Chapter 28; Homeless

63 4 2
                                    

Augusta's P.O.V


Sobrang lumala ang init ng aking ulo noong nagsalita pa 'yung Sid na 'yun. Hindi ba siya makaintindi ng ingles?

Pag sinabi kong 'let me stop you right there." ay matuto siyang tumigil!

Pinatigil ko siya sapagkat may nakita akong pamilyar na anino sa hindi kalayuan. Lumingon ako sa gawi kung saan ko nakita yung anino ngunit wala na ito. I bared my fangs. Nabwibwisit ako. Alam kong may mali sa nakita ko dahil imposibleng buhay pa siya. Imposibleng buhay pa si Dr.Renfield.



Humarap ako sa gawing hilaga at nakita na nasa harapan ko na 'yung isa pang nilalang na nagpapainit ng ulo ko. Si Theodore. At base sa mga iniisip niya ay nakita niya na ang nangyari sa mga alagad niya at kay Nathan. And he doesn't look very much happy about it.



"In my office," he hissed. "Now."


Tumalikod na siya pagkatapos nun. And he expected me to follow. Sumunod na lamang ako just for the sake na tumigil na siya sa kakasalita niya. Sayang lang 'yung effort ko sa pagpatay sa ilan sa mga alagad niya dahil hindi rin ako nakainom ng dugo.


Nakarating kami sa mansyon ng walang nagsasalita. Tahimik pa rin kami at nararamdaman ko pa rin ang tensyon mula kay Theodore hanggang sa makarating kami sa opisina niya. Hinarap niya ako at nakikita ko na talagang galit na siya. And I've never seen him like this before.


"Kung nakaramdam ka ng awa sa mga bampirang pinatay mo, salamat," sabi niya at nakakunot 'yung noo niya. "Pero kung hindi, go to hell."



Namilog 'yung mga mata ko sa gulat. Talagang galit na siya at hindi ko na maintindihan ang mga iniisip niya. Natauhan ako bigla. "Theodore, hayaan mo akong magpaliwanag."



"Hindi ko kailangan ng excuse galing sa'yo, kahit paliwanag!" He groaned. "I am sick and tired of wiping your name clean after every mess you've done!" Bulalas niya. He was always calm. Pero ngayon, sumisigaw na talaga siya.



I kept my face stoic and deprived of any emotion. "Did I tell you to clean every mess I made?" Tinanong ko siya.


His mouth was agape - na parang hindi siya makapaniwala na nakakasagot pa ako. "What did you just say?"



"Narinig mo ako kaya huwag mong ipaulit," I snapped. "You don't possess the right to complain kasi in the first place, I didn't ask for you to clean my name."



"Hindi mo alam na kailangan laging malinis ang pangalan mo," sabi niya habang nakakunot pa rin 'yung noo niya dahil sa galit. "Kasi kung hindi sana matagal ka ng wala sa pamamahay na 'to."



"Theodore, you still don't get it," tinitigan ko siya. "I don't need you. I don't need your help. You know that, but why do you keep helping me?"



Naguluhan siya. "Helping you? Oo, tinutulungan kita pero 'yung tulong na 'yun, salungat sa kagustuhan ko." Sabi niya. "Lagi na lang may nagrereport sa akin na Augusta here, Augusta that - you're always the headline. And I'm tired of it." He threw his hands up. "Come to think of it, I'm tired of you."



"Good that you're tired of me," ani ko. "Kasi wala rin namang saysay ang mga pinaggagagawa ko sa isla na 'to! Sa Pilipinas! Tanda mo pa ba ang sinabi ko sa'yo noon? Ayaw kong pumunta dito. Pinilit mo lang ako."



"Gawa nga kasi ng pesteng vision!" He snapped. "Pero since matagal ka ng naandito at wala pa ring nangyayari, pwedeng false ang pangitain na 'yon," he smiled. Pero 'yung ngiti niya ay puno ng galit. "And you know what? Pwede ka na ring umalis sa pamamahay na 'to."



Augusta WalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon