Chapter 3; The Segregated land

223 13 2
                                    

Third Person's P.O.V


Naglakad lakad ang dalagang bampira pabalik balik sa iisa lamang direksiyon sa kagubatan na tinuring na niyang personal na "bahay" at tila gulong-gulo ang ekspresiyon ng mukha niya.

Ikalawa na ng Marso at hindi pa rin siya nakakapagdesisyon. Ano nga ba ang pagdedesisiyunan? Isip ng bampira sa sarili. Malalim ang iniisip niya at hindi mawari ang kaguluhan na nangyayari sa utak niya.

Umupo siya sa isang tabi sa ilalim ng puno. Tanong siya ng tanong sa sarili niya. Babalik ba talaga ako sa lugar na kung saan naging ganito ako ngayon? Na kung saan naglaho ang buong buhay 'ko?

Napailing na lamang siya at napatingin sa malayo. Bakit nga ba gumagambala ang mga sinabi ni Theodore sa kaniya kahapon? Na dapat maghanda dahil sa natanaw nilang vision? Sa normal na araw, dapat ay nagpapakasaya lamang siya ngayon at binabalewala ang vision na nakita niya ngunit dahil sa mga salita kahapon ng binatang bampira ay parang nasuntok siya sa realidad. Hindi dapat siya nagpapakasaya at hindi dapat siya magpabaya dahil ngayo'ng sangkot na dito ang binatang bampira ay dapat na rin siya'ng maghinala. Hindi normal ang vision na nakita nila at ayaw niya lamang itong tanggapin,parang ayaw ng utak niyang iproseso ang mga nangyayari ngayon sa buhay niya, at ang mga naririnig niya pamula sa isang bampirang walang hinangad kundi ang patayin ang presensiya niya sa mundo.

Umiling ulit ang dalaga. Hindi na ito maaari. Hindi ko papabayaang masira ang mga plano ko dahil lamang sa isang vision na hindi pa naman nangyayari — at wala pang ebedensiya na mangyayari ito — ngunit dahil nakita niya ito mismo sa mga mata niya ay mahirap ng umasang hindi iyon mangyayari.

Napabuntong hininga ang dalaga sa naiisip niya ngayon. Nanatiling malayo ang pagtanaw niya. Nakakatulong ang malamig na kulay ng kagubatan sa mga nararamdaman niya ngayon kaya hindi mahirap para sa kaniya ang kumalma at magisip.

Humangin ng malakas bigla at may malakas na presensiya na naramdaman ang dalaga. Presensiyang 'sing lakas ng naramdaman niya kahapon. Pagtingala niya ay nakita niya ang isang makisig na lalaki sa harapan niya, mala-perpektong mukha at matitigas na bisig. Napatayo naman ang dalaga sa nakita niya.

"Ano pa bang ginagawa mo dito, Augusta? Hindi ba't napagkasunduan na natin ito?"

Hindi na maitago ni Theodore ang galit niya sa dalaga. Ngunit ganoon pa man ang sitwasiyon ay nakaya pa ring ngumisi ng dalaga. "Yesterday's decision will remain as the evident past while today,a different decision was made."

Bakas sa mukha ni Theodore ang galit niya sa babaeng nakatayo ngayon sa harap niya, at kaunti na lamang ay mauubos na ang pasensiya niya sa dalaga. Kinuyom niya ang kaniyang mga kamay at naging hugus kamao ang mga ito, tila nagtitimpi na lamang sa inaasal ng dalaga si Theodore.

Huminga ng malalim ang binata at tumingin siya sa dalaga ng masama. Maraming gustong itanong ang binata kay Augusta ngunit ni isa ay walang kumawala sa labi niya. Hinanap muna niya ang sarili niya sa pamamagitan ng pagpikit ng kaniyang mga mata. Binuksan niya muli ito at tumingin sa babaeng kanina pa'ng nakatayo sa harapan niya.

"Seryoso ako, Augusta. Pagisipan mo ang mga ginagawa mo dahil ang mga ginagawa mo ngayon? Magdadala rin 'yan ng mga consequences sa darating na panahon. Tandaan mo 'yan." Pagkasabi ng binata nito, tulad kahapon, ay naglaho na ulit ito sa kawalan. Naiwan niya ang dalagang naguguluhan. Nag-aaway ang pride at concern ng dalaga ngunit kahit anong gawin niya ay pride pa rin ang laging nagwawagi sa labanan.

Tiningnan ng dalaga ang direksiyon ng pinaglahuan ni Theodore kanina lamang at napabuntong hininga na lamang ulit.

"Ano na nga bang gagawin 'ko? Sa ganitong sitwasiyon, dapat alalahanin 'ko muna ang sarili 'ko bago pa man lumala ang lahat."

Tumingin ang dalaga sa paligid niya. Hindi niya makakalimutan ang kagubatang ito dahil simula pa lamang noong pumunta siya sa South America ay ito na ang kaniyang tinawag na tirahan. Dito siya nagsanay at nagpahusay, mas tumapang rin siya dahil sa mga ginawa niyang pakikipaglaban sa mga mababasik sa leon ngunit mahirap man tanggapin ay nakapagdesisyon na ang dalaga at wala sa diksiyonariyo niya ang umatras sapagkat ngayo'ng nasimulan na niyang magdesisyon na umalis ay plano na niyang gawin ang lahat upang makabalik na agad sa tirahan niya at mamuhay ulit ng normal.

"Matuwa ka sana, Theodore! Nagawa mo na!Napasama mo na 'ko sa plano mo." At sa sinabi'ng iyon ng dalaga ay nagsimula na siyang maglangoy papuntang Pilipinas.

Kada langoy na ginagawa niya ay mas tumitindi ang galit niya dahil kada langoy niya ay papalayo siya ng papalayo sa kaniyang tirahan. Gayon pa man ay sinabi niya sa sarili niyang hindi dapat ito maging hadlang dahil ang vision na nakita niya, tulad ng iba pag nangyari na, ay maglalaho na tila parang bula na pinutok sa ere.

Sa bilis ng dalaga sa paglalangoy ay hindi na niya namalayang pumapasok na siya sa teritoriyo ng Pilipinas. Nararamdaman na niya ang bigat na naramdaman niya dati noong tao pa siya at dala dala niya pa rin ito hanggang ngayon.Pagka-apak niya sa lupa ay nangilabot siya. Pakiramdam niya'y para bang bumabalik ang mga masasamang alaala na pilit niyang tinatanggal sa isipan niya sa buong lamangdan taon niya sa mundo.

Nararamdaman rin niya ang yabag ng mga tao sa lupa,malayong malayo sa nararamdaman niya sa Amazon Basin. Bawat yapak niya ay gumagawa ng maliliit na ukit sa lupa. Malakas masiyado ang presensiya niya para sa Pilipinas.

"Well, well. I think someone decided to set aside her stubbornness and ego for a while." Sa narinig ng dalaga ay tumalikod siya at napangiwi na lamang. Sino pa nga ba ang nakita niya? Isang mala-perpektong mukha ng lalaki, ngunit hindi tulad ng kanina, napalitan ang galit at inis ng binata sa tuwa na may tinta ng pait at pagkayabang.

Tumingin lamang ng malamig ang dalaga sa binata. "Ano pa nga bang magagawa 'ko, hindi ba?" Tugma ang malamig niyang salita sa kaniyang malamig na ekspresiyon.

Gamit ang abilidad sa bilis ng binata ay nakapunta agad ito malapit sa dalaga at nahawakan agad niya ito sa bewang. Ngumis ang binata.

"You're now under my control and now under my territory, therefore whatever I say, whatever command I'll ask you to do, follow."

Blanko ang ekspresiyon ng dalaga at kumalas siya sa hawak ng binata. Alam niya na sa simula ang pinasok niyang gulo at sa simula pa lamang ay alam na niyang kahit paghahanda lamang ang sinadiya niya dito ay hindi lamang iyon ang dapat niyang lagpasan.

Kailangan rin niyang lagpasan ang mga utos ng makapangyarihang binata na nakatayo ngayon sa harapan niya.

*

Augusta WalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon