Chapter 29; A Battle

56 4 1
                                    

Matagal na akong namuhay sa mundong ito ngunit sa lahat ng mga pinakamasakit na ekspresiyon na nakita 'ko ay 'yung kay Rye 'yung pinakamalala. He really looked betrayed.



He was quiet for a moment, sank back on his seat and became emotionless. "Take me there."


"Ayokong masangkot sa gulo niyo. Huwag na."

Business nila 'yun kaya bakit isasama pa niya ako? Teka, dahil ba gusto pa rin niyang patunayan na ako nga 'yung experiment? Para may in-your-face moment siya pagdating dun? Tsk. Ayoko nga.



"Ikaw 'yung nasa manubela kaya mag-drive ka na. Hindi kita sinasangkot sa gulo. Psh," he rolled his eyes.



I blinked. Nakakabwisit talaga 'tong mga oso na 'to, e.

"Bahala ka sa buhay mo." Hinawakan 'ko 'yung handle ng pintuan ng nagsalita siya.


"Baliw ka ba? Kung lalabas ka, edi mahihilo ka nanaman?" Singit niya. Good point. Bumuntong hininga ako.

Inistart ko na 'yung kotse at pinaulanan siya ng irap. Nakakabwisit, eh. Uutos-utusan niya ako ng ganito? Ano ako? Kasambahay niya? Inikot ko 'yung kotse at bumalik doon sa bangkay ni manong.

"Itigil mo diyan," sabi niya. Umirap ako pero itinigil 'ko rin naman 'yung kotse. Bumaba siya. Ako naman, dumito na lang. Sabi ko nga sa kaniya, ayokong masangkot sa pesteng gulo nila. Bahala sila magpatayan dun sa lugar nila basta ako tahimik lang dito. Pero dahil makulit 'yung nilalang na tinatawag na Rye ay binuksan pa ang pintuan 'ko.


"Bumaba ka," utos niya.



"As if susundin kita?" Mataray 'kong sabi sa kaniya. In the first place, bakit ko ba siya sinusunod? Tsk. Laya na ako kay Theodore pero ngayon, ito naman? "Baka gusto mong tapusin 'ko na lang 'yang problema mo at papatayin na lang kita?"




"Ang pangit mo naman mag-suggest," sabi niya. "Bilis na. Lalabas na nga lang."



I rolled my eyes again. Lumabas na ako ng sasakyan. Tinuro naman niya 'yung bangkay ni manong sa di kalayuan. "Sinong gumawa nun?"



Tumaas ng kusa 'yung kilay 'ko. "Ako. May problema ba?"


Umiling lang siya. "Sundan mo 'ko," sabi niya at tinalikuran ako para maglakad. Mas nauna siya dahil alam niya 'yung daanan pero ang hindi niya alam, kabisado 'ko na ang gubat na 'to. Napapadaan nga ako rito, e. Tumakbo ako ng mabilis at iniwan siya. Psh. Wala akong balak sundan siya.



Nakarating na ako sa maliit nilang bahay na ginagamit sa pag-titipon. Sumandal lang ako sa dingding habang pinakikinggan ang paguusap ng mga kasamahan ni Rye sa loob. They were having fun.



Narinig 'ko na ang yabag ng paa ni Rye kaya tumingala ako. He looked really angry. He took me by the arm at hinila ako papasok ng warehouse nila. I saw everyone. Uminit ang ulo 'ko dahil nakita 'ko 'yung Wren at 'yung Sid. 'Yung iba naman, amazed 'yung itsura.


"Augusta Walker." Sabi ni Rye. Ngumiti siya. "Guys, hindi ako aalis ng pack." Tumawa siya pero nagseryoso rin naman agad. "You know, it's too bad. Just too bad."



"Too bad na ano, brad?" Tanong nung isa ng nagtataka. He can win the best acting skills on earth. He really looks clueless. Tumayo siya at ngumiti. "Congrats nga pala. You're not leaving the pack!"



"Oo nga, brad," ani nung Wren. Tsk. Nakakainis pa rin talaga ang pagmumukha niya. "Ayos 'yan."




"Yes naman!" Sabi pa nung isa. "Clyde, ano na ba ngayon ang gagawin mo? Nakuha na niya?"



Augusta WalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon