng ikinagulat niya. "Wala ka sa sarili mo ngayon kaya fair lang na dapat wala rin ako." Tumingin na ulit ako sa mga puno na nagkakaroon na ng mirinda'ng tinta.Pataas na ang araw.

Narinig 'ko naman ang tawa ni Theo sa tabihan 'ko,nakita 'ko sa periphery ko na tumango siya. "Tama.Gusto 'ko wala muna ako sa sarili 'ko ngayon.Hindi muna ako si Theodore Villancini ng Vampire Government,ako muna ang normal na tao na simple'ng tinitingnan ang pagtaas ng araw sa mansiyon niya."

Ngumiti na rin lang ako ulit sa araw na pasimple'ng nataas. "At ako naman ang simple'ng tao na tumitingala sa araw habang nataas."

Sinuntok ako ng mahina ni Theo sa braso at tiningnan 'ko lang siya ng masama."Parehas lang naman ang sinabi natin,pinahaba mo pa." Tapos tumingin na rin lang siya sa araw.

Huminga ako ng malalim bago bumwelo.Naging Augusta Walker na agad ako."Excuse me?Sino kaya diyan ang nagspeech tungkol sa simpleng tao at mansiyon niya?" Pampaparinig 'ko naman.

Sumimangot lang siya at sinuntok ulit ako ng mahina sa braso bago dumungaw sa balcony sa baba.Naganahan na ako bigla at parang pumasok na ulit ako sa mundo ng mga mortal."Alam mo?" Kalmado 'kong sambit."Kung ganiyan ang normal mo?Mas gusto 'ko pa'ng maging werewolf."

Napatingin siya sa'kin sa gulat."Bakit naman?"

"Wala lang.Yung mahina mo'ng mga suntok?Nakakainis.Kaya ang sarap mo'ng itorture."

"Pupugutan mo 'ko ng ulo?"

Tiningnan ko siya ng blanko."Hindi.Ng braso.Pupugutan kita ng braso." Sarkastiko 'ko nama'ng sambit.

Tumingin lang siya sa kabilang direksiyon ng naiinis.Nainsulto nanaman 'to.Psh.Malamang ulo ang pupugutin,mapupugot pa ba ang braso?

"Sige na,werewolf ka na kung gusto mo." Pagsuko niyang sabi.

"Fine.Itotorture lang naman kita sa amoy ng aso." Ani ko.

Tumingin siya sa'kin ng nakangiti."Kung oso ka,at bampira ako,at inaya kitang..." Tumigil muna siya. "...maging kaibigan 'ko kahit bawal,papayag 'ka?"

Sariwa ang tanong niya."Bakit hindi?" Sabi 'ko na lang.Hindi 'ko naman talaga sila naaamoy.I'm not aware of their wolf presence.

"Bakit naman?"

"Ewan 'ko.Nagtanong 'ka kaya kung pwede." Ani 'ko.

Ngumiti lang siya.Ngumisi na ako.

"Tapos papatayin kita." Pinagpatuloy 'ko pa at sinabayan 'ko ng tawa.

Augusta WalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon