Chapter 21;Okay,kasalanan ko.

105 7 0
                                    

Picture of Sid Carter→ :)

*********************

Augusta's P.O.V

"What did you say?" Ang hindi makapaniwala'ng tanong ni Mr.President.

"Are you deaf?I said,lumayo ka sa'kin." Ulit 'ko ulit.

"L-Lalayo?"

I sighed.Is it that hard to understand?Hindi naman ata.I know that his reaction is all because of my unexpected dare.

"Theo,siguro naman na-process mo na ang lahat,diba?Okay,ayaw mo sa'kin from the start,at ayaw 'ko rin sa'yo.So siguro naman alam mo na kung bakit nagawa ito'ng dare.Para'ng ang dali dali na nga.Especially for me and you,am I right?"

Yup.Piece of cake.

Hindi 'ko alam kung naprocess ba sa utak nito'ng lalaki na nasa harapan 'ko ang mga sinabi 'ko sa kaniya kasi kanina pa siya'ng tahimik.

"Okay,I'll claim that as a yes." I dismissed.Ayaw niya'ng sumagot eh.Mukhang nasa state of shock pa rin siya.

'Yung totoo?All along,akala 'ko ito ang ninanais niya?Ang lumayo sa akin?

"I-"

"Starting tomorrow." I informed him.

So starting tomorrow,care free na ako sa wakas at hindi na ako nasa ilalim ng pakpak nito'ng si Theodore.

"Pero-"

"Tara na kaya'ng umuwi?Marami na ang tao eh,baka mangyari ulit ang mangyari kanina."

Tiningnan lang niya ako.

"Sorry.May sasabihin ka ba?" Ang tanong 'ko sa kaniya.I hope I'm not being rude.

"I think you're going too far." Ang tangi lang niya'ng sabi.

Going too far?I think that's completely within the line.Hindi ba gusto niya 'to from the start?So bakit niya 'to tinatanggihan?

"Pero-" Hindi 'ko na natapos ang sasabihin 'ko ng bigla na siya'ng nagsalita.

"I think you're claiming something that I haven't agreed on."

Ano pa nga ba?I think the dare will give us benefits that are,in our case,'to die for.

Though the funny thing is,wala'ng ano man ang papatay sa'kin at sa kaniya.So hanggang figure of speech na lang talaga.

"What do you mean?Nakalimutan mo na ba na 500 years ago,pinaalis mo ako sa mismo'ng tahanan 'ko?" Sabi 'ko sa kaniya.

Napa buntong hininga lamang siya."500 years ago.In short,noon."

"Meaning?"

"Paano mo nasabi na ayaw 'ko sa'yo?Dahil binabase mo ang ugali 'ko sa noon nating pagkikita?Isn't that a little unfair?Siguro hindi mo pa talaga ako ganoong kakilala." Ang sinabi niya sa'kin.

Kilala?

Pati nga ang iniisip niya kaya 'ko'ng basahin eh,tapos sasabihin niya na hindi 'ko siya kilala?

He smiled."See?"

"Hindi ba ayaw mo sa'kin?Obvious na.Hindi lang ako nag-assume.I gathered facts." Pagmamayabang 'ko naman.It's true.Hindi 'ko na nga binabasa ang utak niya para malaman 'yon.

Tumayo siya."That's what's wrong with you!" Nagulat ako sa tono ng boses niya.Para'ng sumisigaw na siya pero kami lang ang nakakarinig dahil maingay rin sa park."You are so oblivious.Lagi mo'ng sinasabi na nababasa mo ang utak 'ko and all my deepest secrets pero hindi mo man lang nalaman na ginagawa 'ko ang lahat ng 'to para sa'yo?!Na ang kalungkutan 'ko,lahat dahil sa'yo?Kung ayaw 'ko sa'yo,sana sa simula pa lang pinaalis na kita but did I do it?Ofcourse not!Kung ayaw 'ko sa'yo,edi sana hindi kita pinatira sa pamamahay 'ko,but did I told you to never set foot in my house?Wala naman ako'ng natatandaan.Kung ayaw 'ko sa'yo,hindi sana ako nagsasayang ng oras 'ko para ayusin ang lahat ng mga kaso mo!"

Augusta WalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon